CHAPTER 2: As Long As Forever

903 30 0
                                    

 NANG matapos ang lahat ng requirements sa school, masaya si Mushroom. Bakasyon na naman at consistent first honor student siya. Samantalang si Gino, wala yatang balak magpursige. Matalino naman sana ang loko. Wala lang talagang interes sa medals.

Sa susunod na pasukan, fourth year na siya. Kaya dapat sulitin niya ang summer vacation dahil pagkatapos non, aral na naman. Wala sa loob na napatingin siya sa bintana ng kabilang bahay. Walang tao roon. Gumuhit ang ngiti sa labi niya. A whole summer vacation without Gino. Dininig na ng Diyos ang matagal na niyang dinarasal. Matatahimik na ang buhay niya sa wakas.

Nang sumapit ang buwan ng Mayo, dinig niya'y hindi nag-enrol si Gino. Hindi pa rin bumabalik ang mga ito. Napangiti siya ng maluwang. Wala ng mang-aasar sa kanya! Pero sa kung anong dahilan, napawi ang ngiting iyon. Seeing Gino out of the graduation picture seems... dull? Inalog niya ang ulo. It's definitely a time to celebrate! Wala ng kontrabida sa buhay niya. Bwahahahahaha!

FIRST day of school. Seniors na sila! Napakaaliwalas ng panahon para kay Mushroom. Naratnan niya ang bestfriends sa school ground at ganoon na lang ang pagkakangiti niya habang kinakawayan ang mga ito.

"Milagro 'to, hindi na iisa ang kilay mo, Mush!" ani Betchy. Ngumiti lang siya. Halos magkabit kasi ang dalawang kilay niya sa tuwing nasa paligid si Gino. Ngayon, nararamdaman na niya ang pagiging malaya. She's free, she's alive, she's super happy!

"May MacAir kana no?"

Umiling-iling siya.

"Sports car?" hula naman ni Dinah.

"Aha! House and Lot!"

"Mas mahalaga kesa sa anumang materyal na bagay sa mundo." masayang sabi niya.

Nagkatinginan ang dalawa. "True love?"

Umigkas ang kilay niya. "More than that. Wala ng kontrabida sa buhay ko!" aniya saka humalakhak.

Nakanganga lang si Dinah at Betchy. "Paki-ulit?" halos sabay na tanong ng dalawa.

"Wala na siya! Wala na si Gino! Omigosh! Do you know what that means? It means I'll live happily ever after!" aniyang muling humalakhak.

Pero walang reaksyon mula sa dalawa. At parang walang planong maka-get over ang mga ito sa shock.

"Sure ba 'yan, Mush? You mean, he's not coming back forever?" ani Dinah na hindi naitago ang lungkot sa tinig.

"Baka naman nag-extend lang ng bakasyon," umaasa namang sabad ni Betchy.

Nabitin tuloy ang halakhak niya sa ere. "May sapi ba kayo?"

"Kaya pala parang may kulang..."

"Naramdaman mo din pala yun?" ani Betchy. "Hala... kaya pala kanina pa masikip ang dibdib ko."

"Excuse me?" aniyang kunot ang noo. "We're supposed to be -happy? We're supposed to be -celebrating? Ba't ganyan ang ayos ninyo?" Napalitan kaagad ang saya niya ng bigat ng dibdib.

Napabuntong-hininga si Betchy. "M-Masaya kasi pag andyan si Gino." biglang nasabi nito.

"Kahit sino, napapatawa niya no?" anaman ni Dinah.

"Saka ang bait pa."

Tuluyan nang naglapat ang mga labi ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa naririnig mula sa mga kaibigan.

"So all along naglolokohan lang pala tayo? Ang akala ko, kakampi ko kayo. Kaya pala kapag may plano akong maghiganti parati kayong hindi nag-cocooperate. Nahawa na pala kayo sa damuhong iyon." Napabuga siya ng hangin. After all those thing Gino did to her, nasasabihan pa ito ng kaibigan niyang mabait??? Aren't these two her bestfriends?
Para namang nagising ang dalawa sa sinabi niya.

As Long As ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon