"Surgeon siya, sa ospital kung saan ako nag-intern. Unang beses ko pa lang siya makita, gusto ko na siya. Kaya nga kinulit ko siya eh, nagpacute ako sa kanya hanggang sa mapansin niya ako." Kwento ni Steffi kay Farrah.
"Nako! Ate Farrah, kung nakita mo lang ako nun, matatawa ka sa kabaliwan ko dahil super crush ko talaga siya." Patuloy ni Steffi na nangingiti ng maalala niya yung mga kalokohan niya.
"Talaga?" Sabi naman ni Farrah at napangiti sa kwento ni Steffi.
"Ang gwapo niya kasi, ang tangkad, matalino, tsaka parang may pagka mysterious yung dating niya kasi suplado." Sabi ni Steffi.
"Ideal man ba?" Tanong ni Farrah.
"Oo ate, hindi ko nga expected na dahil sa kakulitan ko eh magugustuhan niya ako. Kasi akala ko dat eh inis na inis na sa akin yun, kahit saan ba naman kasi eh sinusundan ko siya." Dagdag ni Steffi.
"Alam mo Steff, sana may confidence mo ako noong nasa age ko ikaw. Para hindi ko nasayang yung oras na dapat kasama ko na pala si Andrei. Kaya bilib ako sayo." Sabi ni Farrah habang pisil ang kamay ni Steffi.
"Pero kahit matagal ang hinintay niyo ni Kuya eh kayo pa din naman ang nagkatuluyan diba." Sabi ni Steffi.
"Isang bagay din ang narealize ko sa love story namin ni Andrei."
"Ano yun, ate?"
"Nasa right timing ang lahat, kahit gaano pa kayo katagal nalayo sa isa't isa. Kung kayo talaga ang para sa isa't isa...kayo talaga." Patuloy ni Farrah.
.
.
.
.
.Ilang araw matapos manganak ni Farrah ay lumabas na din sila sa ospital. Si Steffi naman ay pinagpatuloy ang training sa ospital.
"You're doing good, Steffi." Bati sa kanya ni Nurse Greta.
"Thank you." Sabi naman ni Steffi.
Bumalik ang sigla niya sa pagiging nurse. Tumatak sa kanya ang sinabi ni Farrah.
"Kung kayo talaga ang para sa isa't isa...kayo talaga."
Matapos ang duty niya ay umuwi na siya sa apartment.
"I'm home!" Bati niya, naabutan niya si Farrah at Andrei sa may sala, at si Andrei ay karga ang baby.
"Hello Tommy!!" Bati ni Steffi sa baby nilaro ito ng kaunti.
*cries*
"Hala! Bakit ka umiyak??" Natarantang sabi ni Steffi.
"Siguro gutom lang siya." Sabi ni Farrah. Kinuha ni Farrah ang baby, naiwan naman si Andrei at Steffi sa sofa.
"Maganda daw ang evaluation sayo sa training ha." Sabi ni Andrei.
"Hay nako kuya, kanino mo ba naririnig yan?" Natatawang tanong ni Steffi.
"Si Karen, kada kilos mo kasi binabalita kay Farrah. Ayaw daw niya na mag-alala kami." Sagot ni Andrei.
"Hmm..medyo masaya na kasi mag-duty ngayon. Ang dami kong nagagawa, tsaka yung mga bagay na hindi ko nagagawa sa Pilipinas nun dati eh nagagawa ko dito kaya excited ko everyday. Ang dami kong natututunan." Kwento ni Steffi.
"Mabuti naman kung ganun."
"Uhm...Kuya Andrei, sorry pala last time kung umarte ako na parang tanga ha. Hindi ko naman sinasadya, siguro stressed lang ako sa trabaho tapos nahohomesick din ako." Paliwanag ni Steffi.
"Okay lang yun. I'm sorry din kung nakadagdag pa ako sa stress dahil pinepressure kita sa mga bagay na hindi mo naman gusto." Sabi ni Andrei.
"Naiintindihan ko naman kuya bakit gusto mo akong maging magaling dito. Gusto mo lang na maging maganda ang future ko. Tsaka sinong nagsabi na hindi ko gusto ang ginagawa ko dito." Nakangiting sabi ni Steffi.
"Alam mo ganyan din ako nung umpisa, malungkot din ako nun. Kasi malayo ako sa inyo tapos wala na din si Carey sa tabi ko. Pero dumating naman si Farrah at pinaramdam niya na pwede akong maging masaya dito at ngayon ikaw naman ang nandito, lahat ng pinaghirapan at sacrifice ko dati ay worth it." Sabi ni Andrei.
Yumakap naman sa kanya si Steffi.
"Steffi, sorry kung natulad kayo sa amin ni Carey ha. Sorry kung pinapili kita between sa parehong importanteng bagay." Sabi ni Andrei.
"Lahat naman dumarating sa ganitong point, na kailangan mo mamili kung ano ang mas priority." Sabi ni Steffi.
"Bakit nga pala tinanggihan mo si Robi? Nung time na nagmakaawa na siya sayo sa airport?" Tanong ni Andrei.
"Alam kong masaya si Robi sa ginagawa niya, magaling siyang doktor. Madami na siyang maipagmamalaki, kaya hindi ko kayang kunin sa kanya yun. Pero doon ko din narealize na hindi niya din kaya kunin yung pangarap ko, wala pa akong maipagmamalaki...kahit sa sarili ko. Gusto ko naman mag focus sa sarili ko at ipakita sa inyo ni Mama na hindi nasayang ang pinaghirapan niyo." Sagot ni Steffi.
"Hindi ko naman pwede na i-adjust ang buhay ko dahil lang kay Robi." Dagdag ni Steffi.
*
*
*
*
*<One year later>
"Tommy! Come to Aunt Steffi!" Tawag ni Steffi kay Tommy na sobra ang bungisngis.
"Come to Daddy!" Tawag naman ni Andrei.
Laking tuwa naman nila ng magsimula ng maglakad si Tommy.
"Tommy! Come to Tita!"
"Daddy's here!!"
Napahiya naman silang dalawa ng pumunta kay Farrah si Tommy.
"Kuya, ang laki na ni Thomas. Ang bilis ng panahon." Sabi ni Steffi.
"Sobra..hindi ko na nga rin napansin. One year ka na din pala dito." Sabi ni Andrei.
"Oo nga eh..."
One year ng nakatira si Steffi sa New York kasama si Andrei, Farrah at Thomas. Masaya naman siya sa New York.
Natanggap siya sa ospital as a nurse dahil in-absorb na siya after externship niya. Laking tuwa naman si Steffi ng kunin siya ng ospital.
Wala pa din siyang boyfriend dahil busy siya sa pagtatrabaho, at wala din siyang interest sa mga lalake na lumalapit sa kanya.
"Alam mo ba hon, may nagpadala ng flowers kay Steffi kanina..galing daw kay Dr. Reed." Pang-aasar ni Farrah kay Steffi.
"Ate Farrah naman eh!"
"What? Eh totoo naman." Pilyong ngiti ni Farrah.
"Talaga?? Eh anong sabi mo Steffi?" Tanong ni Andrei.
"Eh hindi ko naman tinanggap, sabi ko I don't want to be in a relationship right now." Sagot ni Steffi.
"Ayaw ba talaga o dahil di pa nakakamove on?" Asar ni Farrah.
"Nako, Ate. Huwag mo na banggitin yun baka mamaya mabuhay pa yun." Sabi ni Steffi.

BINABASA MO ANG
The Doctor is Out!
Fiksi RemajaThe very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse intern with a hotshot Doctor." Let's see if the Doctor is in or if the Doctor is out.