TUMIGIL saglit ang pagtibok ng puso niya at nahigit ang hininga. Gino is moving!
"Unghh..." ungol nito.
Nakagat ni Mushroom ang labi kasabay noon ang pamamalisbis nga luha.
"Gino..." aniyang hinawakan ng mahigpit ang kamay nito.
Bahagyang gumalaw ang ulo nito saka unti-unting bumuka ang mga mata para lang mapapikit ulit dahil tila nasilaw sa liwanag. Saka muling napakurap-kurap at humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
Oh good God... mahinang usal niya, kasabay ang pagtulo ng luha. She's felt so happy her heart could not almost contain it. Sa loob ng isang buwan, wala siyang ibang hinihiling sa Diyos kundi ang magising si Gino. Araw-araw, ipinagdarasal niya na sana'y makita ulit ang ngiti nito, marinig ang boses nito, ang maramdaman ang yakap nito. Wala siyang ibang hinihintay kundi ang makitang gumalaw ito kahit saglit lang. And it is happening right now... Gino is waking up!
"Gino, talk to me, ano'ng nararamdaman mo?"
Napatingin ito sa kanya tila inaaninaw kung sino siya. Mabilis niyang pinahid ang mga luha. She wants him to see her happy when he looks at her.
"Can you see anything?" aniyang bumadha ang kaba sa dibdib. "Can you hear me?"
Marahan itong tumango saka muling napapikit na animo nasasaktan. Saka napatingin sa kanya. Napa-ubo ito. "Ang...paa ko." anitong paos ang tinig at lumarawan sa mukha ang takot. Lalong tumindi ang kaba sa dibdib niya. Tila naitulos siya sa kinatatayuan at hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Tumingin ito sa mga paa. "Ang m-mga paa ko!" nahintakutang sabi nito. Saka napatingin sa kanya, "Do something! I can't move my feet!" sigaw nito. "Miss, call the doctor! Please!"
Para siyang binagsakan ng langit sa narinig. Miss... Did he just call her Miss?Tila nawalan siya ng lakas at babagsak siya anumang oras. She expected this, didn't she? Pero hindi niya alam na magiging ganito kasakit.
"Miss, please!" samo nito na tila magpapanic na.
"Relax," aniyang pinigilan ang sariling umiyak. It's not the right time. Pwede siyang umiyak mamaya. But not right now. Dagli siyang lumapit sa intercom at pinindot ang numero ng nurse station.
"Mr. Nazareno is awake. Please call Dr. Ledoux!" aniya at muling lumapit kay Gino at inalo ito. Para itong batang umiiyak. Tila pinipiga ang puso niya sa bawat pagyugyog ng balikat nito.
"I can't move my feet," anitong umiiling-iling.
"I-It's just for now," pagpapalakas niya sa loob nito at hinagod ang likuran nito. "Y-You just woke up. You'll b-be able to move that l-later," aniya pigil ang sariling hikbi.
Pero tila wala itong naririnig. It hurts her seeing Gino like this. But it hurts more that she can't do anything about it. She can't even comfort him because she seemed nothing but a complete stranger to him. Pinigil niya ang sariling luha. Saka pinilit ang sariling maging matatag. Positive thoughts...paalala niya sa sarili. Good things are coming. This is just the beginning. He will remember her soon... And he will definitely walk soon. She won't stop here. She will be with Gino until he is finally back to his old self again.
Ilang sandali pa'y dumating na si Dr. Ledoux. They ran a series of tests on Gino. Paglabas ng mga ito sa silid saka niya pinakawalan ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Inilabas niya ang lahat ng bigat sa dibdib... It seems like the worst thing had come. At hindi niya alam kung saan siya huhugot ng lakas. Positive thoughts... muli niyang paalala sa sarili. Pero tila hindi niya mapigil ang sariling damhin ang sakit. Gino doesn't remember her. And she doesn't know how to bear that... but she has to... at all costs, she must bear everything for Gino.
BINABASA MO ANG
As Long As Forever
RomantikNothing can make Mushroom happier than to see Gino out of her life. Simula nang magka-isip siya hindi niya maalalang naging masaya siya sa tuwing nariyan ang kababata. He always makes her day worst of all worsts. Wala siyang ibang nararamdaman para...