"Celebration vacation!" Sabi ni Chienna.
"Ha?" Tanong nila..
"Since pumasa kayong lahat, kailangan natin i-celebrate ang pagpasa niyo. Naisip namin ni Nate na why not mag vacation tayo." Patuloy ni Chienna.
"Saan naman ang balak mo?" Tanong ni Kit.
"Good question, Katalina." Sabi ni Chienna.
Inirapan naman siya ni Kit.
"Mag beach tayo!" Sagot ni Chienna.
"May rest house kami sa Batangas, napaalam ko na din kay Dad." Dagdag ni Nate.
"Uhh...I'm not sure, ang dami pa kasing pinapaayos ni Kuya sa akin." Sabi ni Steffi.
"Come on, Steffi! Think of it na despedida vacation mo bago ka umalis papuntang New York. Have fun with us bago ka umalis." Sabi ni Chienna.
"Isama mo na din si Doc Robi." Dagdag ni Nate.
"Okay...." Sagot ni Steffi.
"It's settled then, we're going on a trip!" Sabi ni Chienna.
*
*
*
*
*"Nate, kayo na pala yan!" Bati sa kanila ng isang babae pagbaba nila ng van.
"Manang, mga kaibigan ko po. Si Manang Rosa, sila ang caretaker dito sa bahay namin." Pakilala ni Nate.
"Tuloy kayo! Edgar! Tulungan mo sila na ipasok ang mga gamit nila." Sabi ni Manang Rosa.
Pumasok naman sila sa loob ng bahay nila Nate.
"Ang ganda naman ng bahay nila Nate, parang resort." Sabi ni Steffi na manghang-mangha sa bahay.
"Nagsisisi ka na ba na ako ang pinili mo kesa kay Nate?" Tanong ni Robi na di rin makapaniwala sa nakikita niya.
"Chienna, alam mo ba na ganito kayaman sila Nate?" Tanong ni Siv habang shocked sa itchura ng bahay nila Nate.
"Hindi ko din alam..." Di makapaniwalang sagot ni Chienna dahil unang beses niya lang din makapunta dito.
"Ang swerte mo kay Nate, Chienna." Dagdag ni Kit habag natulala din sa mga nakikita niya.
"Uy, bakit nandiyan pa kayo? Ilagay niyo na sa mga kwarto yung gamit niyo." Gising naman sa kanila ni Nate.
Sumunod naman sila. Dinala sila ni Nate sa mga kwarto nila.
Isang kwarto para sa boys, at isang kwarto para sa girls.
"Kakarating lang natin pero parang ayaw ko na umuwi." Sabi ni Steffi pagkabagsak niya ng katawan sa kama.
"Ako nga din." Sang ayon ni Kit.
Napatingin naman sila kay Chienna na napansin nilang hindi umiimik.
"Okay ka lang, Chienna?" Tanong ni Steffi.
"Ha? Ah.. Oo naman." Sagot ni Chienna.
"Talaga lang ha? Eh di ka umiimik diyan." Dagdag ni Kit.
"Ah..eh..kasi.."
"Bakit? Anong problema?" Nag-aalalang tanong ni Steffi.
"Alam ko naman na may kaya ang family ni Nate, pero hindi ko alam na ganito pala sila kayaman. I mean...ang ineexpect ko lang eh isang simple na beach house, hindi resort!" Sabi ni Chienna.
"Oh, eh ano namang problema doon?" Tanong ni Kit.
"Alam niyo naman kung ano ang nangyare sa family ko diba, kung paano kami lumubog sa utang. Ayaw ko lang naman isipin na tine-take advantage ko ang feelings ni Nate para sa benefits ko. Ayaw ko naman magmukhang gold digger." Sabi ni Chienna na halatang nag-aalala.
"Ano ka ba naman! Sino naman mag-iisip sayo niyan?!" Sabi ni Kit.
"Mahal mo naman si Nate diba, yun lang naman ang importante. Yung honest feelings mo para sa kanya, kung alam naman niya yun wala na kayong pakialam sa sasabihin ng iba." Sabi ni Steffi.
.
.
.
.
.Naghanda sila Manang Rosa ng lunch para kina Steffi.
"Wow! Puro seafoods!" Tuwang-tuwa na sabi ni Steffi.
"Oo, yung iba diyan kakahuli lang." Biro naman ni Mang Edgar.
"Salamat po sa pagkain!" Sabi nilang lahat at pagkatapos ay nagsimula ng kumain.
Matapos ang lunch ay tumambay sila sa may swimming pool.
"Robi, totoo ba na bawal mag-swimming kapag busog?" Tanong ni Steffi.
"Saan mo naman narinig yan?" Natatawang tanong ni Robi.
"Kasi lulubog ka, Steffi!" Asar naman sa kanya ni Chienna at pagkatapos ay hinubad ang cover up niya at natulala silang lahat.
"Ang sexy ni Chienna..." Sabi ni Steffi at naconscious naman sa katawan niya.
"Swimming na tayo!" Aya naman ni Chienna habang naka-swimsuit lang.
Sumunod naman si Kit at tinanggal din ang cover up nito.
Napalunok naman si Siv kay Kit.
"Siv, hindi ko alam na sexy din pala si Kit." Bulong ni Nate kay Siv.
"Kit, sa sexy mong yan, ikaw na talaga si Katalina ngayon." Sabi ni Chienna kay Kit.
"Tara! Steffi! Doc Robi!" Aya ni Nate.
"Sige, mamaya na ako." Sagot ni Robi. "Steffi, sumama ka na sa kanila."
"Nako! Mamaya na lang. Nakakahiya." Sabi ni Steffi.
"Tara na Steffi!" Pilit ni Kit.
"Sayang lang yung swimsuit mo, ang cute pa naman!" Sabi ni Chienna at tinanggal yung cover up ni Steffi.
Pinilit takpan ni Steffi yung katawan niya pero hindi naman effective.
"Ayan! Sexy ka din naman eh!" Dagdag ni Chienna.
Pink two-piece yung suot niya, kitang-kita yung legs niya at tummy niya.
Nagulat naman sila ng biglang balutan ni Robi si Steffi ng towel.
"Mamaya ka na lang mag-swim, Steffi. Hindi ka pa nag ssunblock diba." Palusot ni Robi.
"Uh-hmm...sige na nga. Iwan muna namin kayo diyan." Sabi ni Chienna.
Naiwan naman si Robi at Steffi at kasama doon yung awkward silence nila. Lumapit naman si Steffi na nakabalot sa towel at tumabi kay Robi.
"Sorry..." Sabi ni Robi.
"Ha?"
"Ayaw ko lang makita ka ng iba na ganyan..."
"I understand...hindi ko din naman kaya! Grabe! Wala ako ng confidence nila Kit at Chienna." Natatawang sabi ni Steffi.
"I mean, when I look at you para ka lang bata...but after seeing you like this... I realized your not a kid anymore." Patuloy ni Robi.
Lumapit sa harap ni Robi si Steffi at tinanggal ang towel na nakabalot sa kanya.
"Now you know." Sabi niya.
Then she kissed Robi.
BINABASA MO ANG
The Doctor is Out!
Dla nastolatkówThe very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse intern with a hotshot Doctor." Let's see if the Doctor is in or if the Doctor is out.