GINO hugged Mushroom tight, he never wanted to let go. Kung pupuwede lang na ipaloob lang niya sa bisig ang kababata sa lahat ng oras, gagawin niya. He never felt anything like this towards any other girl. He never felt so in love. And right now, he never knew it could really hurt so much. Sa nakalipas na mga araw na hindi siya kinikibo ng kababata'y halos mabaliw na siya sa kakaisip. Wala siyang maisip na paraan. Natitiyope siya sa tuwing kaharap ito. Nawawala ang diskarte niya. Si Mushroom lang ang may kakayahang magpangiti at magpatawa sa kanya. Ito lang ang may kakayahang patiklupin ang tuhod niya't pakabahin ang dibdib niya. At ito lang din ang may kakayahang saktan siya ng husto. But he didn't mind the hurt. He can get along with it. Dahil si Mushroom lang ang bukod-tanging nakakapagpasaya sa masalimuot na buhay niya. Makasama lang niya ito, napapawi na ang lahat ng sakit at alalahanin ng dibdib niya. She could be his reason for living. She could be everything he could desire. Pero papaano ngayon na kailangan niya itong iwan? Pakiramdam niya'y mapupunit ang puso niya sa tindi ng sakit.
Kung kailan pa handa na siyang magtapat ng tunay niyang nararamdaman para dito saka pa nagdesisyon ang Mommy niya na tuluyan silang manirahan sa States. He never wanted to leave. But he doesn't have a choice dahil pinal na ang desisyon ng ina. His mom had been thinking about it for years. He thought she had forgotten about it. He never thought it would eventually come, that they have to leave their home and all the people they love. Leaving Mushroom tears him apart. Kung may paraan lang para manatili sila, gagawin niya. Pero desidido na ang Mommy niya at wala siyang kakayanang suwayin ito.
Mushroom's sweet-smelling hair filled his lungs. And he wondered if he could take some of it para hindi niya ito masayadong ma-miss. He is going to miss all of her. Every detail about her is a part of his life. At bukas, mag-iiba na ang tingin niya sa mundo. Mag-iiba na ang tingin niya sa buhay. And he knew, he would definitely struggle to survive.
"May last part pa yung narinig mo kanina," aniya saka pinakawalan at humarap sa dalaga. His heart ached as he saw her in tears. "Mamimiss ko ang mukha mo na nakikita ko tuwing umaga. Mamimiss ko ang tawa at ngiti mong kayganda. Higit sa lahat, mamimiss ko ang pagbigkas ng pangalan mo. Kasi ikaw lang ang nag-iisang Mushroom ng buhay ko." He smiled shyly. "Parang tula ng tanga ano?" aniyang pagak na tumawa.
Pilit itong ngumiti. Naging abnormal na naman ang tibok ng dibdib niya. He could take some of that smile too. Kinapa niya ang maliit na kahon sa bulsa niya. Matagal na niyang hawak-hawak iyon. Kumunot ang noo ng dalaga nang buksan niya iyon. It was a beautiful silver ring. He should've brought the one with diamonds, kaso hindi pa kaya ng savings niya.
"Graduation gift ko sana. Na-late kasi hindi naman kita pwedeng lapitan."
Hindi ito nakatutol nang kunin niya ang kamay nito't isinuot dito ang singsing. Her hands were probably the softest hands he ever held and wanted to hold on to forever. He felt like the spaces between his fingers were made so she could fill it with hers. Namimilog ang mga matang napatingin ito sa kanya.
"A-Ano 'to?" nauutal nitong tanong.
"Friendship ring." simpleng sagot niya kahit inaatake na ng kaba ang dibdib.
Tumaas ang kilay nito. "Hindi naman tayo friends ah."
"Eh, di engagement ring na lang," pabirong sagot niya.
Bumuka ang bibig nito ngunit tila wala itong maapuhap sabihin. Pagkuwa'y malakas na tinampal ang braso niya. "Hindi yan magandang biro!"
Sumeryoso ang mukha niya at hinawakan ang kamay nito. Ilang gabi niyang pinag-aralan kung ano ang sasabihin. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya makabisado ang linya lalo pa't inaatake siya ng nerbiyos sa presensiya ng kababata.

BINABASA MO ANG
As Long As Forever
RomanceNothing can make Mushroom happier than to see Gino out of her life. Simula nang magka-isip siya hindi niya maalalang naging masaya siya sa tuwing nariyan ang kababata. He always makes her day worst of all worsts. Wala siyang ibang nararamdaman para...