~
Dalawang linggo na ang nakalilipas, at si Ania naman ay araw-araw na nagtataka kung bakit laging parang may bumabagabag sa binata. Lagi itong masungitin sa kanyang nakakasalamuhang estudyante, laging nakasibangot, at ang mga tingin ay laging malalamig.
Kapag oras na ng klase ni Anselmo, ay syempre lagi namang aktibo si Ania para makasagot. Pero sa kasamaang palad, kahit na tama ang kanyang mga pinagsasasagot, hindi pa rin niya kayang mapakalma ang guro. Lagi pa ring mainit ang ulo.
6:00 pm
Kasalukuyang tapos na ang klase ni Ania. Si Mei nama'y may sariling driver kaya naiwan na si Ania sa loob ng university. Iilan na lamang ang mga estudyante doon, ngunit hindi pa rin nakakauwi si Ania.
Mag-isang naglalakad si Ania sa medyo madilim na hallway ng eskwelahan. Hindi naman ibig sabihin na natatakot ang dalaga, ngunit masama ang pakiramdam niya sa mga mata ng mga lalakeng nakatitig sa kanya habang naglalakad siya.
Binibilisan niya ang paglalakad niya, ngunit binibilisan din ng mga lalakeng sumusunod sa kanya. Pinagpapawisan na siya dahil napakalapit na ng tatlong lalake, hanggang sa hindi niya inaasahan ay bigla siyang inakbayan ng isa sa mga ito.
"Hi miss... Ang ganda mo naman, anong name mo?" Tanong ng isang lalakeng matangkad, moreno, at singkit ang mata.
"Sumama ka na sa amin, parang hindi na yata dadating service mo." Bigla namang singit ng isang lalakeng mataba-taba, mestizo, at may hitsura din kahit papano.
Napupumiglas naman si Ania sa mga mahihigpit na akbay at hawak ng tatlong lalake, ngunit mas hinigpitan lalo nila ang hawak sa dalaga. "Layuan niyo nga ako! Ano ba?!" Singhal ni Ania, at siniko ang tyan ng isa sa mga lalake. Dahil dito, ay bigla siyang sinuntok ng lalake sa tyan ni Ania, at tinakpan ang bibig nito hanggang sa nawalan na ito ng malay.
-
Kasalukuyang abalang-abala si Anselmo sa kanyang ginagawang lesson plan para bukas. Nag-extend siya ng oras niya para makagawa ng plan, kahit na oras na para umuwi siya.
Habang naglalakad ito sa hallway, ay bigla siyang nakarinig ng sigaw ng isang babae. Nabosesan niya agad ito, at alam niyang si Ania ito. Tumakbo agad si Anselmo upang hanapin kung saan nanggaling ang boses nito.
Sa hindi kalayuan, ay naanigan niya ang mga tatlong lalake na may kasamang babae na halatang walang malay. Hinabol niya agad ang mga lalake at sumigaw, "Hoy!"
Napatingin naman ang mga tatlong lalake, at wala na silang nagawa dahil bigla na lamang silang sinuntok ni Anselmo, dahilan para biglang mabitawan nila si Ania na walang malay pa rin dahil sa isang kakaiba na amoy ng panyong ginamit para takpan ang bibig niya. Pinagsusuntok ni Anselmo ang tatlo, hanggang sa napuno na ng pasa at dugo ang pagmumukha ng tatlo, at tumakbo na lamang ang mga ito.
Nasalo agad ni Anselmo si Ania, bago pa ito mahulog. Binuhat na lamang ng binata ang dalaga (bridal style.. Kasi dream yun ni author ;) ) at dinala sa sasakyan niya (sasakyan ni Anselmo).
"What happened to you, Ms. Castillo?" Bulong ni Anselmo sa dalaga, habang kinakalog ng dahan-dahan ang pisngi nito para magising. "Please gumising ka..."
Ilang beses na rin niyang pilit na gisingin si Ania, ngunit hindi pa rin ito gumising. Hanggang sa pinaandar na lamang ni Anselmo ang sasakyan at sinimulan na ang pagpapaandar nito.
BINABASA MO ANG
My Sir, My Lover?! |COMPLETE|
Romantik"It's impossible." "Stop that." "Don't pursue that thing. It'll not do good for you." What if mapasok ka sa isang relasyon na parang hindi kapani-paniwala? What if maging boyfriend mo ang teacher mo? Will it be the end for the two of you, or makikis...