CHAPTER 10: As Long As Forever

532 25 1
                                        

KINABUKASAN, pagpasok nila sa room ni Mr. de la Cruz, nakasabit na ang top ten work of art ng buong fourth year. As expected, hindi kasali and gawa ng dalaga. Pero wala doon ang isip niya. Wala din siyang pakialam sa mga paintings na nakahilera doon. Halos hindi siya makatulog kagabi sa kakaiyak at kakaisip. Hanggang ngayon, dama pa rin niya ang bigat ng dibdib at wala siyang ideya kung papaano mapapagaan iyon.

Nagulat siya nang mahagip ng mga mata ang pinakadulong painting. May kumurot bigla sa dibdib niya. Larawan iyon nga batang babae na nakasuot nga dilaw na damit, nakatali ng dilaw na laso ang bahagyang nagulong buhok. Bilugan ang mga mata nitong hilam ng luha. Bilog na bilog din ang pisngi. Kunot ang noo nito at hawak-hawak ang isang manyikang walang ulo. The painting looked so real. Kuhang-kuha ang emosyon nga umiiyak na batang babae.

Napalunok si Mushroom, parang may bumara sa lalamunan niya. How could she not notice it? How could she fail to recognize a scene from her own memory? That little girl is her, twelve years ago. She remembered that yellow dress. Much more, she remembered that doll, the very reason why she was crying. Napayuko siya saka napa-iling. She is hallucinating. Baka pag-aari ng iba ang painting na iyon tapos nag-eemote na siya. Gusto niyang matawa sa sarili.

Isa-isang nagsalita ang top ten tungkol sa gawa nila. Mayroong nagpinta ng bukid, ng gubat, ng magulong siyudad, ng iba't ibang hugis, at abstract paintings. Kahanga-hanga ang lahat. Pero iisa lang talaga ang naiiba. Ang buhay na buhay na larawan ng batang umiiyak. Lahat ng napapatingin doon ay napapa-sad face lalo na ang mga girls.

"And for the artist who received the highest grade," ani Mr. de la Cruz na napangiti. "and who never failed me in my expectations, let's give an applause for Mr. Gilberto Nazareno, Jr.!"

Nagpalakpakan ang lahat. Everyone knew Gino would have the award. May sipulan, at nagcha-chant ng "Gino! Gino! Gino!"

Naramdaman ulit ni Mushroom ang kirot sa dibdib. Mas matindi kesa kanina. Ilang beses siyang napalunok dahil sa tindi ng bara sa lalamunan. So, the little girl was really her? Naaalala pa ni Gino 'yun? Hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin kaya ipinasya niyang tingnan na lang ang painting.

"I painted," ani Gino na itinuro ang gawa. " a little girl who's crying for her doll." Itinuro nito ang bata tapos ang manyikang walang ulo na hawak-hawak nito. "That's all," anitong matipid na ngumiti. "I don't think there's much of explanation needed."

Nagpalakpakan ulit ang lahat. Everyone in that room admired Gino. Mushroom could see him at the corner of her eye. At hindi niya malaman kung ano ang emosyong napapaloob dito. Sa lahat ng pwede nitong ipinta, bakit iyon pa? Bakit mukha pa niya?

"What made you do that painting?" anang teacher nila.

Napatingin si Mushroom sa kababata. Wala siyang pakialam kung muling tumambol ang kaba sa dibdib. She wanted to know. And she wanted to see his face while he explains.

Tila alumpihit ito. Nag-isip ng saglit bago nagsalita. "I have a lot of memories during my childhood. Happy, sad, painful ones... all of them blurr. Except for this one. And except for this face..." Napalunok ito. Saglit sumulyap sa kanya at kaagad na napayuko nang mag-abot ang tingin nila. Ngumiti ito ng mapakla. "Maybe because it was the first time I realized I hurt someone I thought was special. I... I was the one who broke the little girl's doll and I haven't had the chance to say sorry." Humugot ito ng malalim na hininga. "I always find it hard to say I'm sorry."

There were soft whispers, may ilang napabuntong-hininga, na-touch sa sinabi ni Gino. Ilang beses na napakurap-kurap si Mushroom dahil sa panghahapdi ng mga mata. Kataka-takang no-comment ang mga boys. Nagpalakpakan lang ang lahat nang bumalik na si Gino sa upuan nito. Lahat nagtatanong, kamukha yata ni Mushroom ang batang babae? Pinamulahan siya ng mukha. Lalo pa't halos lahat ay tumititig sa painting tapos sa kanya, at sa painting ulit.

As Long As ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon