"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Robi kay Steffi ng mapansin niyang tulala si Steffi sa kawalan.
"Ha?? Ah! Oo sorry, from night kasi ako kaya medyo wala ako sa sarili." Sabi ni Steffi ng matauhan siya.
"Kung gusto mo umuwi ihahatid na kita." Sabi ni Robi.
"Hindi! Ayaw ko umuwi, gusto pa kita kasama." Pigil ni Steffi.
"Tungkol saan ba yung iniisip mo?" Tanong ni Robi ng mapansin niyang malalim ang iniisip ni Steffi.
"Bukas kasi grand duty na namin. Last day na namin sa St. Andrew Hospital." Sabi ni Steffi.
"Ayaw mo ba nun, ibig sabihin malapit ka na gumraduate. Malapit ka na maging totoong nurse." Sabi ni Robi.
"Oo nga, pero nalulungkot lang ako na ang dami kong iiwan sa lugar na yun." Dagdag ni Steffi.
"Hindi ka naman lalayo eh. Pwede ka naman bumisita minsan." Sabi ni Robi.
Umiwas ng tingin si Steffi kay Robi at pinilit na ngumiti, pero ang totoo ay pinipigilan niya ang mga luha niya.
Dahil alam niya na konting panahon na lang ay aalis na din siya at sasama na sa Kuya Andrei niya.
"Wala ng nurse intern na mangungulit sa akin." Sabi ni Robi.
"Nako! Baka kapag may dumating na bagong nurse interns eh kalimutan mo na ako ha!" Sabi ni Steffi kay Robi.
"Hindi. Wala ng katulad ni Steffi." Nakangiting sabi ni Robi.
.
.
.Nilapag ni Steffi lahat ng files sa lamesa ni Nurse Rina pagkatapos niya mag-rounds.
"Hay. Simula bukas malungkot na ang ward. Wala na ang favorite kong si Steffi." Malungkot na sabi ni Nurse Rina.
"Si Nurse Rina talaga!" Comfort ni Steffi.
"Steffi, mag extend ka na lang dito! O kaya pagkapasa mo ng board exam eh dito ka mag work as a nurse! Sure naman ako kukunin ka nila." Sabi ni Nurse Thea habang nakayakap kay Steffi.
Pinilit naman ngumiti ni Steffi dahil imposible mangyare yung gusto ni Nurse Thea kahit gustuhin pa niya.
May nakaplano na para sa kanya.
"Ikaw talaga Nurse Thea! Pwede naman tayo magkita! Bibisita pa din naman kami dito." Sabi ni Steffi.
"Sure ka ha!" Sabi ni Nurse Thea.
"Steffi, tara na! Ready ka na ba? Sabay na tayo para sa grand duty mamaya?" Tanong ni Siv.
"Oo. Ready na. Kunin ko na lang mga gamit ko." Sagot ni Steffi kay Siv.
.
.
.Nagsimula na ang grand duty ng mga nurse interns from St. Matthew's.
"Congrats sa inyo!" Bati ni Nate kina Steffi.
"Thank you! Buti nakadating kayo." Bati naman ni Steffi.
"Syempre, mamimiss ba namin to." Sabi ni Chienna.
May nagtawag ng attention sa stage para sa isang announcement.
"St. Andrew Hospital decided to give this award to the most outstanding nurse intern for this batch... and it goes to none other than Ms. Steffi Lacson!" Sabi ng emcee.
Nagulat si Steffi dahil hindi naman niya akalain na magkakaroon siya ng award galing sa St. Andrew's.
"Ms. Steffi Lacson was a nurse intern from the Surgery department and it seems that all the nurses and doctors saw her as a hardworking nurse intern, that's why St. Andrew's decided to give this award to her. So Ms. Steffi Lacson, come on up!" Dagdag ng emcee.
