Naalimpungatan si Robi ng tumama ang sinag ng araw sa mata niya.
"Goodmorn—" Paglingon niya wala na si Steffi sa tabi niya.
"Steffi?? Steffi??" Tawag niya kay Steffi at sinubukan na hanapin siya.
Pero hindi niya makita kahit saan si Steffi.
Sinubukan niya tawagan si Steffi.
*the number you dialed is currently unavailable, please try your call later*
Ilang beses din niya ito sinubukan na itext, pero hindi nagrereply sa kanya.
Nagbihis siya at nag-drive papunta sa bahay nila Steffi.
"Steffi! Steffi!" Sigaw ni Robi sa labas ng gate nila Steffi.
"Sir Robi, sorry po wala po sila dito." Sagot ni Manang Thelma, yung kasambahay nila Steffi.
"Nasaan sila?" Frustrated na tanong ni Robi.
"Sorry sir. Hindi ko din po alam." Sagot ni Thelma.
Bumalik sa kotse si Robi at sinubukan na tawagan isa-isa ang mga kaibigan ni Steffi.
"Hello?" Sagot ni Nate sa phone.
"Nate! Alam mo ba kung nasaan si Steffi?" Tanong ni Robi.
"Doc Robi...ano kasi..." Nauutal na sagot ni Nate.
*Flight CX126 will now be boarding*
Rinig ni Robi sa background.
"Nasa airport kayo?!"
"Sorry, Doc Robi. Ngayon kasi yung flight ni Steffi papuntang New York." Sabi ni Nate.
.
.
.
.
."Mamimiss kita, best friend!!" Sabi ni Chienna at niyakap si Steffi.
"Hoy, kailan ka pa naging best friend ni Steffi? Ako kaya ang best friend niya." Sumbat ni Kit.
"Ewan ko sayo! Nako! Basta mag-message at mag-skype tayo lagi ha. Tsaka kapag may ipapabili ako sayo ikaw na bahala ha." Dagdag ni Chienna.
"Kaya pala lakas maka-bestfriend. May benefits pala." Singit ni Kit.
"Steffi, galingan mo doon ha. Bibisitahin ka namin doon kapag may chance." Sabi ni Siv.
"Makinig ka mabuti sa kuya mo ha, at magtrabaho ka mabuti. Galingan mo sa New York, magpapakabait ka." Paalala ng mama ni Steffi.
"Opo naman ma." Sabi ni Steffi at yumakap sa mama niya.
"Hayaan mo ma, kami ni Farrah ang bahala kay Steffi." Paninigurado ni Andrei sa mama nila.
"Hoy, Nate. Ikaw na lang hindi nagpapaalam kay Steffi." Sabi ni Chienna.
"Ah..sorry. Tumawag kasi kanina si Doc Robi, hinahanap niya si Steffi." Sabi ni Nate.
*Flight RD 198 to New York will now be boarding, please proceed to Gate 3*
"Yan na flight namin, papasok na kami." Paalam ni Steffi.
"Bye!!!" Paalam nilang lahat kay Steffi. Nag-wave goodbye naman si Steffi sa kanila at tinulak na ang cart niya.
"Steffi!" Napalingon siya sa tumawag sa kanya.
"Robi..." Di siya makapaniwala sa nakikita niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/60581802-288-k388464.jpg)
BINABASA MO ANG
The Doctor is Out!
Teen FictionThe very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse intern with a hotshot Doctor." Let's see if the Doctor is in or if the Doctor is out.