FRIDAY came. May tinapos pa siyang trabaho sa opisina at kung hindi pa siya ipinagtabuyan ng Daddy niya, malamang hindi siya makapunta sa reunion dahil nawala sa isipan niya ang oras. O mas angkop sabihin, pinilit niyang mawala iyon sa isip niya. The reunion makes her feel sick. It's like something she doesn't want to look forward to. Kahit kinukumbinsi niya ang sariling wala siyang dapat ipag-alala, iba pa rin ang pakiramdam niya. She wanted so much to back out. But she just can't dahil naka-oo na siya sa mga magulang. She just wished it's Monday again.
Biglang tumunog ang cellphone niya. Pinindot niya ang bluetooth device sa tenga at kaagad niyang sinagot iyon. Napangiwi siya nang marinig ang malakas na boses ni Dinah.
"Kung alam ko lang na ganyan ka ka-late sana isinabay na kita kanina! My God, Mush, aabutin ka ng gabi sa daan. It's six hours drive! Akala ko ba isang oras ka lang delayed?"
"Dinah, I'm okay. Sanay ako magbiyahe sa gabi, ano ka ba. I'll see you in a few hours."
"Kahit na. You should've-" napabunting-hininga ito. "Kahit kailan ka talaga, Mushroom." anitong kunwa'y nanggagalaiti. "The party's going to start in two hours. You're very very very late. Kanina pa nagdatingan ang mga ka-batchmate natin."
"I'll be there, okay?"
"You better make sure you're here before the party ends."
"Makakahabol ako." paninigurado niya. "And besides, we still have tomorrow. Hindi naman siguro-"
"You need to be here now." mariing sabi nito. "Omigosh Mushroom! Ikaw na lang ang wala."
"Yeah, yeah. I will be. Now, put down the phone because I'm gonna concentrate driving."
"Okay, be safe. Call me if something happens." anito.
"Yeah, I will." aniya.
Siya na lang ang wala. Bigla siyang nanlamig. Pakiramdam niya'y masusuka siya. Okay, Mushroom, you have to get hold of yourself! kastigo niya sa sarili. She will be in Pangasinan approximately in three hours. Papadilim na pero hindi niya alintana iyon dahil sanay na siya. But her hands are clammy and cold. And her pulse rate is accelerating. Seriously, Mushroom?
MAG-AALAS-ONSE na nang dumating si Mushroom. Pagbaba pa lang niya sa sasakyan napansin na niya ang kakaibang aura ng paligid. It's so peaceful. At ang simoy ng hangin, ibang-iba sa araw-araw na nalalanghap niya sa Manila. Tinawagan niya kaagad ang Mommy at Daddy niya pagkadating doon para hindi mag-alala ang mga ito. And they're far more excited than her.
Paglabas ng sasakyan umangat ang kilay niya nang may makitang black BMW. Who could afford such a flashy car? It could be-- Natigil ang pag-iisip niya. Natanaw na niyang parating sina Dinah at Betchy.
Niyakap niya ng mahigpit si Betchy, medyo malaki na ang tiyan nito. Isang tingin pa lang, alam niyang masaya ito kapiling ang asawang si Louie. It's almost unbelievable. All of them were convinced Louie was gay. Well, he really is. But he loves Betchy so much. And he'll do anything to fight for that love even if it meant he has to kill the feminine side of him. And they adored Louie for that great love he fought for. Betchy was so in love with him too. At tanggap nito kung ano at sino ang asawa. Na-miss niya ang mag-asawa. Lalo na si Betchy. Matagal na rin silang hindi nagkita dahil sa Pangasinan na ito nakatira.
"I'm so happy you finally came. Omigosh, Mushroom, I really missed you!" masayang sabi nito.
"I missed you too. And I'm so glad to be finally here."
"Kasi busy sa business career niya," ani Dinah. "Pero mamaya na kayo magchika, kailangan mo ng magbihis, Mush. The party had begun!"
"Yeah, get dressed!" ani Betchy. "You take care of Mush, Dinah, eestimahin ko lang ang ibang bisita," anito saka iniwan sila.
BINABASA MO ANG
As Long As Forever
RomanceNothing can make Mushroom happier than to see Gino out of her life. Simula nang magka-isip siya hindi niya maalalang naging masaya siya sa tuwing nariyan ang kababata. He always makes her day worst of all worsts. Wala siyang ibang nararamdaman para...