5th Duty

7K 153 9
                                        

Ilang araw na ang nakapalipas na hindi nakita ni Steffi si Robi pagkatapos ibigay ni Robi ang lunchbox niya.

Sinubukan niyang hanapin pero wala talaga.

"Nasa seminar yon, ganitong panahon sila umaattend ng seminars. Bago mag Christmas at holidays." Paliwanag ni Nurse Gina.

*
*
*
*
*

"Steffi, nakita ko si Doc Robi malapit sa conference room kanina." Sabi ni Nurse Carol.

"Talaga??" Tumakbo naman si Steffi papuntang conference room.

Sinilip silip niya ang loob ng conference room. Ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Robi.

"What are you doing here?" Tanong ni Robi pagkakita niya kay Steffi.

"Welcome back, Doc Robi!" Bati ni Steffi.

"What?"

"Uhh... Kasi ngayon ko na lang ulit kayo nakita." Sabi ni Steffi.

"Ah... Galing kasi akong seminars." Sabi ni Robi.

"Uh... Sige po doc, aalis na po ako." Paalam ni Steffi, pero bago pa siya makaalis hinila siya ni Robi.

Hinila niya papuntang nurse's station.

"Nurse Rina, itong intern niyo kanina pa pakalat-kalat." Sabi ni Robi habang hila si Steffi na parang hindi alam kung ano nangyayare.

"Steffi! Ikaw talaga! Bakit pakalat-kalat ka?!" Sabi ni Nurse Rina kay Steffi na kunwari pinapagalitan siya.

"Isasama ko muna to sa ER para may magawa naman siya." Sabi ni Robi at umalis na hila-hila si Steffi.

Sumunod lang naman si Steffi, wala siyang magawa. Para bang nanigas siya sa pagkakahawak sa kanya ni Robi.

Ng makarating sila sa ER binitawan na siya ni Robi. Nagsimula namang mag trabaho ni Robi.

Pinuntahan niya ang mga pasyente sa surgery section. Inasikaso niya ang batang lalake na nasugatan sa binti.

Si Steffi naman nakatayo lang doon. Hindi alam gagawin niya.

"Steffi, anong ginagawa mo diyan?" Tawag sa kanya ni Robi.

Napatingin naman sa kanya yung mga babae na med clerk na nakapaligid sa bata ng tawagin siya ni Robi.

Dali-dali naman siyang lumapit kay Robi pero hindi pa rin niya alam ang gagawin. Kasabay ng pag-iyak ng batang lalake dahil sa sakit ng sugat niya.

"Ilang stitch ang gagawin?" Tanong ni Doc Robi sa mga med clerks niya.

"Tatlo po, doc. Since malaki ang sugat." Sagot nang babae.

"And then?" Tanong ni Robi.

Tumingin naman silang lahat kay Steffi na nakatayo lang doon at para bang naguguluhan.

"Nurse, nasaan na yung mga gamit?!" Tanong ng isang med clerk na may tono na galit.

Pumunta naman sa nurse's station si Steffi at kumuha ng mga gamit at agad na bumalik sa sugatan na bata.

Hinila sa kanya ng med clerk na babae ang mga gamit.

"Start the sutures." Utos ni Robi sa med clerk.

"Don't just stand there, go get the lab results." Utos ng isa pang med clerk sa kanya.

Sumunod naman si Steffi na may masikip na dibdib. Nangingilid na yung mga luha niya pero pinigilan niya.

Ng maibigay niya ang lab results na hinihingi sa kanya naghintay lang siya sa gilid hanggang sa matapos si Doc Robi sa ginagawa nila.

Tumigil na ng pag-iyak ng bata.

The Doctor is Out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon