7 - Welcome Students!

4.1K 59 1
                                    

~

Nakaraan na ang isang linggo, at June 13 na. Ang araw na talagang pinaghandaan ni Ania, at ni Meishel. At oo, laging nagpapadala ng mga sulat si Ania para kay Ansel, at hindi ito nagfe-fail para pangitiin ang binata.

Bigay ng bigay ng motibo si Ania na isa siyang estudyante na baka makasalamuha ni Ansel sa pasukan sa Hunyo, kaya't mas inabangan ito ng binata.

Nagising bigla ang ating bida na si Ania, dahil sa malakas na tunog ng kanyang alarm clock. Naalimpungatan ang dalaga, at bumangon na agad. Dahil kahit puyat pa siya, hindi matitinag ang kanyang excitment para sa unang araw ng pasukan.

"Ania, are you ready na?" Biglang pasok ni Breigh, sa kwarto ng anak na si Ania. "Yes, ma." Mahinang sagot ni Ania at dumiretso na sa banyo upang makapagsepilyo at makaligo na rin.

-----
-----

Pagkatapos maligo't magbihis, ay pumunta na agad ang dalaga sa baba upang makakain ng almusal.

"Goodmorning, anak! I prepared your favorite." Sambit bigla ni Breigh sa anak, habang naghahanda ng mga gamit para sa pasukan ni Ania.

"Ya thanks, ma." Pasasalamat naman ni Ania at kinain na ang almusal na inihanda ng kanyang ina. "Ma, who's my driver nga pala papuntang school?" Tanong bigla ni Ania.

Nilingon naman siya ng kanyang ina, "Ah... Si Mang Alben muna yung driver mo, temporary lang naman, 'nak." Ngiting sagot naman ni Breigh.

Tumango na lamang si Ania, at itinuloy na lang ang pagkain.

Makaraan ang ilang minuto, ay biglang tumawag ang matalik na kaibigan ni Ania na si Mei.

"Hello? Girl, si Mei 'to. Tara sabay tayong pumasok."- Mei.

Nagpunas naman agad ng bibig si Ania, at pilit sumagot sa tawag ng kaibigan.

"Beh, may driver na pala ako. Pero, if you want, come here para sabay na tayo sa iisang sakay, what do you say?"- Ania.

"Okay, fine. Sino pa ba naman ako para tumanggi sa isang libreng sakay? Expect me there in five minutes."- Mei.

"Okay, beh. Bye!"- Ania. (End call)

"Uhm, ma. Can you call Mang Alben already? We're in a hurry kasi ni Mei, tsaka ma, she's coming with me pala." Mala-kikay na sabi ni Ania sa kanyang ina.

"Of course, 'nak. He'll be here in a few minutes, I just texted him." Sagot ni Breigh, at nginitian ang anak.

-5mins-

Biglang pumasok si Mei na dala-dala ang kanyang bag. Binati naman agad ng dalaga ang ina ng kaibigang si Ania.

"Hi tita! Thanks for letting me ride with Ania po." Sabi naman ni Mei. Nginitian na lamang siya ni Breigh, "No problem, hija." Sagot naman ni Breigh, ng biglang nakarinig sila ng busina. Si Mang Alben na pala yun, driver ni Ania.

"Oh, 'nak! Andyan na pala ang driver. Sige, mag-iingat kayo ah." Sabi naman ni Breigh habang nakikipagbeso kay Ania at kay Mei. "Sige po, ma!" "Okay po, tita." Sagot namang pabalik nina Mei at Ania.

~
Anselmo POV

First day of school, first day of being a 4th Year Highschool adviser. Don't worry, hindi naman ako strict, actually mas gusto ko yung malapit ako sa mga estudyante ko.

"Kuya, letter for you. Ay kuya, napapadalas na 'yang liham na 'yan ah." Napalingon naman agad ako, at nakita ko si Diane na may hawak na sulat. I'm sure galing nanaman 'to sa secret manliligaw ko, hehehe.

"Ano ka ba naman... Galing kaya 'yan sa secret manliligaw ko noh." Pang-aasar ko naman na ikinaasar ni Diane, "Why so kapal, kuya?" She said habang umiiling at umalis na.

I opened the letter and saw initials. Finally, nagkaroon na rin ng konting clue kung sino ang mysterious admirer ko. Nasa school daw siya at lagi ko siyang makikita araw-araw at may initials siya na J. A. C.

Dear Anselmo,

I wish you're still reading the letters I kept on sending. I just want you to know na goodluck being a 4th Year Highschool adviser! :) yes, I saw your post sa facebook, and I've been stalking you for quite some time now. Just keep your head up, and smile wide. I'll see you later.. Wag kang malate ah ;)

-JAC

Okay I should be going. Bye muna, guys!

~
General POV

Kasalukuyang nakarating na sa CaSun Montessori University sina Mei at Ania. Being transferees, kailangan muna nilang maging familiar with their surroundings since may kalakihan ang unibersidad na ito.

"Maganda pala dito, beh noh..." Sabi bigla ni Mei habang tinitingnan ang buong school campus. Tinawanan na lang siya ni Ania, dahil medyo nagmumukhang ewan na ang kaibigan niya.

"Girl, medyo bawas-bawasan mo 'yang pagka-hanga mo, kasi parang pinagtitinginan ka na ng mga students eh." Natatawang sabi ni Ania, habang napatingin naman si Mei sa mga taong nakatingin sa kanya.

"Sorna..." Sabi ni Mei, at tinawanan na lang ni Ania ang dalaga. "Lika na nga! Bago ka pa makasabit sa isa sa mga gamit dito." Wika ni Ania, at hila-hila ang kaibigang si Mei.

Habang naglalakad ay bigla silang nakabangga ng tatlong mga babaeng, parang ka-edaran din nila.

"Wala ka bang mata?! Are you blind?!" Singhal ng isang babaeng matangkad, at morena. "Qielle, I'm sure transferees 'yang dalawang 'yan." Biglang salita naman ng babaeng naka-choker, morena, at medyo pandak ng kaunti.

"So-sorry, guys. Tsaka, oo, transferees nga kami." Nangiginig na sagot ni Ania, na medyo naiilang na dahil sa pagkatapon ng chocolate drink sa damit ng babae.

"Don't you know that I should have a good impression para kay sir?! Then, you came along at tinapunan ako?!" Singhal muli ng babae na talagang inis na inis na kay Ania.

"I am really sorry, hindi ko talaga sinasadya---" Hindi na naituloy ni Ania ang sasabihin ng biglang sinabunutan siya ni Qielle, at bigla silang naging hot topic ng mga estudyante.

"Tama na! Tama na!" Pagmamakaawa ng kawawang dalagang si Mei dahil hindi niya mapigilan ang pananakit ni Qielle kay Ania.

Nabahala agad ang isang lalake at agad na pinigilan ang dalawang nagsasakitan.

"Tama na!" Biglang sigaw ng lalake at ihiniwalay si Qielle mula kay Ania.

Napatingin naman si Ania sa lalake, at biglang napanganga...

=======

SINO KAYA YUNG LALAKENG YUN?

-jeanellediana

My Sir, My Lover?! |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon