Paikot-ikot sa isip niya yung sinabi sa kanya ni Nate sa hallway. May parte sa kanya na alam niya kung ano ang gustong ipahiwatig ni Nate.
Matapos ang incident sa hallway sinubukan ni Steffi na mag-focus na lang sa pagtatrabaho.
Ayaw na niya masyado isipin si Robi.
Pero hindi niya maiwasan dahil si Robi lang naman ang lagi niyang iniisip.
"Steffi?? Okay ka lang?" Tapik sa kanya ni Nurse Rina.
"Nurse Rina! Sorry po. Haha! Eh ano po yun?" Gising ni Steffi sa diwa niya.
"Ah, kasi kulang ng nurse ngayon sa ER dahil karamihan nasa seminar. Doon muna na lang kita iaa-sign." Sabi ni Nurse Rina sa kanya.
"Sige po! Nurse intern Steffi on duty!" Masigla niyang sabi.
Bumaba naman agad siya sa ER para makatulong sa mga naiwan na nurses doon.
Nasaktuhan niya na madami ang tao. Pero normal cases lang naman.
"Relax ka lang Steffi, simple treatments lang naman kailangan ng mga patients natin ngayon dito." Sabi ni Nurse Yumi sa kanya.
.
.
.Hanggang bigla na lang nilang marinig ang mga ambulance sirens.
"Attention! There has been an accident. May truck collision sa highway, many were injured. We have ambulances on their way to different hospitals. Dahil tayo ang hospital na pinakamalapit sa accident sa atin dadalhin ang mga critical patients. So we need all Surgeons here in the ER and all ER nurses. Be ready. Let's save lives today." Sabi ni Dr. Kim.
Kung seryoso na yung itchura niya dati, mas seryoso ang itchura ngayon. Ramdam na ramdan ng lahat ng hospital staff ang tension sa Emergency Room.
"Steffi, be alert and be ready. This is the real deal. Kailangan mo maging matapang na nurse ngayon." Sabi sa kanya ni Nurse Yumi.
"Yes ma'am." Sagot ni Steffi. Namumuo na ang kaba niya habang papalapit ang tunog ng mga ambulance.
Dumating naman ang mga Surgeons sa ER. Kasama na si Robi doon.
Nagkasalubong ng tingin si Steffi at Robi pagkapasok na pagkapasok ni Robi sa ER.
Wala na silang panahon magbatian o kaya't mag-usap dahil biglang nagdagsaan ang gurneys sa pintuan ng ER. Nataranta naman ang lahat.
"Get what you can and what you need. Pinaka importante makinig ka sa doktor." Paalala sa kanya ni Nurse Yumi at nagsimula ng mag-asikaso ng mga pasyente.
Madugo sa ER at napakadaming tao. Lahat ay nagkakagulo. Hindi alam ni Steffi kung saan pupunta at sino ang uunahin.
Hanggang sa may makita siyang batang duguan na isinugod sa pintuan ng ER. Kaagad naman siyang lumapit doon at tumulong sa paramedics na may hawak sa bata.
"Ano nangyare sa kanya?"
Napalingon si Steffi sa nagtanong.
Nagulat niya ng makita niya sa harap niya si Robi.
Si Robi ang nag-asikasong doktor sa bata.
"2nd car to hit the truck. 5 year old boy, unconscious, 6 broken ribs, fractured arm and head trauma." Sagot ng isa sa rescue team na may dala sa bata.
"Kami na bahala sa kanya." Sabi ni Robi.
Inabot agad ni Steffi kay Robi ang scissors at ginupit ni Robi yung damit ng bata. Pulang-pula ang damit ng bata.
"Shit." Sabi ni Robi pagkatanggal niya ng shirt.
Bumungad sa kanila ang nakatusok na bakal sa dibdib ng bata.
"Kailangan natin siya dalhin sa operating room." Utos niya kay Nurse Ginny.
"Doc, puno ang OR ngayon. Hindi pa masasabi kailan ang tapos ng operations." Sagot ni Nurse Ginny.
"Fine! We have to do it here!" Stressed na sabi ni Robi.
Ngayon lang nakita ni Steffi si Robi na mag-treat ng pasyente. Namamangha siya kay Robi kung gaano siya kaseryoso sa trabaho niya.
"Doc! Seryoso po ba kayo?" Tanong ni Nurse Yana.
Dalawang nurse ang katulong ni Robi, plus si Steffi na nurse intern.
"We have to open him up. Malakas ang kutob ko na may internal bleeding na siya. Maliliit ang bakal na nakatusok sa kanya, malamang madaming nakapasok sa loob ng katawan niya. Kailangan agad natin tanggalin." Sabi ni Robi.
"Pero doc—" Tutol ni Nurse Ginny.
"I need a nurse here!" Tawag ng isang doktor sa kabilang bed.
"Go!" Utos ni Robi sa isang nurse niya. Sumunod naman si Nurse Ginny at agad-agad na pumunta sa doktor na nanghihingi ng tulong.
"Nurse Yana, bigyan mo ng first aid yung patient na kakapasok lang." Utos ni Robi.
Agad namang sumunod si Nurse Yana.
Naiwan si Robi at Steffi.
"Listen, Steffi. I need you on this." Sabi ni Robi sa kanya.
Napatingin naman siya kay Robi. Kita niya kung gaano kaseryoso si Robi sa ginagawa niya. Kung gaano niya kagusto iligtas yung bata.
"Yes doc." Sagot ni Steffi.
Inayos ni Robi ang mga materials niya na gagamitin sa pasyente. Sinubukan niyang tanggalin ang mga piraso ng bakal na hindi gaano kalalim ang baon sa katawan ng bata.
Si Steffi naman ay sumusunod lang sa mga inuutos niya.
Nagtaka si Steffi ng biglang huminto si Robi.
"Ano pong problema?" Tanong ni Steffi kay Robi.
"Tinamaan ang major artery niya. Hindi ko basta pwede tanggaling ang bakal na nakatusok sa kanya dahil kapag tinanggal ko magkakaroon ng hemorrhage. Mauubusan siya ng dugo." Paliwanag ni Robi.
"Hindi ba pwedeng salinan na lang natin siya pagkatapos?" Tanong ni Steffi.
"Kahit pa, mahirap isara ang sugat at hindi basta basta mapipigilan ang pagdudugo. May internal bleeding na din siya." Paliwanag ni Robi.
"Pero kapag hindi natin tinanggal mai-infect lang siya." Sabi ni Steffi.
"Oo nga eh. Kailangan talaga tanggalin." Sabi ni Robi. Nag pause siya for a second at nag-isip ng mabuti.
"He has 20% mortality rate kapag tinanggal ko to. 20% lang ang chance niya mag-survive." Sabi ni Robi.
"It's still 20%, hindi natin malalaman hanggat di natin susubukan." Sabi ni Steffi.
Tinignan ni Robi yung monitor ng pasyente. Mahina na yung heart rate nito.
"Naniniwala ako sayo Doc Robi." Sabi ni Steffi sa kanya.
***********************************
Author's Note
Intense chapter now.
Disclaimer lang guys.
This is fiction ha. Naghalo lang ako ng parts na happened in real life but most parts fiction na lang. So wag kayo magalit kung parang napapansin niyo na di na makatotohanan yung ibang part. Hehehe.
For comments & suggestions just message me!
VOTE. COMMENT. SHARE.
Have fun reading guys!
BINABASA MO ANG
The Doctor is Out!
Novela JuvenilThe very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse intern with a hotshot Doctor." Let's see if the Doctor is in or if the Doctor is out.