~
Ania POVI don't know what happened. Everything happened so fast just right infront of my eyes. Sino ba talaga ako? Bakit ganun na lang yung galit sakin ni Tita Ichu? What's the role of my mom in their story?
"Ania, I'm sorry about what happened earlier. It's just that, may problema talaga si mommy towards your mother, Breigh."
I sadly looked at Ansel, na ngayo'y pinagdri-drive ako pauwi. I'm still traumatized about that incident. Hay... I'm sure, sobrang laki ng kasalanan ng nanay ko sa kanila.
"Uhm... Sir, may alam po ba kayo sa galit ng mommy mo, sa nanay ko?"
He looked at me, but he just raised a shoulder.
"I have ideas... But, let's say... I don't want to think or talk about it."
I nodded as if my convinced sa explanation niya.
======
General POVKasalukuyang nakauwi na ng matiwasay sina Ania at Ansel sa kani-kanilang tirahan. Si Ania naman mangiyak-ngiyak sa loob ng kwarto niya habang iniisip ang mga pangyayari kanina. Hindi niya lubos maisip, na ang sarili niyang ina ang makakasira ng image niya.
"Anak, Ania..."
Napalingon naman ang dalaga sa gawi ng pumasok sa kwarto niya. Napagtanto na niya lamang, na ang ina niya lang pala iyon.
"Ikinwento na sakin ni Ansel, anak. Kamusta ka na?"
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha at emosyon ni Ania laban sa kanyang sariling ina, kaya hindi na niya napigilan ang sariling magtanong kung ano at saan siya nanggaling.
"Ma, tell me now. Tell me everything I have to know about myself! Sino ba ako?! Saan ba ako nanggaling?! Sino yung totoo kong ama?! Since I'm just a kid, wala akong kinilalang tatay! Lumaki ako ng walang nagtatanggol sa akin. Lagi na lang akong naiinggit sa mga kaklase ko dati. I'm always questioning myself...
Bakit ako lang yung walang tatay? Bakit hindi buo ang pamilya ko? Actually, I never met my other relatives. Even my grandparents... Wala. Kahit mga anino nila, none of them even showed up! I can't believe asking you these things, 'cause ever since... Pinalaki mo ako na 'wag na 'wag kong tatanungin kung sino ang totoo kong tatay.
You said, it's perfectly fine to ask how your relationship went on. Alam ko, that you're his student. But, that's all I ever know in my entire life. Wala na akong ibang maikwento sa ibang tao about my dad. 'Cause the only thing I kept on saying to them? I am sure that my real father is a responsible and a kindhearted man. A respectful, and an intelligent individual.
I told them that, kahit even to myself, hindi ako sigurado. Ipinagmamalaki ko kayo, kahit ikaw ma... Hindi mo nga man lang maikwento ng lahat tungkol sayo! All I feel right now is that I'm living in a secret. A very dark and a mysterious secret, na alam kong walang nakakaalam."
Wika ni Ania, habang ang ina naman niyang si Breigh ay hindi alam kung anong maiisagot sa anak. Blangkong-blangko ang isip niya ngayon. Ang alam lang ni Breigh ay nasasaktan na talaga ang kanyang anak na si Ania.
"Anak... Please patawarin mo ako sa sasabihin ko sayo..."
"JUST TELL ME, MA! SINO YUNG TOTOO KONG AMA---"
"Si Marcos! Si Marcos... Yung tatay ni Ansel, siya yung tatay mo... He is your father, anak. Patawarin mo ako, ngayon ko lang sinabi."
Punong-puno ng emosyon ang bawat sulok ng kwarto, dahil sa nakakapanindig balahibong rebelasyon ni Breigh sa kanyang anak. Hindi naman makapaniwala si Ania, na all this time, alam na pala ng ina niya kung nasaan ang totoo niyang tatay.
BINABASA MO ANG
My Sir, My Lover?! |COMPLETE|
Romance"It's impossible." "Stop that." "Don't pursue that thing. It'll not do good for you." What if mapasok ka sa isang relasyon na parang hindi kapani-paniwala? What if maging boyfriend mo ang teacher mo? Will it be the end for the two of you, or makikis...