23 - Surprise!

3.1K 42 3
                                    

~

"Ms. Castillo, will you let me court you?"

Halos lahat ng taong nakasaksi ng pangyayari ay halos mahimatay na. Hindi nila inaasahan na isang guro, kayang gawin ito sa sarili nitong estudyante.

Si Ania naman ay hindi alam ang kanyang gawin, mayroong pumipigil sa kanyang sumagot, pero may isinisigaw ang puso niya na nailabas din ng bibig niya:

"Y-Yes..."

At mas lalo namang nagkagulo ang mga kasamahan nila. Ang nanay naman ni Ania, ay halos mabilaukan na, ngunit masaya naman para sa kanyang anak.

Agad namang tumayo si Ansel at binuhat agad si Ania sa sobrang saya. Wala na siyang ibang nararamdaman kundi kasiyahan lamang at pagmamahal.

"Thank you... Thank you..."

Bulong ni Ansel kay Ania at ibinaba din ito.

"Bakit naman thank you?"

"Thank you... Thank you for giving me a chance to show you how much I really love you."

Kinikilig naman si Ania sa kanyang narinig. Hindi makapaniwala ang dalaga sa mga pangyayaring ito. Dati isa lang itong panaginip, ngayon nagkakatotoo na.

"Eh di you're welcome... You're welcome to show me how much you really love me."

Tugon ni Ania ng buong galak. Nagyakapan muli sila, habang ang mga tao sa paligid nila ay nagkaka-siyahan.

---

Makaraan na ang anim na buwan at tuluyan na ngang sinagot ni Ania ang kanyang manliligaw na si Ansel. Simula na naman ng pasukan, kaya kailangan nilang magpanggap na walang namamagitan sa kanila, upang masigurado ang seguridad nila.

4th year highschool na si Ania, at handa na ulit siyang makipag-bakbakan sa eskwelahan, hindi literal. 

Kasalukuyang nagbibihis na ang dalaga, para makapasok sa kanyang eskwelahan. Ganoon din naman si Ansel sa kabilang dako.

Tinawagan naman ni Ansel ang kanyang nobya upang kamustahin ito.

"My Juliet, how are you?" - Ansel.

"Talagang 'Juliet'? Ayos lang naman ako, Romeo. Nagbibihis for school..." - Ania.

"Bilisan mo ah... Namimiss na kita agad." - Ansel.

Natawa naman si Ania sa sinabi ng nobyo.

"Miss agad? Hoy napaka-pogi kong boyfriend, magkasama nga lang tayo yesterday ah..." - Ania.

Kinilig naman si Ansel sa tinawag sa kanya ng nobya, kaya nama'y agad itong napangiti. Hindi lang mga babae ang kinikilig, pati na rin ang mga lalake.

"And that's the reason why I miss you. Don't be late ah!" - Ansel.

"Opo, my Romeo." - Ania.

Pagkatapos ng usapan nila ay agad namang bumaba si Ania, upang makakain ng almusal. Bumungad agad sa kanya ang nanay niya na may hawak ng mga bulaklak. Nagulat naman ang dalaga dahil nito.

"Ma, ano yan?"

"Eh ano pa ba? Malamang para sayo."

Sagot ng nanay ni Ania at iniabot sa anak ang isang bungkos ng rosas ng nakangiti. Nagtaka naman si Ania dahil wala siyang ideya kung kanino ito galing.

"Kanino daw po nanggaling? Talagang alam na alam ang favorite flowers ko."

Tanong ni Ania habang akay-akay ang mga bulaklak at inaamoy-amoy pa ito.

My Sir, My Lover?! |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon