24 - #EBORAvirus

2.6K 52 4
                                    

~

"Ansel?"

Napalingon naman ang dalawa sa gawi ng tumawag kay Ansel. Hindi nila inaasahan ang pangyayaring ito at mismong sa weeksary pa nila ito nangyari.

"Ansel!"

Sigaw naman ng babae at tatakbo papunta kay Ansel, kaya nama'y napatayo ang binata dahil dito. Niyakap agad siya ng babae, at biglang sapilitang hinalikan si Ansel sa labi. Halos naman mabasag ang puso ni Ania sa nakikita, kaya nama'y napaluha ito.

"Shit! Why did you that?! Pucha naman Iza oh!"

Singhal ni Ansel kay Iza na ngayo'y hawak-hawak ang kamay ng binata, habang si Ania naman ay wagas na ang pag-iyak.

"But-But I love you, Ansel. Mahal na mahal kita, ikaw pa rin."

"I don't care! Hindi na kita mahal simula pa noong niloko mo 'ko! I've found someone else, at siya na 'yung mahal ko!"

Sigaw ni Ansel, at nakita na lamang niyang tatakbo si Ania papunta sa kotse nito.

"Ania! Ania, wait!"

Pagpapahinto ni Ansel kay Ania na ngayo'y talagang hindi na kayang makatakbo. Nang naabutan na ni Ansel ang dalaga ay bigla na lamang niya itong hinawakan ang braso at hinila. Nang biglang sinampal siya ni Ania sa mukha.

"Ano?! Ano pa bang gusto mo?! Pinagmukha mo na nga akong tanga, and now ma-wiwitness ko pa 'yun?! She kissed you, okay?! Tantanan mo na ako, Ansel!"

Biglang sagot ni Ania at nagpupumiglas sa pagkaka-hawak sa kanya ng binata.

"Just please let me explain... It's not what you think---"

"It's not what I think?! Shit naman, Ansel! I'm not stupid!!! Are you blind, or are you out of your mind?! She looks so desperate to have you back, kita mo ba 'yun?! Hinalikan ka niya, at ikaw... You're standing there, acting as if you really like it.

So what do you expect? Magdiwang ako, 'cause she is back... and now she's ready to get you back? Ganun ba, Ansel? Well, if that's the case, okay. Magpa-cater pa ako, you want? Congratulations ah, sainyong dalawa... You two look so perfect together, prince charming and Cinderella. Salamat sa 14 weeks na pagmamahal ah... I don't even know kung minahal mo nga ako eh, I feel like a rebound."

Sarkastikong sabi ni Ania, at dumiretso na sa loob ng kanyang sasakyan. Naiwan naman doon si Ansel na iyak ng iyak at napaluhod na sa sobrang emosyon. He thought it would be a perfect night just for him and Ania, pero ngayon? Wala na. Sira na.

"Ania... Ania..."

Bulong ni Ansel sa sarili niya habang tinitingnan ang pag-alis ni Ania papalayo. Hindi niya alam ang kanyang gagawin, litong-lito na siya.

"Ansel... Who is she?! She is s--- Ansel! Uy! Ans---"

"T*ng*n* naman, Iza! Bakit ka pa ba kasi nagpakita?! You want to know who is she?! Well, siya lang naman yung pinakamamahal kong girlfriend! Yung girlfriend ko na alam kong hindi ako iiwan kahit anong mangyari. Not like you!

So kung may kahihiyan ka pa sa sarili mo, just go out of my sight at 'wag na 'wag ka na ulit magpapakita sakin kahit kailan!"

Paninigaw ni Ansel kay Iza na ngayon naman ay walang maisagot. Umalis naman agad si Ansel, leaving Iza behind. He was so furious at her. Yung pakiramdam na gusto na niyang patayin ito.

Hindi na alam ng binata kung mapapatawad pa siya ng nobyang si Ania, na ngayo'y alam niyang hindi siya mapapatawad ng basta-basta.

---

Kasalukuyang kasama ni Ania ang kanyang ina at dito niya ikinwento ang sama ng loob niya para sa nobyo.

"Pero, anak... Mahal mo pa rin ba siya?"

Napapikit naman si Ania dahil sa tanong na ito. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal pa rin niya si Ansel, kahit na nasasaktan na siya ng sobra-sobra. Hindi na nag-isip si Ania, at sinagot ang tanong ng ina niya:

"Opo, ma. Sobra-sobra... Mahal na mahal ko 'yung boyfriend kong 'yun, kahit na sinaktan niya ako? Mahal ko pa rin eh."

Pag-amin ni Ania sa kanyang ina, kaya naman niyakap siya nito. Ninais na lamang ni Breigh na akuiin niya ang sakit na nararamdaman ng kanyang anak, kaysa naman sa ang anak niya ang magdusa dahil dito.

"Patatawarin mo ba siya?"

Pinilit naman ni Ania ang sarili na ngumiti kahit pilit, at sinagot ang tanong ni Breigh para sa kanya:

"Oo naman, ma. Mahal ko eh..."

"Sabi ko na nga ba eh... Basta anak, 'pag may problema ka alam mo naman kung sino ang unang tatawagan, diba?"

"Oo naman, ma... Syempre ikaw."

Sagot ni Ania, at nagtawanan silang mag-ina. Hindi makapaniwala si Ania na bigla na lamang mawawala ang sakit sa puso niya ng masabi niya lang ito sa kanyang ina.

---

Naalimpungatan naman si Ania dahil sa sikat ng araw kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang imulat ang kanyang mata. Nang biglang napabangon siya sa kanyang nakita. Nag-mala garden ang kwarto niya, dahil sa iba't ibang uri ng bulaklak ang nakasabit sa bawat dingding.

Hindi na muna niya ito pinansin, at dumiretso muna sa loob ng kanyang banyo at ginawa niya ang kanyang 'daily routines'.

Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng kanyang kwarto at nasaksihan ang isang napaka-makulay na bahay niya. Mayroon ding mga petals na naka-hilera na halatang papunta ito sa labas. Sinundan niya ito at nagulat ng makita niya sina Diane, driver niya, mga yaya niya, at ang nanay niya na may tigi-tig isang hawak na board:


Ayokong galit ka

kasi hindi ko

matitiis ang isang araw


na hindi ka kasama...

sorry na oh...



Mas nagulat naman siya ng makita niya si Ansel na may hawak na isang bouquet of roses at cartolina na nagsasabing:

I LOVE YOU, JULIET <3

Hindi maamin ni Ania sa sarili na talagang kinikilig na siya, pero kailangang hindi niya ito ipahalata. Lumapit naman sa kanya si Ansel at ibinigay ang mga paboritong bulaklak ng dalaga.

"I'm sorry, promise hindi na mauulit..."

Pagmamaktol ni Ansel at biglang lumuhod sa harapan ni Ania.

"Talagang hindi na mauulit..."

"Pinapatawad mo na ba ako, Juliet?"

Bago niya sagutin ang binata ay tiningnan niya muna ang ina niya at parang may sinenyas ito. Pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa nobyo, at nginitian ito ng dahan-dahan.

"Oo na... I forgive you. Sino ba namang hindi makakatanggi?"

Sagot ni Ania, at bigla siyang binuhat ni Ansel at hinalikan sa noo.

"I love you so much..."

"I love you too..."

==========
EH DI WOW!

~jeanellediana

My Sir, My Lover?! |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon