2 - Tadhana Can Keep Us Together

9.2K 127 4
                                    

~

"Ania, anak. Gusto mo munang magshopping muna bago mag-school? June 13 na ang pasukan. I want you prepared and relaxed muna." Pag-aaya ng nanay ni Ania sakanya. Ngunit tinatamad naman si Ania, kaya't ito'y iling ng iling.

"Ma, I am already fine and I don't need shopping ganern, ganern, okay?" Sagot ni Ania, at bumalik sa kanyang kwarto. Hinila agad siya ng nanay niya, at nagpakaawa na sumama sakanya ang anak.

"Ania, please? I know you want to..."

Wala ng nagawa si Ania dahil ayaw na niyang humaba pa ang usapan nila't wala rin naman itong mapupuntahan.

"What are you gonna do sa mall ba, ma?" Tinatamad na tanong ni Ania sakanyang ina, pero ngiti lamang ang niresponde nito.

"Why? Masama na bang isama sa lakad ang unica hija ko?" Sambit ng ina ni Ania habang niyayakap si Ania, at hinahalikan ang ulo nito.

Tinanggal naman ni Ania ang pagkakayakap ng ina sakanya, "I will just prep up muna. Just a quick shower, and some chic clothes, and we're off." Mala-awtoridad na wika ni Ania sakanyang ina, sabay diretso sa kanyang banyo.

Dumiretso din ang kanyang ina sa kwarto naman nila, at dumiretso sa isang lumang cabinet na talagang hindi bagay sa tema ng mansion nila. Lingid sa kaalaman ninyo, ang cabinet na iyon ang isa sa mga bagay na gustong gusto na ipatapon ni Ania noon pa, dahil sa hitsura nito at sa amoy. Ngunit ayaw namang pumayag ng nanay nito, dahil merong bagay daw dito na maaaring hindi iwala.

Binuksan na ng nanay ni Ania ang cabinet at kinuha ang isang maliit na kahon, na mayroon pang anay-anay sa paligid nito.

Pagkabukas nito ay may isang larawan ng isang makisig na lalake, mestizo, at gwapo. Kasama nito ay isang singsing na yari sa tela at beads. Sa pagkakita pa lamang nito ng nanay ni Ania, ay bigla itong napahikbi at tuluyan ng napaluha.

Kinuha nito ang larawan ng lalake, at niyakap ito, "Sana ipinaglaban kita kay mama noon pa, eh 'di sana andito ka parin sa tabi ko. Ikaw sana ang nakakasamang tatay ni Ania ngayon, ikaw parin sana ang buhay at mundo ko ngayon..."

Pinunasan niya ang luha niya, "Ikaw at ikaw parin talaga ang mahal ko Marcos. Hinding-hindi ka mawawala sa puso ko, na laging may puwang para sayo." Ang hindi alam ng nanay ni Ania, ay nasa likod na pala niya ang anak na naguguluhan.

"Mom, are you crying? Is there a problem? I can help, ma." Natatarantang tanong ni Ania sakanyang umiiyak na nanay. Lumingon naman ang huli,

"There isn't a problem at all, Ania. Go na, call the driver and we can go na." Pilit na ngiti naman ang ipinakita ng nanay ni Ania sakanyang anak.

Ania did kung ano ang sinabi ng ina, ngunit ang alam nito'y may problema ang nanay na hindi sinasabi sakanya.

=========

Sa kabilang dako, si Ansel at Diane ay papunta naman sa bahay ng lolo't lola nila, pero request naman ni Diane na dumaan muna sila sa mall dahil bibili raw ito ng regalo para sa mga lolo't lola nila.

"Kuya, sa tingin mo anong babagay sa dalawang love birds?" Mala-kikay na tanong ni Diane sa kapatid. Ngunit kunot lamang ang sagot ng huli.

"Bumili ka nalang ng couple necklace na may pangalan nila na pinagsama, okay? Diba ganun naman lagi ang cheesy ideas mo." Sagot ni Ansel, at siniringan naman siya ng kapatid.

"Hey look, it isn't cheesy! Sadyang corny ka! And, without my kikay ideas, hindi mo napasagot si Ate Iza, noh? Wala ka kasing alam sa panliligaw, ew." Biro ni Diane, kaya't kinurot siya ng kuya niya sa bewang na ikina-irit ng huli sa sakit.

"F you, kuya Ansel!" Sigaw nito at iniwan ang kapatid. Napatawa na lamang si Ansel sa kapatid, at hinayaang magtampo ang nakababatang kapatid.

-

"I think this is cute, what do you think bro?" Tanong ni Diane habang nagtitingin ng couple shirts sa isang clothing line.

"Lahat naman cute para sayo eh..." Natatawang sambit ni Ansel, at ginulo ang buhok ng kapatid, na talaga ikinabwisit ni Diane. "I hate you really."

"And, duh, hindi lahat cute para sakin. How about you? Hindi ka cute! Nakakata-cute!" Sabi ni Diane, at lumipat na sa kabilang section ng clothes. Sa kakaatras ni Diane ay hindi sinasadyang matabig niya ang isang dalagang katulad niya, dahil sa pagtabig nito ay natapon ang Starbucks drink ng dalaga sa damit niya.

"Oh my gosh! I am very very very sorry. My sincere apologies!" Natatarantang sabi ni Diane, na ikinalapit ng kapatid nito na si Ansel.

"No, no, it's okay. I will just change nalang, don't worry okay lang talaga." Nakangiting sagot ng dalaga, na si Ania.

"Uh, miss, ibibili ka nalang namin ng bagong damit as an exchange." Biglang sulpot ni Ansel, kaya't napatingin naman dito si Ania. Sa unang tingin, namangha bigla si Ania sa sobrang kagwapuhan ni Ansel. Love at first sight ang peg.

"N-no. O-okay lang talaga, Mr.---?"

"Ansel... Miss. Ansel. Ikaw?" Sambot ni Ansel kay Ania. Ngumiti naman si Ania, at inoffer ang kamay niya. "Ania, nice to meet you, pero it's really okay." Tinanggap naman ito ni Ansel at ngumiti.

Diane, being Diane na sobrang cheesy ay napapangisi sa kuya niya at kay Ania. "May chemistry sila infairness..." Bulong nito sa sarili.

"I should be going, nice to meet you." Bati ni Ania at lumisan na.

"You should be telling stories later, bro..." Ngiting misteryoso ni Diane kay Ansel.

=========
MAY PATUTUNGUHAN TOH MGA TOL PRAMIS! GEH TAE NIYONG HILAW VAVU!

~jeanellediana

My Sir, My Lover?! |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon