NAGING madalas ang pagdalaw ni Michael kay Mushroom. At sa tuwing naroon ito, naroon din si Gino. And she did not like it! She hates it! Dahil hindi niya mawari sa sarili niya minsan kung si Michael nga ba ang dahilan kung bakit sumasaya siya sa tuwing dumadalaw ito sa kanya. Kagaya ngayon, hindi niya alam kung nagsusuklay siya ng buhok para mapansin ni Michael o para kay Gino. Nanlaki ang mga mata niya sa harap ng salamin nang matanto ang iniisip.No way! Gino is definitely out of this! aniya sa isip habang nanggigigil na nagsusuklay ng buhok.
Hindi lang niya mapigilang hindi ma-conscious. She knew for a fact that Gino doesn't look at her the way Michael does. He doesn't see her as a girl. He doesn't even appreciate her looks or anything about her. Pero hindi niya maiwasang kabahan sa tuwing nahuhuli niya itong nakatingin sa kanila ni Michael. She can't be herself! She felt like it's wrong to laugh or smile at Michael dahil sa presensiya nito. As if it mattered to Gino! But his presence is so annoying. She felt like flirting with other guy while her boyfriend is watching. Absurd! Napa-paranoid na siya! She's 100% sure tatawanan siya ni Gino kapag nalaman nito ang iniisip niya. She'd rather die that be humiliated! She bet he'd be so happy knowing he's unnerving her. Pero bakit nga ba naaapektuhan siya sa presensiya nito?
Sometimes she even feels guilty... that she can laugh with Michael and not with Gino. Sometimes she feels unhappy... because she can feel that Gino isn't happy and she doesn't want to care because it is the way she should be towards him. Sometimes she cries at night... because everything just seems so wrong and she can't change anything about it.
"Hija, andito na ang bisita mo," tawag ng Mommy niya.
"I'm coming Mommy!" aniya saka pinasadahan ang sarili sa salamin saka bumaba. Kagaya ng dati, kinakabahan siya. Pababa siya ng hagdanan nang mapansing iisa lang ang bisita niya. She should be happy she's seeing gray hair and that really pretty face. She should be... but she can't even manage to fake a smile. Where the hell is Gino? Then something hit her, why is she so disappointed? Gusto niyang batukan ang sarili sa nararamdaman.
"Hey, good evening!" masayang bati nito. "Are you okay?" tanong nito na bahagyang kumunot ang noo.
"Of course!" aniyang pinasigla ang tinig.
Inabot nito sa kanya ang long stemmed rose na hawak. "For the most beautiful girl I've known."
Ngumiti siya. She ought to be flattered. Dapat kinikilig siya. Pero bakit ganito ang pakiramdam niya? She felt dull. Everything seemed dull. "Thank you." aniyang tinanggap iyon.
"Are you sick or something?" nag-aalalang tanong nito.
Umiling-iling siya kahit na damang-dama niya ang sakit sa dibdib na hindi niya alam kung saan nagmumula. "I'm perfectly fine."
"You' re just... less of who you used to be. Ah yeah... you're not as excited... not as happy."
Bago pa man ito makapag-isip ng kung anu-ano, hinawakan niya ang kamay nito. "I'm happy you're here, Michael." totoo sa loob na sabi niya. But... she could have been happier if... Hindi niya itinuloy ang iniisip. Ano bang nangyayari sa kanya?
"That's all I need to hear, Mush." anitong nakatitig sa kanya. But she felt odd. It just doesn't feel right. She doesn't feel right. Parang gusto niyang katukin ang kabilang bahay para tingnan kung ano ang pinagkakaabalahan ng kababata't hindi ito nakapunta ngayon. At talagang babatukan niya ito kapag nalaman niyang naglalaro na naman ito ng Plants Vs. Zombies. Naiinis siya na di niya mawari. Gusto niyang magmaktol. Omigosh, she's really close to tears!
Bigla silang napalingon nang biglang bumalandra ang pintuan. Bumilis ang tahip ng dibdib ni Mushroom, kaagad siyang napatakbo sa labas ng bahay.
"What was it?" ani Michael na nakasunod sa kanya. Nakita niya ang itim na pusa sa garden nila katabi ng natumbang paso ng halaman. Si Snowhite lang pala, ang alaga ni Gino.

BINABASA MO ANG
As Long As Forever
RomanceNothing can make Mushroom happier than to see Gino out of her life. Simula nang magka-isip siya hindi niya maalalang naging masaya siya sa tuwing nariyan ang kababata. He always makes her day worst of all worsts. Wala siyang ibang nararamdaman para...