26 - The Unexpected

2.5K 42 0
                                    

~

Kasalukuyan namang nag-aalala sina Ansel at ang mga magulang ng dalaga tungkol sa kondisyon nito ngayon. Mas lalo namang hindi makapaniwala si Breigh tungkol dito. Hindi nya inaasahan na magbabalik ang sakit ng kanyang anak. 

"Tita, kamusta na po si Ania?"

Tanong ni Ansel na ngayo'y nag-aalala para sa kanyang nobya. Mangiyak-ngiyak na si Breigh dahil hindi na niya alam kung ano ang gagawin.

"Hindi ko alam.... Hindi ko alam, hijo." 

Tanging tugon na lamang ni Breigh kay Ansel. Wala naman ng nagawa si Ansel, kundi ang yakapin ang nanay ni Ania para hindi na ito masyadong mag-alala.

"Everything's going to be okay, tita."

Habang sinasabi ito ng binata ay pinatatahan niya ang nanay ng kanyang nobya.

"Sana nga, hijo... Sana nga."

Pagkasabing-pagkasabi nito ni Breigh, ay dumating ang isa sa mga doktor ng hospital. Mas lalo namang kinabahan ang nanay ng dalaga dahil dito.

Napatayo sila sa presensya ng doktor ni Ania.

"Misis, I'm sorry to say this but your daughter is in a difficult condition. Based on her health history she has congenital heart disease. Her condition resurfaced again and this time it got a lot worst. I'm afraid there is only one thing to do and that is a heart transplant and it is going to be very expensive. If we will not do this in the following days I'm afraid we are going to lose her."


Tila naman gumuho ang mundo ni Ansel sa kanyang narinig mula sa doktor ng nobya. Hindi niya ito inaasahan. Parang.... nangyari ang lahat sa isang iglap.

Hindi na niya alam ang gagawin. Ibinaon niya ang mukha niya sa kanyang mga palad, at doon nagsimulang umagos ang kaniyang mga emosyon at luha.

=================

Opo. Opo.

~jeanellediana

My Sir, My Lover?! |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon