"Okay naman dito, madami pa ring ginagawa. Kakatapos ko lang mag-lunch kaya nasa labas ako." Sabi ni Steffi habang kausap si Robi sa phone.
"Ganun ba, mabuti naman." Sabi ni Robi sa kabilang linya.
"Nandito ako sa rooftop ngayon...nasanay kasi ako na kapag hindi kita masyadong nakikita sa baba eh dito kita maaabutan. Pero ngayon kahit saan ako pumunta, wala ka." Sabi ni Steffi.
"Hindi din ako sanay na hindi ka nakikita..." Sabi ni Robi.
"Ahh!! Sorry medyo madrama. Kumain ka na ba?" Lihis ni Steffi sa topic.
"Nagluto ako ng baked macaroni." Sagot ni Robi.
"Hala! Nakakainggit naman! Nagluluto ka pala, hindi ko man lang alam. Sayang di pa ako nakakatikim ng luto mo." Sabi ni Steffi.
"Madami pang baked macaroni dito...gusto mo pumunta dito?" Tanong ni Robi.
"Sige! Pag tapos ng duty ko pupunta agad ako diyan!" Masayang sabi ni Steffi habang ang isip lang ay nasa baked macaroni na inaalok ni Robi.
"Steffi, rounds na!" Tawag ni Nurse Thea kay Steffi.
"Uy sige tinatawag na ako ni Nurse Thea. See you later!" Paalam ni Steffi kay Robi at binaba na ang phone.
"Anong ginagawa mo dito??" Tanong ni Nurse Thea kay Steffi ng makalapit ito sa kanya.
"Ah! Kausap ko lang si Doc Robi." Sagot ni Steffi.
"Uyy! Kilig naman ako. Anong sinabi niya sayo?" Kulit ni Nurse Thea kay Steffi.
"Kinumusta lang niya ako, tapos niyaya niya ako pumunta sa kanila kasi nagluto daw siya ng baked macaroni." Sagot ni Steffi.
"May kasama ba siya sa bahay?" Tanong ni Nurse Thea.
"Nung huling punta ko dun wala akong nakita na kasama niya." Sagot ni Steffi habang nag-iisip mabuti kung may kasama nga ba si Robi sa bahay.
"Ha??!! So ibig sabihin kayong dalawa lang mamaya?" Gulat na sabi ni Nurse Thea.
"Siguro." Sagot ni Steffi na parang walang alam sa kung ano pinupunto ni Nurse Thea.
"Steffi! Ready ka na ba?!" Tanong ni Nurse Thea habang hawak ang magkabilang balikat ni Steffi.
"Ha?? Ano bang pinagsasasabi mo?" Pagtataka ni Steffi.
"Bakit anong meron??" Tanong ni Siv kay Nurse Thea at Steffi nang makasalubong nilang dalawa ni Kit.
"Pinapapunta ni Doc Robi si Steffi sa bahay niya para sa baked macaroni." Sabi ni Nurse Thea.
"Gusto niyo sumama?" Aya ni Steffi sa kanila.
"Ha? Talaga?! Madami daw ba siyang niluto?" Pag-aalala ni Siv.
"Ugh. Hindi man lang lasagna, pero Sige na. Pagkain pa din eh." Napipilitan na sabi ni Kit.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Nate ng maabutan sila.
"Niyaya ni Doc Robi si Steffi pumunta sa kanila para kumain ng baked macaroni." Sagot ni Nurse Thea.
"Ha?! Hindi pwede!" Pigil ni Nate.
"Hay mabuti naman may naka-gets na sa pinopoint ko." Sabi ni Nurse Thea.
"Hindi pwede na kung anong klaseng preparation na lang ang ginawa ni Doc Robi sa paggawa ng baked macaroni, dapat tama ang sauce at fresh ingredients na ginamit niya. Sasama ako para i-check ko ang cooking skills niya." Sabi ni Nate.
Natameme naman si Nurse Thea dahil akala niya gets siya ni Nate. Hindi pala.
"Hoy, kayong mga unlicensed nurses anong pinagkakaguluhan niyo?" Singit ni Chienna sa usapan nila.
