CHAPTER 8: As Long As Forever

612 26 0
                                    


SUMAPIT ang pinakahihintay na gabi ng lahat. Mushroom felt the rush everytime she looks at her Mom. Tila hindi ito magkandaugaga sa paghahanda sa kanya.

"Mom, it's just prom night," paalala niya. She wouldn't dare imagine how her Mom would look like assisting her on her eighteenth birthday or her wedding. Her Mom notices every small unappropriate details in her gown, her hair, her make-up, her everything. Kulang na lang mag-panic ito.

"I know, hija. I just want everything to be perfect for you," anitong ngumiti.Nang makita niya ang sarili sa salami'y unti-uting sumilay ang ngiti sa labi niya. She couldn't believe she'd look like a real lady. "I look..."

"Beautiful," her mom smiled at her lovingly. "Dalaga na ang baby ko."

She hugged her mom. "Thanks Mom. I'll always be your baby."

"Matagal pa ba kayo riyan? Aba'y kanina pa naghihintay si Gino sa baba." tawag ng Daddy niya.

"Pabayaan n'yo hong maghintay," mataray na sagot niya bago pa man mapigilan ang bibig.

"That's not how a lady acts, Mushroom," saway ng Mommy niya.

Napabuga siya ng hininga. "Yeah, Mom. I'll try."

"Come on, you're ready."

TILA namamalikmata si Gino habang pinapanood si Mushroom pababa ng hagdan. There's something magical in the way she walked and the way she tilted her head. Napasinghap siya. Saka niya namalayang hindi pala siya humihinga. Nang mapatitig siya sa mukha nito, sinimangutan siya nito. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Beautiful Mushroom, kahit parating nakabusangot, aniya sa sarili.

Napataas ang kilay ni Mushroom nang makitang nakaawang ang bibig ng kababata habang nakatingin sa kanya. Parang manghang-mangha. Gusto niya itong batukan dahil pakiramdam niya'y iba babae ang nakikita nito. Kumabog ang dibdib niya nang tumaas ang isang sulok ng labi nito.Omigosh, it's not a right feeling. It's just Gino. It's no big deal! Nang tumayo ito'y saka lang niya napansing bagay pala dito ang tuxedo. Pormal itong tingnan. Maayos din ang buhok nito, halatang nakapagsuklay. Fresh tingnan ang mukha nito. Nang mapatitig siya sa mukha nito, saka lang niya naamin sa sarili, guwapo nga ang loko. Pero never niyang aaminin sa kahit na sino.

Nang abutin nito ang kamay niya'y lalong lumakas ang kabog ng dibdib.

"Aalis na po kami, Tito, Tita." paalam nito.

They kissed and hugged her, ganoon din si Gino. "Ingat sa pagmamaneho." paalala ng dad niya.

"At huwag masyadong magpapagabi." anaman ng mommy niya.

"I'll take good care of Mushroom, makakaasa po kayo."

Napatitig siya kay Gino sa sinabi nito.

"Isasauli mo ha, hindi mo itatanan," nakangiting sabi ng Daddy niya.

"Dad..." protesta niya.

"Hindi pa po," tumatawang sagot ni Gino saka giniya siya papalabas.

Did she hear it right? Hindi pa po?

Nang mapasulyap siya rito'y saka lang niya namalayang nakatitig ito sa kanya. Then he chuckled. "You look like a princess," anito saka inalalayan siya sa loob ng sasakyan.

Napalunok siya. Ano ang dapat niyang isagot?! Teka, bakit nagpa-panic siya?

"You look..." pilit niyang pinakalma ng sarili. "human."

Tumawa ito. "Gwapo lang hindi pa masabi," bulong nito na hindi nakaligtas sa pandinig ng dalaga.

"Gwapo ka na sana kung hindi ka hambog!" gigil na sabi niya.

As Long As ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon