28 - Romeo

2.6K 44 6
                                    

~

Kasalukuyang namugmukmok si Ansel sa loob ng isang bakanteng silid. Nabalot ng emosyon at luha ang paligid... Bawat sulok ng paligid sa mansion, ay maririnig ang kanyang mga sigaw at paglalabas ng totoong nararamdaman.

Nag-aalala na lahat ng tao doon para kay Ansel dahil sa kalagayan nito.

Ang nanay niya, pati na rin si Diane hindi na rin alam ang gagawin para matulungan ang binata. Laging naglalasing at laging parang wala sa sarili. 

"Bakit siya pa? Bakit siya pa ang kailangang mawala? Bakit hindi nalang ako? Ako nalang...."  

Pagmamaktol ni Ansel habang lumalaklak ng isang bote ng alak. Talagang hindi na niya kayang harapin ang bukas ng hindi kasama si Ania.

Hindi na rin siya pumapasok para makapagturo, hindi na rin siya lumalabas masyado ng mansyon, at lalong-lalo na hindi na siya nakikipagkita sa kahit sino. Ang tanging hiling niya lamang ay ang makasama si Ania sa hirap at ginhawa.

"Ania...  kung ano man ang gagawin ko lagi mong tatandaan para sa'yo lahat ng ito..."

Nang mahimasmasan si Ansel kumuha siya ng papel at panulat at nagsimula na siyang magsulat ng liham para kay Ania. Makaraan ang isang oras inilagay na niya sa envelope ang sulat at inilagay ang pangalan ni Ania sa harap. 

Huminga siya ng malalim, pinunasan ang natitirang mga luha sa mga mata at nagsimula na siyang maglakad papasok ng kwarto niya. Isinara niya ang pinto matapos makapasok sa silid at naglakad siya patungo sa cabinet malapit sa kanyang kama. 

Mula rito ay kinuha niya ang isang baril. Nanginginig ang kanyang mga kamay at tila namumutla ang kanyang mukha. Ngunit huminga uli siya ng malalim at mas naging panatag ang kanyang kalooban. Itinutok niya ito sa kanyang sentido, pumikit at bumulong ng isang dasal.

"Ania... Para sa'yo to."

At isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa mansyon.

============
#RIPRomeo

~jeanellediana

My Sir, My Lover?! |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon