~
Pumasok sa loob ng hospital room ni Ania si Ansel. Doon nakita ng binata na walang malay si Ania. Naaawa na sya sa kalagayan ng nobya, at ninais niya na siya na lamang ang nasa kalagayan ng dalaga.
Umupo siya sa isang upuan na malapit sa kama na hinihigaan ni Ania. Hinawakan niya ang kamay ng walang malay na dalaga.
"Ania, gising ka na oh... Kapag gumising ka, promise bibilhan kita ng favorite flowers mo. Tapos, bibilhan kita ng favorite chocolates mo, at pupunta tayo sa pinakamagagandang lugar dito sa Pilipinas.... Diba? Yun naman yung gusto mo? Paano natin gagawin yung mga yun kung hindi ka babangon dyan?"
At pinunasan naman ni Ansel ang kanyang mga luha dahil hindi na niya kinakaya ang mga emosyon na nararamdaman niya, ngayon pa na kaharap niya ang kanyang pinakamamahal na naghihirap sa kaniyang kalagayan ngayon.
"Alam mo? Sa tuwing nakikita kitang malungkot at umiiyak... doble ang pasakit na nararamdaman ko. Kapag naman masaya ka, mas masaya ako, kasi nakikita koang pinakamamahal ko na masaya. 'Di mo ba alam na ikaw ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko? Kaya nga nung nag-away tayo, sinabi ko sa sarili ko... Na ang tanga tanga ko.
Bakit ko ba kasi inaway at sinaktan ang tanging babaeng minamahal ko? Kaya ginwa ko lahat ang makakaya ko para patawarin mo ako. Kasi di ko kakayanin na mawala ka buhay ko. Alam mo, handa ako ibigay ang ang buhay ko para sa'yo eh... Kaya kitang ipaglaban sa kahit sino... Alam mo ba kung bakit? kasi naniniwala ako na ikaw na nga ang hinihintay ko noon pa.
Ikaw ang nagbibigay ng kaligayahan sa akin pag nalulumbay ako, ang taong sumusuporta sa akin sa kahit anong gawin ko, at ang taong alam kong laging nasa tabi ko kapag kailangan ko. Kaya ngayong nagyayari sa'yo to, para yatang... ikamamatay ko ito. Paano ako mabubuhay kung ang taong bumubuhay sakin ay mawawala sa buhay ko?"
Sa pagkasabi nito ni Ansel, hinalikan niya ang noo ng kanyang nobya bago ito lumisan ng kwarto nito. Alam na ni Ansel ang kanyang dapat gawin.
Pagakalabas ni Ansel ng kwarto, ay lingid sa kanyang kaalaman ay may luhang tumulo mula sa mga mata ni Ania.
==============
k
~jeanellediana
BINABASA MO ANG
My Sir, My Lover?! |COMPLETE|
Romance"It's impossible." "Stop that." "Don't pursue that thing. It'll not do good for you." What if mapasok ka sa isang relasyon na parang hindi kapani-paniwala? What if maging boyfriend mo ang teacher mo? Will it be the end for the two of you, or makikis...