KUNOT na kunot ang noo si Mushroom habang nakatitig sa note na nakapaskil sa refrigerator. Pakiramdam niya'y umuusok ang ilong niya. MUSH, GINO CALLED. DARATING DAW SIYA. SAGLIT LANG AKO SA SUPERMARKET. MAAGA UMALIS ANG DAD FOR WORK. -MOMMY
Galit na napatingin siya sa wall clock. It's just nine in the morning at nabubuwisit na siya! Ano na naman ang kailangan ng damuhong iyon sa kanya? Kahit ba Sabado hindi siya tatantanan ng pambubuwisit nito? Gusto niyang magpapadyak sa inis. Nanggigigil na kinuha niya ang note at nanggagalaiting pinunit iyon. Kapag nakita siya ng Mommy niya ngayon, tiyak na ipapatingin na siya sa psychiatrist. Her mom and dad are so fond of Gino. Kaya kahit na harapan siyang inaalaska ng walanghiya'y walang anuman iyon sa mga magulang niya. And she hated it! They even reprimanded her for being mean to Gino. Her own parents called her mean!
Huh! May araw din ang walanghiyang 'yon sa kanya. Kahit noong mga bata pa sila'y palagi siya nitong inaaway. At hanggang ngayong malalaki na sila'y wala pa rin itong ibang kasiyahan kundi ang asarin siya. Ang mas nakakaasar, alam nito kung papaano siya asarin ng walang kahirap-hirap. Gino is the worst villain ever. Demonyo ang tingin niya rito. At magiging masaya lang ang buhay niya kung mawawala ito sa paningin niya forever!
DAGLI siyang naligo't nagbihis ng pambahay. Pansamantalang nawala ang inis na kanina lang niya naramdaman. At kagaya ng nakagawian niya tuwing Sabado'y nagpunta siya sa garden. Tinanggal niya lahat ng mga ligaw na halaman at saka diniligan ang lahat ng mga tanim. Mas makabubuting maging abala siya nang makalimutan niya ang impaktong iyon. Napangiti siya nang makitang maraming namumulaklak na orchids, pati ang mga rosas. Alaga naman kasi ng Daddy niya. Substitute gardener lang siya.
"Marunong ka pala niyan?" sarkastiko ang tinig na iyon na umalingawngaw sa tenga ng dalaga. Napahigpit ang hawak niya sa hose. Itinuon niya ang buong atensyon sa ginagawa. Wala siyang naririnig.
"Tumawag ako sa inyo kanina kaso, tulog ka pa raw sabi ni Tita kaya di na kita pinagising."
Hindi pa rin niya ito pinansin.
"Oh, you're so kind to me talaga, Gino, thank you talaga," anito na ginaya ang pagsasalita niya. Naglapat ang mga labi niya. Pinigilan niya ang sariling sagutin ito.
"Ah... dinedeadma mo'ko ha..." anito sa tonong alam na alam niya.
Napuno siya kaya't hinarap niya ito. "Umalis ka riyan, pwede ba?" pigil-pigil na singhal niya.
Hindi man lang ito natinag. Prenteng nakatukod ang siko nito sa bakod at nakahimlay ang mukha sa palad na tila tinatamad na pinapanood siya. Magulo ang buhok, halatang hindi pa nakakapagtoothbrush at nakakapagpaligo.
"Bakit? Bakod rin naman namin 'to ah?" pa-inosenteng sagot nito.
Naniningkit ang mga mata ng dalagang tinitigan ito. "Puwes, huwag mo 'kong kausapin dahil ayoko ng kausap!"
Ngumiti ito. "Mataray tayo ngayon, ah? Epekto na naman ba ng buwanang dalaw yan, Mush..room?" Sa tuwing binibigkas nito ang pangalan niya'y ganoon. He always sounded as if her name stinks. When his name is stinkier. Pero hindi niya magawang laitin ito dahil nung minsang sinabi niyang ang bantot ng pangalang Gilberto, nagsumbong ito sa mommy nito. At hiyang-hiya siya dahil junior nga pala si Gino. And his Dad just passed away at that time. Kaya kagaya ngayon, pinilit niyang huwag itong pansinin.
"Kahapon lang ganyan ka din. Palagi kang masungit. Wait..."anitong tila napa-isip. "Every single day, masungit ka. Omigosh!" anitong ginaya ang ekspresyon niya. "Araw-araw kang dinadatnan?"
Tumaas-baba ang dibdib niya. Talagang ang husay nitong mang-inis. Umagang-umaga'y buwisit na buwisit na siya. May gana pa itong magtanong kung bakit siya masungit? Marinig pa lang niya ang pangalan nito'y kumukulo na ang dugo niya, paano pa kung nakikita niya ito palagi sa school. And worse, inaasar siya sa bawat segundong matiyempuhan nito.
BINABASA MO ANG
As Long As Forever
RomanceNothing can make Mushroom happier than to see Gino out of her life. Simula nang magka-isip siya hindi niya maalalang naging masaya siya sa tuwing nariyan ang kababata. He always makes her day worst of all worsts. Wala siyang ibang nararamdaman para...