19 - Maybe This Time

2.7K 48 0
                                    

~

Masayang magkasama sina Ansel, Ania at Diane sa mansyon ng mga 'Martinez'. Kasalukuyang nanonood ng pelikula ang tatlo. 

"So, what's the real score between you two?"

Biglang tanong ni Diane, na ikinagulat naman ng dalawa.

"Anong real score?"

Tanong ni Ania, na ngayo'y muntik mabulunan sa kinakaing popcorn. Pagkatapos ay tinignan ng masama si Diane, na ngayo'y nakatingin kay Ania na parang may ibig sabihin.

"Oh c'mon! Alam kong may something sa inyong dalawa ni kuya."

"Walang namamagitan sa aming dalawa ni Ania. So please 'wag kang mag isip ng masama tungkol sa amin."

Sabi ni Ansel sa nakababatang kapatid.

" Okay, fine..." 

Napa-iling na lamang ang dalawa sa inasal ni Diane at ipinagpatuloy na lamang nila ang kanilang panonood imbes na ituloy ang usapan na alam nilang walang patutunguhan.

---

Nagluluto si Breigh ng tanghalian nila ni Ania, dahil alam nyang baka gutom ang kanyang anak pagkauwi sa kanilang bahay. 

Pagkaraan ng ilang minuto, ay may narinig syang katok mula sa pintuan. Nagtaka siya kung sino ang kumakatok, at naisip nya na baka si Ania lamang ito. Binuksan niya ang pinto, at nagulat sa kanyang nakita. 

Ang makita ang presenya ng isang taong hindi nya inaasahan.

Si Marcos.

"Marcos? Ikaw na ba yan?"

Gulat at naginginig si Breigh habang siya ay nagsasalita. Hindi siya makapaniwala sa presensya ng dating nobyo at ngayo'y ama  ng kanyang anak na si Ania.

"Breigh.... I came back for you."

Nangingilid naman ang mga luha ni Breigh. Hindi niya inaasahan na dadating pa ang puntong ito sa buhay niya ng hindi niya inaasahan.

"Marcos, please 'wag.... ' wag muna ngayon. Masaya na kami ng anak ko."

Madamdaming wika ni Breigh, at pilit na isinasara ang pinto ngunit pinipigilan ni Marcos. Hindi siya titigil hangga't hindi niya makausap ng masinsinan ang dating kasintahan.

"Breigh! Please mag-usap tayo..."

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Marcos. Tapos na tayo!"

Singhal ni Breigh, at isinara bigla ng malakas ang pinto. Kaya naman napasigaw si Marcos dahil sa naipit siya. Nag-alala naman agad si Breigh kaya nama'y binuksan niya agad ang pinto, at pinatuloy si Marcos na ngayo'y wakas ang pagdra-drama.

"Mark, ayos ka lang ba?"

Habang nangiwi si Marcos sa sakit, sa peke-pekeang sakit, ay kumukuha ng malamig na compress si Breigh para mailagay sa mga daliri ni Marcos.

"Ikaw kasi eh... Next time, 'wag pakalat-kalat ang daliri sa pintuan."

Wika ni Breigh habang pinapatungan ng cold compress ang daliring 'naipit' kay Marcos. Si Marcos naman ay pinipigilang matawa o mangiti sa ginagawa ngayon ni Breigh sa kanya. Dahil sa mukha ni Breigh, ay parang alalang-alala siya.

"Buti naman naipit ang daliri ko..."

Napaangat naman ng ulo si Breigh upang tingnan si Marcos, at kumunot bigla ang noo ng huli dahil sa naguguluhan din siya.

"Kasi... Kung hindi naipit ang daliri ko, hindi mo ako papapasukin... Atleast, napatunayan ko na you still care for me after all these years na nahiwalay ako sayo."

Nagkagat-labi si Breigh, at itinigil ang kanyang ginagawa. Umupo siya sa tabi ni Marcos, at tiningnan ito ng maayos.

"Mahal pa rin naman kita hanggang ngayon eh. Ikaw nga lang 'tong nang-iwan."

Nakonsensya naman agad si Marcos, dahil sa sinabi ng dating nobya. Kaya naman ay kinuha nito ang kamay ng ginang at muling nagsalita:

"It is a choice I have to make. I need to do it, dahil ayokong paglaki ng magiging anak natin, makita niya akong mahina. Hindi pa ako handa noon..."

Napatungo naman si Breigh dahil hindi niya alam ang isasagot. Nabara ang utak niya, tanging puso na lamang niya ang gumagana ng mga oras na iyon.

Magsasalita na sana muli si Breigh, nang biglang may pumasok sa loob ng bahay. Napatingin naman ang dalawa sa pumasok, at napagtantunang sina Ansel at Ania lamang pala ang pumasok.

"Mama? Papa?"

Nagtatakang tanong ni Ania habang nakatingin sa dalawa. Tumayo naman si Breigh at naglakad papunta sa kusina.

"Uh... Kumain na tayo, Ania. Ansel, tara kain tayo, hijo."

Biglang sabi ni Breigh sa dalawa habang siya ay kumukuha ng mga plato, baso, at mga kutsara't tinidor. Si Marcos naman ay napailing at nginitian ang dalawa.

"I thought you two are staying at the mansion?"

"Uh, we were, dad. Sabi kasi ni Ania, she wants to go home already. Kaya sinamahan ko na lang."

Tugon ni Ansel, at pasimpleng inakbayan si Ania. Hindi naman ito nakalampas sa paningin ni Marcos kaya sinita niya agad ang binata.

"Hoy, hijo anak... Anak ko din si Ania, what's the meaning of that?"

Paninita ni Marcos at tinuturo ang kamay ni Ansel na nakapulupot sa balikat ni Ania. Natawa na lamang ang dalaga sa inasal ng huli.

"Anak, Ania... Nagtext sakin si Rein. Kung naaalala mo? Tinext nga pala niya sakin... Magbabakasyon daw sila ni Adam dito sa Pilipinas."

Nakuha naman agad ang atensyon ni Ania, dahil sa sinabi ng kanyang ina. Halos gumuho ang mundo niya, dahil sa kanyang narinig. Tumingin siya kay Ansel, na ngayo'y nagtataka, pati na rin sa kanyang ama.

"Uh... Ania, sino si Adam?"

=========
Sino kaya si Adam?

Sino siya sa kwento ng AnselNia?

Sino ba siya sa buhay ni Ania?

ABANGAN. ;)

~jeanellediana

My Sir, My Lover?! |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon