24th Duty

5.1K 121 6
                                    

Naabutan ni Steffi si Robi sa rooftop na umiinom ng juice sa juice box.

"Kanina ka pa hinahanap ni Doc Josh sa baba, nandito ka lang pala." Sabi ni Steffi habang papalapit kay Robi.

"Nandito pa ako namimiss na nila ako agad." Biro niya habang kagat ang straw.

"Hmm... Buong araw ka daw kasi wala sa post mo kaya hinahanap ka nila." Sagot ni Steffi.

"Pinatawag kasi ako ni Dr. Kim kanina, kinausap ako ng board." Sabi ni Robi.

"Ha?! Anong sabi nila?!" Alalang sabi ni Steffi.

| FLASHBACK |

"Dr. Quio, you know why we called you here." Sabi ng isang board member.

"Yes ma'am." Sagot ni Robi.

"Though Mr. Gecos took full responsibility of all that's happen, we still have to be true to our word." Sabi ng isang board member.

"We have come to a decision. We decided that you will be suspended for a year without salary for your salary for that whole year will be given to the Gecos family." Sabi ng isa pang board member.

"I understand, sir." Sagot ni Robi.

"Though you're suspended...we will still consider your application as an attending physician." Dagdag ng isang board member.

"Thank you, Ma'am!" Natuwang sabi ni Robi.

"You will report after a year and will be evaluated. You should endorse all your cases to Dr. Josh and Dr. Albert within 48 hours and after that your suspension will be effective. That's all." Paliwanag ng board member.

| PRESENT DAY |

"Kaya ako hinahanap ni Josh kasi kukunin na niya yung ibang cases ko." Sabi ni Robi.

"Eh bakit nandito ka pa? Asikasuhin mo muna kaya yun!" Sagot ni Steffi.

"Kanina pa ako nakaharap sa mga papel. Gusto ko muna magpahinga." Sabi ni Robi.

Dumantay naman siya sa railing at tumingin sa langit.

"Gusto ko sulitin yung last two days ko dito sa ospital, bago nila ako isuspend." Sabi ni Robi.

Tumabi si Steffi kay Robi at humawak sa railings.

"So matagal ka palang mawawala." Sabi ni Steffi.

"Wala ka nang kukulitin." Sabi ni Robi habang ginugulo yung buhok ni Steffi.

"Hindi na kita makikita." Naiiyak na sabi ni Steffi.

"Hindi lang naman sa ospital tayo magkikita. Pwede naman tayo magkita." Natatawang sabi ni Robi para patahanin si Steffi.

"Baka dahil di mo na ako nakikita eh makakalimutan mo na ako ha." Sabi ni Steffi.

"Sira! Ilang buwan na lang din naman aalis ka na din dito." Sabi ni Robi.

Natigilan naman si Steffi.

Inayos ni Robi ang buhok ni Steffi na natatakip sa mata niya.

"Sorry hindi kita makikita sa grand duty niyo dito sa ospital." Sabi ni Robi.

"Okay lang." Sabi ni Steffi habang pinupunasan yung luha niya.

.
.
.

Inasikaso na ni Robi ang pagtransfer ng cases niya kina Albert at Josh. Bukas magiging effective na ang suspension niya.

"Robi, pupunta lang muna ako ng ER. Naiwan ko yung ibang files doon eh." Paalam ni Albert.

"Ako kukuha ng kape, kanina pa ako inaantok." Paalam naman ni Josh.

The Doctor is Out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon