HINDI makatulog si Mushroom nang gabing iyon. Pilit umuukilkil sa isip ang nangyari kanina. Napasigaw siya nang pumasok ang bola. Halos lahat ng naroon ay napatayo. Dinah and Betchy were screaming on the top of their lungs. Gino won! Ngunit napaawang ang labi niya nang tumama ang braso ni Michael sa leeg ni Gino. She felt the rush of adrenaline at mabilis na dinaluhan ang kababata. There was guilt in Michael's eyes nang magtama ang mga mata nila pero hindi niya makuhang kausapin ito. Gino wasn't moving at all. At kahit na itanggi niya sa sarili, nag-aalala siya. She was certain that Gino's not well. Kaagad nilang dinala sa clinic si Gino nang mawalan ito ng malay at tinawagan niya ang mommy nito. Hindi niya alam kung papaano nakarating ang Tita Donna niya sa school ng ganoon kabilis. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. That worried look that stirs up fear inside her. And she felt guilty more than ever dahil wala siyang nagawa man lang. Ipinasya kaagad ng Tita Donna na dalhin sa ospital ang anak kaya kaagad nilang isinakay si Gino na hindi pa rin nagkakamalay sa sasakyan nito. Sasama sana siya pero hinarangan siya ng Tita Donna.
"Gino's just fine. He'll be alright. Don't worry." she gave her an assuring smile at hinawakan ang kamay niya. Pero hindi siya kumbinsido.
WALA si Gino for the whole week. Wala ring tao sa bahay ng mga Nazareno. Nang tumawag siya sa Tita Donna, nagbabakasyon daw ang mga ito. Tutal, intramurals naman. She felt frustrated with what she heard. Marami ngang hindi umaattend ng intrams, mostly yung mga walang pakialam at ang mga walang sinalihang event. But Gino, Gino was the one who was most enthusiastic about it. He was the one who almost planned everything. Hindi ito ang tipong nang-iiwan sa ere. Naiinis siya dahil wala man lang itong pasabi. At mas naiinis siya dahil nag-aalala siya ng husto. Because of his absence, the council had to double up their efforts.
Minsan lang niya nakita si Michael simula nung pangyayari sa Sabado. Naging abala siya at ang buong council. Ni hindi siya nakapanood ng game nito na balita niya'y naipanalo ng mga ito. Sina Dinah at Betchy ang mata't tainga niya sa whole event. She hated every moment being with the council. It wasn't fun anymore. At alam niyang iyon din ang nararamdaman ng mga kasama niya. Was it because of Gino's absence? Napabuntong-hininga siya. Pagod lang siguro siya. Thank God, last day na bukas. Makakapagpahinga na siya.
Papalabas na siya ng school nang makita niyang nakaupo si Michael sa bench. Tila may hinihintay. Bigla'y gusto niyang umatras pero huli na para iwasan niya ito. Kinawayan siya nito at napatayo. Napalunok si Mushroom. Why is she behaving like this? Bakit ayaw niyang makausap si Michael?
"You look tired," puna nito nang malapitan siya.
"I am." maikli niyang sagot. Hindi niya matingnan sa mata ang kaharap. Everything just felt awkward. Lihim siyang nagdasal na sana nandiyan na ang Daddy niya para sunduin siya.
"I-" Napabuga ito ng hininga. Napatitig si Mushroom sa binata. "I'm sorry..." anito sabay yuko.
Kumunot ang noo niya. Nasabunot nito ang sariling buhok. "I'm not good at this, Mushroom but I-" napabuga ulit ito ng hininga. "I've never felt so horrible in my whole life."
Mushroom knew he was talking about the incident last Saturday. And right then and there she felt guilty. She wasn't really busy. She made herself busy dahil ayaw niyang makita ito. Hindi niya alam kung bakit galit siya kay Michael. And alam lang niya, hindi na niya gustong makita ito o makipag-usap dito. "You didn't do anything wrong. It was an accident." aniya. And she felt more guilty because deep inside, she wanted to blame everything on Michael.
"But it's still my fault." Nakatungong sabi nito. "I'm sorry if I hurt you."
Nagulat siya sa sinabi nito. "It wasn't me who was hurt, it was Gino."

BINABASA MO ANG
As Long As Forever
RomanceNothing can make Mushroom happier than to see Gino out of her life. Simula nang magka-isip siya hindi niya maalalang naging masaya siya sa tuwing nariyan ang kababata. He always makes her day worst of all worsts. Wala siyang ibang nararamdaman para...