Tahimik si Steffi at Robi na naglunch. May awkward silence silang dalawa. Sa tagal ba naman ng hindi nila pagkikita, hindi nila alam paano kakausapin ang isa't isa.
"Kumusta naman sa St. Andrew's?" Tanong ni Steffi.
"Okay naman. Madaming changes, for the better." Sabi ni Robi.
"Sila Nurse Rina? Nurse Thea? Kumusta?"
"I don't see nurse Rina anymore, balita ko nag-abroad na din siya. Si nurse Thea naman may boyfriend na." Nakangiting sagot ni Robi.
Natigilan naman si Steffi ng makita niyang ngumiti si Robi. Ang tagal na niyang hindi ito nakita ngumiti..
Pero binaling na lang niya sa iba ang atensyon niya bago pa mapansin ni Robi na nakatitig siya sa kanya.
"So...gaano ka pala katagal dito sa New York?" Tanong ni Steffi.
"2 weeks, tatapusin ko lang yung convention then babalik na ako sa Manila." Sagot ni Robi.
"Mabuti dito yung convention niyo."
"I volunteered when I heard na sa New York gaganapin yung convention." Sabi ni Robi habang nakatingin kay Steffi.
Nagkatinginan naman sila ni Steffi.
*beep*
Tinignan ni Steffi yung beeper niya.
"Uh..tapos na kasi yung break ko, so I have to go back." Paalam ni Steffi.
"Is that so.. Uhm..let's have coffee sometime." Pahabol ni Robi.
"I would like that." Sagot ni Steffi.
.
.
.
.
."Hon, okay na ba mga gamit mo?" Tanong ni Farrah kay Andrei.
"Yes, hon."
"Thomas, be a good boy ha. Mom and Dad will be back later." Paalam ni Farrah kay Thomas.
"Don't worry, Ate Farrah ako ang bahala kay Tommy." Sabi ni Steffi.
Paulit-ulit naman na hinalikan ni Farrah at Andrei si Thomas para magpaalam. Natawa naman si Steffi at para bang nainggit din siya somehow.
"Ako wala bang goodbye hug??" Biro ni Steffi sa kanilang dalawa.
"Alagaan mo si Thomas, Steffi." Paalala ni Andrei habang niyayakap si Steffi.
"Yes sir!" Sabi niya at sumaludo kay Andrei.
Ng makaalis na sila Andrei at Farrah, binuhat ni Steffi si Thomas at umupo sila sa couch.
"Kailan kaya ako magkakaroon nang sariling Thomas?" Tanong ni Steffi kay Thomas, si Thomas naman nakaharap lang sa kanya at tumatawa.
"Ang cute cute mo! Nakakagigil ka! Gusto kita kainin!" Sabi ni Steffi habang pinanggigigilan ang tiyan ni Thomas.
Naisipan ipasyal ni Steffi si Thomas sa labas since maganda ang panahon at day off niya ngayon sa ospital.
Tulak niya ang stroller ni Thomas at naglakad-lakad habang may hawak siyang coffee.
Bigla namang umiyak si Thomas kaya binuhat niya ito.
"Anong gusto ni Tommy? Hungry na ba si Tommy??" Natataranta siya, patuloy naman sa pag-iyak si Tommy.
"Need some help?"
"No thanks, I'm oka—" Natigilan naman siya paglingon niya.
"Robi..."
"I think may tummy ache siya kaya siya umiiyak." Sabi ni Robi at kinuha si Tommy kay Steffi.
"What's his name?"
BINABASA MO ANG
The Doctor is Out!
Roman pour AdolescentsThe very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse intern with a hotshot Doctor." Let's see if the Doctor is in or if the Doctor is out.