18 - Biological Father

2.9K 55 1
                                    

~

Makalipas ang ilang linggo, ay masayang magkasama sina Ansel at Ania sa mansion. Bakasyon na rin naman, kaya pwede na silang magbonding. Tanggap na rin naman ni Marichu si Ania, dahil napatawad na rin naman niya ang dalaga, at ang ina nito.

Si Diane naman na nakababatang kapatid ni Ansel, ay masayang nakikisama sa vacation ni Kenneth. Pinayagan naman siya, since bakasyon nga kasi.

Kasalukuyang nasa apartment ni Ansel si Ania, dahil ayon sa dalaga ay naiinip na siya sa bahay niya, at ang nanay naman niya'y nasa palengke upang mamili.

"Ay sir... Pa-add naman doon sa isa kong Facebook account oh."

Tinatamad na pakiusap ni Ania, habang nililikot ang cellphone niya. Napalingon naman si Ansel sa dalaga, na ngayo'y naghahanap ng makakain nila para sa buong maghapon.

"What Facebook account? I thought I added you already, right?"

"Eh... Bago kasi 'to, sir. Kagagawa ko lang, gusto ko kasi ikaw ang una kong friend."

Sagot ni Ania habang nakangiti ng nakakaloko. Napatawa naman si Ansel dahil sa ka-cute-an ng kanyang estudyante, na ngayon ay nalilito na ang binata kung hanggang 'teacher-student' na lamang sila.

"And, why? You can add your mom first, before me."

"Hindi naman kasi siya gumagamit ng Facebook, sir."

"Just get my cellphone under that throw pillow. Ikaw na lang ang bahala... My account is logged in, don't worry."

Ginawa naman agad ni Ania ang sinabi ni Ansel, at cellphone naman ng binata ang kanyang kinalikot. Makalipas ng ilang mga minuto, ay biglang may kumatok sa pintuan.

"I'll get it po, sir."

Sabi ni Ania, na ngayo'y papunta sa pintuan para buksan. Pagkabukas ng dalaga, ay napagtanto niyang si Marcos lamang pala ang kanilang bisita.

"Si-Sir... Dad niyo po..."

Pinipigilan ni Ania ang sarili na huwag umiyak, kahit nangingilid na ang kanyang mga luha. Imbis na sumagot si Ansel, ay nilapitan niya ang dalaga na malapit sa may pintuan.

"Anak... Let's talk?" Biglang salita ni Marcos.

"A-Ania, I know everything already... Mom and dad told me... Everything, everything about you and Tita Breigh. All you need now, is to talk with dad. I'll give you time."

Ngumiti naman ng pilit si Ania, kahit hindi na siya komportable sa pagkikita nila ni Marcos. Marami siyang gustong itanong, ngunit parang may pumipigil sa kanya na 'wag na lang itong ituloy. 

---

Tahimik na tahimik si Ania habang kasama si Marcos sa isang maliit na terrace sa labas. Hindi siya makahinga ng maayos, at parang naninikip ang dibdib niya.

"So, anak, kamusta ka na?"

Tumingin naman sa kanya si Ania at ngumiti, ngunit simple lamang ito at halatang pilit.

"Okay lang po ako, pati si mama..."

"Ahh... May trabaho ba si Breigh?"

Umiling naman si Ania, hinawi ang kanyang buhok na sumasagabal sa paningin niya. 

"Wala po siyang trabaho, pero nakakaahon naman kami. Maayos ang buhay namin, kahit pa noong wala kayo."

Sagot ni Ania na puno ng hinanakit. Halata sa mga salita at tono niya, ay nasasaktan na talaga siya. Marami siyang tanong para kay Marcos, pero wala... Walang lumabas sa bibig niya.

My Sir, My Lover?! |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon