25 - Sweet... Ness?

2.7K 45 1
                                    

~

Kasalukuyan namang namamasyal sina Ansel at Ania sa isang park. Oo, nagbati na sila at pinatawad na siya ni Ania, ngunit ito'y nangangamba at baka magpakita muli ang dating nobya ni Ansel na si Iza.

Masayang nagkwe-kwentuhan ang magkasintahan habang nakaupo sa isa sa mga park bench, at magkahawak ang kanilang mga kamay. Pinili nila ang lugar na iyon upang walang makakilala sa kanilang galing eskwelahan.

"Ah... Juliet, tanong lang ah."

Biglang tanong ni Ansel sa kanyang nobya na ngayon naman ay nakasandal sa dibdib niya. Tiningnan naman siya ng dalaga sa mata, at sumenyas na ipagpatuloy niya ang sasabihin.

"Bakit pinatawad mo agad ako? Kahit sobra yung galit mo sa akin last night?"

Nag-ayos naman ng upo si Ania at hinawakan ang pisngi ng kanyang nobyo. Ngumiti ito at sumagot ng:

"Kasi... Ayaw ko na pahabain pa 'yung tampuhan natin, Romeo. Ayokong maubos na 'yung pasensya mo sa akin kakahintay, tapos baka bigla na lang mo 'kong iwanan. Eh, 14 weeks pa lang tayo oh."

Tugon ni Ania at hinawakan ang kamay ni Ansel. Napangiti naman ang binata dahil dito. Naisip na nga niya na si Ania na 'yata talaga ang ihaharap niya sa altar someday.

"Kaya naman mahal na mahal ko 'tong girlfriend kong 'to... Kahit minsan may topak."

Sabi ni Ansel at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Ania. Natawa naman ang dalaga sa huling sinabi ng kanyang nobyo.

"Lagi ba akong may topak? Hindi naman ah. O, baka hindi lang ma...sya...do."

"Topakin ka man o hindi... Basta mahal na mahal kita, okay? Yun lang ang iisipin mo, hah?"

"Opo, sir."

Sagot naman ni Ania na parang bata na pinagsasabihan ng sariling guro. Natawa naman si Ansel sa inasal ng kanyang nobya kaya naman ay kinurot niya ang pisngi nito.


"At dahil dyan... Bilang isang gwapo mong boyfriend, ililibre kita ng ice cream. Anong flavor?"

Natawa naman si Ania sa sinabi ng kanyang nobyo, pero kinikilig naman siya... Aminin man o hindi.

"Chocolate na para parehas tayo."

Simpleng tugon ni Ania, at tuluyan na ngang lumayo ang kanyang nobyo papunta sa magtitinda ng ice cream. Naiwan namang nakaupo doon sa park bench si Ania, at doon nag-isip isip. 

Hindi siya nakapaniwala na nakatagal nga siya sa mundong ito. Hindi siya makapaniwala na binigyan siya ng Diyos ng isa pang pagkakataon para makasama ang mga taong malalapit sa kanya.

Maaaring nalilito kayo ngayon.


Oo, may sakit talaga si Ania, "Congenital Heart Disease". She had this since birth, pero nawala din naman agad. She is now happy, kasi hindi na ito naging threat sa buhay niya ngayon.

She is happily living with her family, close friends, and with Ansel. There's nothing more that she can ask for. 

Napalingon naman siya and saw a little girl, parang mga 4 years old. This little girl was about to approach her, pero bigla itong nadapa, causing the kid to cry in pain dahil sa sugat nito.

Naawa naman agad si Ania since wala namang tumutulong doon sa bata, so she went near the little girl and helped her walk paupo sa isang bench para doon niya gagamutin 'yung bata.

"Baby girl, 'wag ka ng umiyak, ah? Gagamutin ka na ni ate."

Mahinahon na sabi ni Ania sa bata. Umiiyak pa rin ang batang ito, kahit anong gawin ni Ania. Mabuti naman ay may dalang bandage ang dalaga kahit saan man ito magpunta, kaya naman 'yun ang ginamit niya para sa sugat ng bata.

"... It hurts po. Please be gentle."

"Yes, I will, baby. Just don't cry, okay? This won't hurt a smidge, promise."

"Promise?"

"Yes, promise. But don't move, okay?"

At tuluyan ng nilagay ni Ania ang bandage doon sa parte ng binti ng bata na mayroong sugat. Pagkaraan ng ilang segundo, ay bumalik na si Ansel na may dalang dalawang ice cream.

Sobrang napangiti siya sa kanyang nasaksihan. Ang makita si Ania kasama ang isang cute na cute na chikiting. Nilapitan naman sila ni Ansel, at nagulat naman ang bata ng makita niya ang binata.

"Ate, is he your boyfriend?"

"Yes, baby. How did you know?"

"I just got curious. Well, if that's the case, you two look so perfect together..."

Biglang sabi ng bata habang nginingitian sina Ania at Ansel. Natuwa naman agad dito ang binata, kaya naman ibinigay niya ang kanyang chocolate ice cream dito.

"Here. Because you're so cute and adorable, I want you to have this."

Sabi ni Ansel at pumantay sa height ng bata. 

"Hehe. Thank you... Anyways, I'm baby Xia. I hope I can see you again someday... when you two get married. I should be going back to my mom. She might be worried already, bye!"

"Okay, bye Baby Xia!"

They said in unison. 

Pagkatapos naman niyon, ay bigla na lamang niyakap ni Ania si Ansel. Nagtaka naman ang binata kung bakit ito ginawa ng dalaga:

"I love you... 'Til my last breath..."

"I love you too...."

At nangyari na nga ang hindi inaasahan. Bigla na lamang nanikip ang dibdib ng dalaga, at bigla nalang itong nanghina at hinimatay sa bisig ni Anselmo.


===========

hiweeeeeeew!!!

~jeanellediana

My Sir, My Lover?! |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon