3 - Lola & Lolo

6.6K 107 3
                                    

~

Kadadating lamang nina Ansel at Diane sa munting tirahan nina Lola Celia at Lolo Poncio. Ang dalawang taong sadyang may malaking parte sa buhay nina Ansel at Diane.

"Aba'y andito na pala sina Diane at Anselmo." Bati ni Lola Celia, sinalubong naman sila nina Ansel at Diane ng tig-isang mano at yakap. "La, musta na po?" Pangungumusta ni Ansel sa pinakamamahal niyang lola.

"Ah eto maayos naman ang kalagayan namin ng lolo mo, Anselmo. Eh kayo ni Diane, mama't papa niyo, kamusta naman? Hindi ko na nga maalala kung kailan ang huling pagbisita nila saamin eh..." Malungkot na wika ni Lola Celia, dahil ni-anino ng mga magulang ni Ansel at Diane ay hindi pa nagpapakita.

"Uh, lola, nasaan nga po pala si Lolo Poncio?" Tanong bigla ni Diane na busy sa pag-aayos ng mga regalo niyang nabili kanina sa mall.

"Ay ayun... Nagmumukmok at miss na miss na ang nanay niyong si Marichu." Sagot namang pabalik ni Lola Celia sa tanong ng apong si Diane.

Kinuha naman agad ni Diane ang dalawang paper bags at iniabot kay Lola Celia, "La, this is for you and Lolo Poncio. Sana magustuhan niyo po..."

Napangiti bigla si Lola Celia dahil minsan lamang siya makatanggap ng regalo, "Aba'y maraming maraming salamat, Diane, apo. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon. Minsan lang kasi ako makatanggap ng regalo eh." Wika ni Lola Celia habang binubuksan ang isang paper bag.

"Lola, alam niyo naman pong mahal na mahal namin kayo eh. Kahit 'di man kayo binibisita nina mama, andito naman po kami ni Diane eh." Ngiting banggit ni Ansel sa kanyang lola, na ikinatuwa naman lalo ng huli.

Nilapitan niya ang kanyang mga apo at hinalikan isa-isa sa noo, "Ka-swerte swerte namin ng Lolo Poncio niyo na kayo ang mga naging apo namin..."

-

"Aba... Diane, apo, mayroon ka na bang kasintahan?" Pag-iintriga ni Lola Celia sa apong busy ngayon sa pagcecellphone.

"Bantay sarado po ako ni Kuya Ansel, la eh." Malungkot na sagot ni Diane, habang tinitingnan ang kuya niya na nagdidilig sa labas. Bata pa lamang si Ansel ay sadyang mahilig na siyang magdilig.

"Ganun ba... Eh 'yang kuya mo, may girlfriend na ba?" Tanong muli ni Lola Celia. Sa tanong ng matanda ay napatawa bigla si Diane.

"Lola, nalimutan niyo na po agad? Meron na po sadya. Ipinakilala pa nga siya ni kuya sainyo po ni lolo dati eh." Sagot muli ng dalaga habang medyo natatawa pa.

"Gayun ba? Girlfriend na pala yun ni Anselmo? Aba'y mas maganda pa ata yung katulong namin dati ng lolo mo eh." Pagbibiro ni Lola Celia, na mas lalong ikinatawa ni Diane.

"True, la. Pero, la, kanina sa mall... May nakatabig ako, isang girl like me, tapos ba naman parang type siya ni kuya. I don't know, pero never pa akong nagkamali sa predictions ko." Pagmamayabang ni Diane sa kanyang lola.

=========
Ania POV

OMG. Is it just me? O sadyang gwapong gwapo ako kay Ansel?! Ahhhhh!!! Swear, ang gwapo niya, tapos makisig, tapos... Eh basta! Pero, mga ganun na type baka may dyowa na. Tapos, 15 years old lang ako. Takteng buhay na 'to!

Wait, masearch nga 'yang 'Ansel' na 'yan sa Facebook.

*click*

*click*

*click*

*click*

Search: Ansel

Shet. Andaming Ansel!

*scroll*

*scroll*

Anselmo Martinez

TAKTE! Eto nga siya... Shet ang gwapo niya sa profile pic niya ah. Infairness... Ang gwapo talaga, 'di ko keribels.

*click profile*

OMG. Ang gwapo niya talaga sa lahat ng pics at selfies niya. I need oxyg--- Pusang gala! Sino 'tong girlalu na 'to? Ampangit infairness ah. Baka eto 'yung girlfriend niya. Bakit ganun?!?!?! Kung sino yung gwapo, siya yung taken. Kung sino yung pangit, siya yung mas available kaysa sa libreng ketchup?!

Asan ang hustisya, aber?! Pero, at the bright side, mas maganda naman ako dyan sa girlfriend niya noh. Mukha kasing lumang mannequin sa lumang SM! Tae na yan.

"Bae?"

I immediately closed my laptop, at tumingin sa kanan ko. It's just my bae, my closest friend, more than my mom, si Meishel.

"Oh, girl. You're here na pala..." I greeted, pero may... it's that grin of her again that I don't wanna see. Kasi, everytime she does that, laging may hidden meaning, the worst part? Hindi mo alam kung ano.

"Why did you called me out? I'm sure hindi 'to catch-up or any hangout thingy, kasi mukhang may ipapagawa ka sakin." She said, and laid on my bed. She is right, damn. She really know me completely!

"Fine. You are definitely right about that, Mei! See." I said and showed her a picture of my crush, Ansel. Tiningnan ko si bae, at mukhang surprised na surprised siya.

"Look, we're transferees sa CaSun Montessori, right?" She asked. I nodded nalang as a response. "I researched about CaSun, at he, your crush, is our adviser in Grade 10." Meishel said, na ikina-choke ko sa suot kong choker.

What does she mean? Na, as in wala na talaga akong pag-asa kay Ansel? WTF. This can't be happening. "Girl, maybe you're just... Uhm... Baka hindi---"

"But, one thing's for sure. Bawal ang teacher-student relationship sa school! Do you get me? Bawal. By I mean bawal, I mean B-A-W-A-L!"

WTF?!?! Bakit, Lord?! May girlfriend na nga yung tao, tapos adviser pa namin?! Seryoso?! O, talagang... Ah basta! Suko na ako.

========

HELLO MGA TSONG!!! KINILIG BA KAYO O HINDI?! LEAVE YOUR COMMENTS DOWN BELOW FOR CRAZY SUGGESTIONS PARA ADD-ONS NA RIN SA MALUPIT NA ISTORYA KONG TOH!

PAKIFOLLOW NA RIN AKO SA TWITTER AT INSTAGRAM KO

TWITTER: @bocafIowers
INSTAGRAM: @grandebouquets

OKAY BYE!

~jeanellediana

My Sir, My Lover?! |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon