~
Pagkatapos makita ni Ansel ang lahat. Umalis siya ng luhaan. Dumiretso agad siya sa kanyang apartment, at doon nag-isip isip kung ano ba talaga ang kanyang nararamdaman.Alam niya sa sarili niyang mali, mali ang kanyang nararamdaman para kay Ania. Hindi niya dapat ito maramdaman, ngunit may nagsasabi sa kanya na ipaglaban ito.
"She's my student... I'm just his teacher. Pa-paano na 'to?"
Ibinaon ni Ansel ang mukha niya sa kanyang mga palad, at nagsimulang mataranta. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin, ngayo't nagbalik na ang totoong minahal ni Ania. Ang alam niya sa sarili niya, wala na siyang pagasa para sa dalaga.
Alam na ni Ansel ang kanyang gagawin. Kumuha agad siya ng isang bote ng alak, Sauvignon blanc. His favorite drink, especially 'pag may pinagdadaanan siya like these situations.
His only solution? Drink wine. Get wasted.
---
It was 8 , dumating si Ania sa apartment ni Ansel. Alam niya'y naiwan niya ang cellphone niya rito.
"Sir, nakita mo ba yung cell--- Sir?! Sir!"
Nagulat naman si Ania ng makitang lasing na lasing si Ansel sa may bar area. Kaya nama'y nilapitan niya agad ang kanyang guro, at ginising upang makapagpalit at makapaglinis ng katawan.
"Sir... Gising... Sir, gising na."
Sabi ni Ania, habang ginigising ang kanyang lasing na guro. Inaalalayan niya si Ansel, hanggang sa biglang nasukahan siya ng binata. Naasar naman si Ania, at sinabing:
"Ano bang problema mo?!"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!"
Nagulat naman si Ania sa sinagot ni Ansel. Hindi naman niya ito pinansin, at nagpalit agad ng damit para maalagaan ang binata. Inalalayan niya agad si Ansel papunta sa kwarto nito.
"Ano ka ba?! Doon ka na sa Adam mo!"
Singhal ni Ansel kay Ania. Talagang nagtataka na ang dalaga kung bakit ganito ang inaasal ni Ansel. Naisip na rin niya na baka dulot lamang ito ng impluwensiya ng alak.
"Just leave me alone! I don't need you!"
Kahit nasasaktan na si Ania sa mga pinagsasabi ni Ansel, ay pinigilan na lamang niya ang sarili na huwag na lamang makisabay sa timpla nito.
"Tell me, what's your problem..."
Mahinahon na sabi ni Ania kay Ansel na ngayo'y talagang wala sa kanyang sarili.
"You really wanna know what's my problem?"
Nakangisi na tanong ni Ansel, kaya nama'y napalunok si Ania.
"Yes..."
"Ang problema ko... 'Yang pagbabalik ng Adam mo! Sino ba yun?! Eh mas may hitsura naman ako dun ah!"
"Teka, Ansel, ano bang problema mo?!"
Singhal ni Ania, dahil talagang hindi na niya maintindihan ang guro. Ngumisi naman si Ansel, na mas lalong ikana-bwisit ni Ania.
"Ikaw ang problema ko! Napakalandi mo kasi!---"
Pagkasabing-pagkasabi niyon ni Ansel, ay bigla namang sinampal siya ni Ania. Naramdaman kaagad ni Ansel ang mabilis na pag-init ng kanyang pisngi.
"Ang kapal ng mukha mo! 'Wag ka na ulit magpapakita sa akin!"
Sigaw ni Ania na punong-puno ng hinanakit. Lumabas na siya ng apartment, at binalibag ang pinto. Si Ansel naman ay naiwang tulala dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Kahit na nasa impluwensiya siya ng alak, isa lamang ang pumasok sa isip niya... Nasaktan niya ang damdamin ng babaeng mahal niya.
========
sabaw chap... :(~jeanellediana
BINABASA MO ANG
My Sir, My Lover?! |COMPLETE|
Romansa"It's impossible." "Stop that." "Don't pursue that thing. It'll not do good for you." What if mapasok ka sa isang relasyon na parang hindi kapani-paniwala? What if maging boyfriend mo ang teacher mo? Will it be the end for the two of you, or makikis...