"Niyaya ni Doc Robi si Steffi sa bahay niya para kumain ng baked macaroni." Sagot ni Nurse Thea.
"No way!" Tutol ni Chienna.
Nag ning-ning ang mga mata ni Nurse Thea ng akala niya ay nagets ni Chienna ang pinapoint out niya.
"Hindi pwede na hindi ako kasama, dapat may supervision ng adult like me. Tsaka di pwede na masolo mo lang si Doc Robi noh." Sabi ni Chienna.
"Yay! Ang dami na natin! I-surprise natin si Doc Robi!" Masayang sabi ni Steffi.
Napanga-nga lang si Nurse Thea sa mga reaksyon ay usapan ng mga bata.
"Oh, Nurse Thea, bakit parang stressed na stressed ka diyan?" Pansin ni Nurse Rina kay Nurse Thea.
"Eh kasi Nurse Rina, si Doc Robi niyaya si Steffi na pumunta sa bahay nila para kumain ng baked macaroni. Tinanong ko si Steffi kung ready na ba siya if ever silang dalawa lang ni doc Robi ang nasa bahay, pero hindi niya ata nagets yung gusto kong sabihin. Nauwi sila ngayon sa isang mini outing, walang nakagets dun sa pinopoint out ko." Stressed na sagot ni Nurse Thea.
"Iniisip mo ba na dahil baka maiwan si Doc Robi at Steffi sa bahay ay may kung ano ng mangyare sa kanila?" Tanong ni Nurse Rina.
Tumango naman si Nurse Thea.
"Ikaw naman kasi ang dumi ng utak mo!" Natatawang sabi ni Nurse Rina.
Tinignan nila sila Steffi na patuloy pa ding nag-uusap at nagtatawanan.
"Nakalimutan mong mga bata ang kasama mo." Dagdag ni Nurse Rina habang tinatawanan si Nurse Thea.
*
*
*
*
*"Ang sikip naman dito sa likod, Nate!" Reklamo ni Chienna.
"Sorry kung hindi malaki kotse ko ha." Sabi naman ni Nate.
"Ugh! Whatever." Sabi ni Chienna.
"Bakit ba nandito si barbie doll ha?" Tanong ni Kit kay Steffi.
"FYI. Steffi and I are friends now." Sagot ni Chienna sa tanong ni Kit.
"Oo, friends na kami. Hehe." Sang-ayon ni Steffi.
"Steffi, ito na ba yung condo ni Doc Robi?" Tanong ni Siv ng matanaw nila yung building.
"Ah! Oo yan na! I-park mo na lang doon, Nate." Sabi ni Steffi.
Pagkababa nilang lahat at dumiretso sila sa unit ni Robi.
*ding dong*
"Sorry, kanina ka pa—" Natigilan si Robi at nagulat ng sumalubong sa kanya sila Steffi.
"Hello!" Bati ni Steffi kay Robi.
"Nandito pala kayong lahat." Bati ni Robi sa kanila.
At mga walanghiya silang pumasok sa loob.
"Wow! Ang ganda naman pala ng place mo Doc Robi!" Bati ni Chienna habang manghang-mangha sa unit ni Robi.
"Hmm... kumpleto ang laman ng kitchen... Impressive." Sabi naman ni Nate.
"Ugh! Meron ka palang vinyls ng classic bands. Akala ko korni ka, I was wrong." Sabi ni Kit habang chine-check out yung vinyl collection ni Robi.
"Woah! Ang dami mong books! Mahilig ka din pala sa novels, Doc Robi. Patigin ha." Bilib na sabi ni Siv sa bookshelf ni Robi.
Busy silang lahat sa pagtingin sa paligid.
Naiwan si Robi at Steffi sa may pintuan.
"Isusurprise ka sana namin. Matagal ka na din kasi nilang hindi nakikita kaya naisipan nilang sumama. Sorry kung hindi ko kaagad nasabi sayo." Sabi ni Steffi.
"Okay lang. Thank you din. Ngayon na lang naging maingay ang bahay." Sabi ni Robi
BINABASA MO ANG
The Doctor is Out!
Novela JuvenilThe very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse intern with a hotshot Doctor." Let's see if the Doctor is in or if the Doctor is out.