WALA silang imikan habang nasa loob ng sasakyan. Shocked pa rin si Mushroom sa nangyari kanina. She didn't know Michael has a girlfriend. Ang alam niya, maraming nagkakagusto dito. But he never told her he had a girlfriend. They can have him if they want. Ayaw niya ng gulo. Paano kung malaman ng Mommy't Daddy niya?
Naramdaman niyang inihimpil na ni Gino ang sasakyan.
"Ayoko pang umuwi," aniyang halos hindi lumabas sa bibig ang sinabi. "Ayokong malaman nina Mommy." Alam niyang iiyak siya. At magtataka ang Mommy niya kung saka-sakali.
"Gusto mong pumasok muna sa bahay?" Napatingin siya rito. Hindi na siya nakatanggi nang umibis ito sa sasakyan at pinagbuksan siya. Nang hawakan nito ang kamay niya'y hindi siya tumutol. May kung anong kuryenteng dumaloy sa kamay niya pero pilit niyang huwag pansinin iyon. Inilagay nito ang daliri sa labi nito para senyasan siyang huwag maingay. Nagtataka ma'y sinunod niya ito. Buong ingat nitong binuksan ang pinto saka para walang ingay na pumasok sila sa silid nito.
Nang maisara nito ang silid ay napangiti ito. "Para tayong magnanakaw no?" pinigilan nito ang sariling tawa. "Tulog kasi si Yaya 'pag ganitong oras."
Tumango-tango siya. Alam niya iyon. Kung ibang pagkakataon lang, baka natawa na siya, pero sa sobrang bigat ng dibdib, hindi niya makuha kahit ang ngumiti.
"Upo ka." anitong pinapag ang kama. Wala sa loob na naupo siya sa gilid ng kama nito. Bumalik sa isip niya ang pangyayari kanina. Napabuntong-hininga siya. Tila naninikip ang dibdib siya nang maalala ang sinabi ng girlfriend ni Michael. Malandi nga ba siya? Nilalandi ba niya si Michael? She was called a slut! Iyon ang pinakamabigat na akusasyong natanggap niya sa buong buhay niya. Iyon ang unang pagkakataong napahiya siya ng sobra-sobra. Ni hindi niya nagawang lumaban. Kung hindi pa dumating si Gino... Nakagat niya ang labi nang unti-unting lumabo ang paningin niya. Gino cared for her, doesn't he? Nanubig ang mga mata niya nang maalala kung paano siya ipinagtanggol nito. All the while she thought she didn't matter to him.
Inabutan siya ni Gino ng panyo at umupo sa tabi niya. Saka niya namalayang umiiyak na pala siya. Tinanggap niya ang panyo pero patuloy pa rin ang pagpatak ng luha. Napatingin siya rito pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nang kinabig siya nito sa dibdib nito'y hindi niya napigilang mapabunghalit ng iyak.
"Sshh..." alo nito. "Kapag ginawa niya ulit iyon, talagang susuntukin ko siya sa mukha." Napangiti si Mushroom sa kabila ng pag-iyak. Lalo pa't naalala niya ang takot sa mukha ng babae kanina. Masuyong hinagod ni Gino ang likod niya at natagpuan niya ang sariling napasiksik sa dibdib nito at doon ibinuhos lahat ng nasa dibdib. Kung gaano sila katagal sa posisyong iyon, hindi niya alam. Gino held her until all her tears dried up. And for the very first time, naging kakampi niya ang kababata.
NAPAPIKIT ng mariin si Gino. He prayed that this moment will never end. He is finally holding her. Though he wished she isn't this sad. Dahil parang pinupunit ang puso niya sa bawat hikbi nito. He found himself swearing that he will never allow anyone or anything to hurt Mushroom. Because the pain he felt seeing her cry is almost unbearable.
Pinabayaan niyang iiyak nito ang lahat. He planned to talk to Michael. He had to warn him that if his girlfriend continues to harrass Mushroom, hindi siya magdadalawang-isip na patulan ito. Though he never sees himself able to hurt a girl. All he wanted is for Mushroom to be safe. And he will do anything to keep her safe.
Paano ba niya mapapatawa si Mushroom? He just have to think of something right now. Para mabawasan man lang ang lungkot nito. Kung pupuwede lang niyang kunin ang lungkot na nararamdaman nito, gagawin niya. Isip Gino... Isip!
UNTI-UNTING kumalma si Mushroom. Ilang beses siyang napalunok. Her head is rested on Gino's shoulder. Dama niya ang bawat paghinga nito at dinig niya ang tibok ng puso nito. Nag-init ang magkabilang pisngi niya. Saka lang niya napagtanto na nasa loob siya ng silid nito. At nakayakap siya dito. Mahigpit. Omigosh! Bigla'y parang nagising siya mula sa pagkakatulog. Pasimpleng kumalas siya sa pagkakayakap dito kahit sa loob-loob parang hihimatayin siya sa hiya. Teka, ba't ba siya mahihiya dito?

BINABASA MO ANG
As Long As Forever
RomanceNothing can make Mushroom happier than to see Gino out of her life. Simula nang magka-isip siya hindi niya maalalang naging masaya siya sa tuwing nariyan ang kababata. He always makes her day worst of all worsts. Wala siyang ibang nararamdaman para...