"Wow... Thank you, thank you for giving me this award. Hindi lang para sa akin itong award na to, dahil alam kong lahat tayo ay naging hardworking nurse interns dito sa St. Andrew's." Sabi ni Steffi.
"Madaming binigay na alaala ang St. Andrew's sa akin at lahat ng ito ay hindi ko makakalimutan. Ngayon man ang last day natin dito, wag sana natin kalimutan na naging malaking part ang St. Andrew Hospital sa pagiging isang magaling natin na nurse sa future. Aalis man tayo ngayon, wag natin kalimutan ang mga tao na nakasama natin dito, at ang mga natutunan natin." Dagdag ni Steffi.
Napatingin siya sa mga tao at natanaw niya si Robi sa bandang likod.
"At lalo na ang mga tao na nagturo sa atin na mahalin ang lugar na to." Tapos ni Steffi.
*
*
*
*
*"Steffi! Breakfast na!" Tawag sa kanya ng mama niya.
"Ma..ngayon na nga lang ako nakatulog ng matagal eh." Reklamo niya pagbaba niya ng hagdan.
"Kunwari ka pa, tulog mantika ka naman lagi." Bati ni Andrei sa kanya habang may kagat-kagat na bread toast.
"If I know, hirap na hirap ka gisingin ni Ate Farrah!" Sabi naman ni Steffi at umupo sa tabi ni Andrei.
"Ako ang unang nagigising sa amin. Pareho kayo ni Farrah, laging late gumising." Sagot naman ni Andrei.
"Feeling ko tuloy nasa highschool ulit kayo. Ganyang-ganyan kayo noon bago kayo pumasok sa school, palaging nag-aasaran." Sabi ng mama nila.
"Si Kuya akala mo hindi future daddy kung awayin ako!" Depensa ni Steffi.
Natawa naman si Andrei habang nakatingin kay Steffi.
"Bakit?" Tanong ni Steffi.
"Wala lang. Naalala ko lang si Farrah. Ganyan kasi siya kapag umaga, nag bbreakfast kami ng magulo buhok niya." Sabi ni Andrei.
Agad namang inayos ni Steffi yung buhok niya dahil gulo-gulo pa nga ito.
"Eh si Mama kasi, nagising ako sa tawag niya." Sagot ni Steffi.
"Siguradong magkakasundo kayo ni Farrah, Steffi. Kaya hindi ka mahihirapan mag adjust sa New York dahil may makakasama ka naman." Sabi ng mama nila.
Natigilan naman si Steffi sa sinabi ng mama nila. Napaalala na naman sa kanya ang plano ng pag-alis niya.
Napatingin naman si Andrei kay Steffi bago ito uminom ng kape niya.
"Bakit di mo imbitahin yung boyfriend mo sa graduation?" Suggest ni Andrei kay Steffi.
"Ha?" Gulat na sabi ni Steffi.
"Invite mo siya pumunta sa graduation mo, para makilala ko." Sabi ni Andrei.
"Si Robi??"
"Ah! Robi pala pangalan niya. Oo, si Robi yung doktor mong boyfriend." Sabi ni Andrei.
"Seryoso ka ba diyan?" Paninigurado ni Steffi.
"Oo, seryoso ako." Nakangiting sagot ni Andrei.
"You're the best kuya in the whole wide world talaga! I love you!" Tuwang-tuwa na sabi ni Steffi pagkatapos ay niyakap si Andrei ng mahigpit.
Dali-dali namang tumakbo sa kwarto niya si Steffi.
"Ma, nakita mo na ba boyfriend ni Steffi?" Tanong ni Andrei.
"Hindi pa, nakukwento lang niya. Pero sabi niya gwapo daw." Sagot ng mama nila.
"Hay nako, si Steffi talaga." Natatawang sabi ni Andrei.

BINABASA MO ANG
The Doctor is Out!
Ficțiune adolescențiThe very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse intern with a hotshot Doctor." Let's see if the Doctor is in or if the Doctor is out.