CHAPTER 3: As Long As Forever

707 27 1
                                        


PAPASOK pa lang ng school ay nakahanda na si Mushroom sa mga insultong maaari niyang ibato kay Gino kapag pinagkatuwaan na naman siya nito. Ang mas nakakainis pa, busy ang daddy niya sa trabaho at pinakiusapan nito si Gino na isabay siya sa pag-uwi dahil gagabihin ito. Tinangka niyang kumbinsihin ang ama na okay lang siya magcommute pero hindi siya nito pinakinggan. Nang sinabi niyang ayaw niya kay Gino, he told her to grow up. She can't believe her own parents. They're throwing her into the pit where there's a monstrous creature in the form of Gino waiting to devour her. Ba't ba hindi nila nakikita ang kasamaan ng kababata? At bakit siya na lang parati ang mali at masama?

"Woke up on the wrong side of the bed?"

Bigla siyang napalingon. At napalunok. It's Michael Wallace in his usual striped tee and rubber shoes.

"H-Hi." tanging nausal niya nang mapagtantong siya nga ang kinakausap nito.

"It's Michael," anito. "I'm sorry about yesterday."

Tumango-tango siya. Makakalimutan niya siguro ang pangalan niya pero hindi ang pangalan nito. Pakiramdam niya'y may lumilipad na paru-paru sa tiyan niya. At nauutal siya!

"Can I invite you for lunch?" he asked hopefully. Hindi siya makasagot. Gusto niyang tumili. He just invited her for lunch! "Don't worry, just at the canteen." dagdag nito nang hindi siya makasagot. "That's if you don't have plans, or maybe-"

"Lunch is fine," aniyang ngumiti.

Napangiti ito. Umabot sa mga mata ang mga ngiting iyon. Which made Mushroom's heart melt. How can a smile be so... heavenly? Angel kaya si Michael? Is he the one to save her from the Gino the devil?

Ngumiti ito. "I'll walk you to your room... if it's okay?"

Pakiramdam ni Mushroom ay hihimatayin siya nang mga sandaling iyon. "No problem," aniyang ginantihan ang ngiti nito. Gusto niyang kurutin ang sarili. Is she flirting?
They were laughing when they reached the classroom. Makuwento si Michael. He's actually easy to be with. Kahit natetense siya dahil pinagtitinginan sila ng lahat ng nakakasalubong, kampante siyang kasama ito dahil talagang mabait ito. Omigosh! He's gonna join her for lunch! He is a perfect gentleman. Another Omigosh! She felt like falling already.

They talked a little while bago ito tuluyang nagpaalam sa kanya.

"Lunch," anitong kinindatan siya. She felt her cheeks are burning. Bahagya siyang ngumiti sa tumango at nagmamadaling pumasok sa classroom. Bigla'y bumangga siya sa bultong pamilyar sa kanya at amoy na alam na alam niya.

"Who the hell was that?" anitong sinundan ng tingin ang papalayong binata. Wala siyang planong sagutin ito lalo pa't papalapit si Dinah at Betchy na pigil-pigil ang tili.

"Oh my! Oh my! O-mi-goshhh! That was Wallace!!!"
"C'mon, tell us everything!!!" ungot ng mga ito na kinikilig. "Why oh why were you together?" eksaheradong tanong ni Dinah.

"We met yesterday, remember?"

"And?"

"And he saw me today, he remembered my name and-" Tumaas ang sulok ng labi niya.

"And?" Dinah demanded.

Bumulong siya. "He invited me to lunch."

"Lu-" tinutop niya ang bibig ni Dinah.

"I so envy you!" ani Betchy.

"We're going together, right?" umaasang tanong ng dalawa.

Napabuntong-hininga siya, kunwa'y nag-isip bago nagsalita. "Of course!"

As Long As ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon