1st Duty

15.5K 177 9
                                    

First day of internship.

"Hello, St. Andrew Hospital!!!! You're gonna be my home for the whole year!" Sigaw ni Steffi sa lobby ng ospital.

"Also means, St. Andrew's gonna have the annoying Steffi for the whole year." Sabi ni Kit.

Tinulak naman ng mahina ni Steffi si Kit.

"Hanapin muna natin yung head nurse." Aya ni Siv sa dalawang kaibigan niya.

Naglakad sila sa hallway ng ospital, hanggang sa may makasalubong silang nurse.

"Ma'am, alam niyo po ba kung saan namin makikita si Nurse Gina. Siya daw po kasi ang head nurse, sa kanya daw po kami dumiretso sabi ng clinical instructor namin." Paliwanag ni Siv sa nurse.

"Ay! Kayo na ba yung mga nurse interns?" Tanong ng nurse sa kanila. Tumango naman silang tatlo.

"Sumunod kayo sa akin, sakto pupuntahan ko din si Nurse Gina eh. By the way, I'm Thea. Nurse ako dito." Pakilala ng nurse na nakasalubong nila.

Sumunod naman silang tatlo kay Nurse Thea. Hanggang sa makarating sila sa office kung saan nakapaskil sa wall malapit right side ng pinto ang salita na "Head Nurse's Office"

Tumuloy naman silang apat at naabutan nila ang head nurse na si Nurse Gina na sumalubong sa kanila ng may malumanay na ngiti.

"Nurse Gina, sila na lang yung kulang. Nakasalubong ko sila sa hallway kanina." Paliwanag ni NurseThea.

"Good. Introduce yourselves first para makilala ko naman kayo." Sabi sa kanila ni Nurse Gina.

"Uhm... I'm Severino Bautista, but you can all call me Siv. 20 years old, a student of St. Matthew's University." Pakilala ni Siv.

Si Siv ang student leader sa batch nila kaya maganda ang credentials nito kung titignan. Strict when it comes to following instructions.

"I'm Kit." Tipid na pakilala ni Kit, hindi na niya sinabi ang buong pangalan niya.

Si Kit naman ang babae na para bang walang gana sa lahat ng bagay. Laging tipid sumagot at laging nasa negative side. Para bang wala siyang pakialam sa buong mundo.

"And I'm Stephanie Lacson! But you can call me Steffi for short. I am 19 years old and bestfriend ko si Siv and Kit. Excited na po ako mag-simula!" Energized na pakilala ni Steffi.

"Since it's your first day, ididistribute ko na kayo sa iba't ibang nurse station at wards." Sabi ni Nurse Gina sa kanila.

"Siv, nakita ko ang profile mo. Ang tataas ng grades mo! Ilalagay kita sa Medicine ward, since kakailanganin nila ang galing at talino mo at madami kang cases na mahahawakan doon." Sabi ni Nurse Gina kay Siv.

"Kit, ikaw naman sa Pedia ward na kita ilalagay. Para matuwa ka naman sa mga babies doon." Sabi ni Nurse Gina kay Kit.

"At ikaw Steffi, since ang dami mong energy, ilalagay kita sa Surgery ward. Kailangan nila ng hyper doon dahil laging stressed at pagod ang mga tao." Sabi ni Nurse Gina kay Steffi.

Sumunod naman sila sa mga nurses na magtuturo sa kanila sa mga designated wards nila.

"Tara, papakilala kita doon sa mga kasama kong nurses sa Surgery ward." Aya ni Nurse Thea kay Steffi, sumunod naman siya.

"Guys! Ito po si Steffi, makakasama natin na nurse intern." Pakilala ni Nurse Thea sa mga kasama niya.

"Hello po! Alagaan niyo po ako dito." Sabi ni Steffi, natawa naman silang lahat.

"Wow Steffi, ikaw pa lang nakapagpatawa ng mga tao dito. Palagi kasing busy mga tao dito, wala nang panahon para tumawa. Buti na lang talaga dito ka nilagay ni Nurse Gina." Sabi ni Nurse Thea kay Steffi.

The Doctor is Out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon