CHAPTER 4: As Long As Forever

629 27 0
                                    


HINDI niya kinibo si Gino sa meeting nila. Pero ganoon naman talaga parati. Sobrang taas ng energy nito, parang hindi mauubusan ng ideya at kalokohan. Hanggang ngayon nagtataka pa rin siya kung bakit maraming kaibigan si Gino. They all say he's easy to be with na kahit kailan hindi niya naranasan. Gino is the most difficult person to handle. She just can't understand how people think he's a nice guy when he's really not. Naging number one senator ito ng campus dahil lahat ng estudyante, gusto ito. At halos lahat ng teachers ka-close nito. How could they be fond of him? It's too ridiculous! Ilang saglit pa'y nakapag-set na sila ng committees. Too bad, magkasama sila ni Gino. Napagkasunduan ng lahat na silang dalawa ang gawing official hosts all through out the week. Napabuntong-hininga siya. She'll go through hell again.

NANG matapos ang meeting, nagpunta siya sa gym. Nagtext si Dinah sa kanya, nasa loob na sila ni Betchy. Dinig niya ang ingay habang papasok pa lang siya. Nagulat siya nang makitang maraming nanonood. Napatingin siya sa basketball court, kasalukuyang nagdi-dribble si Michael. Pawisan ito pero ang gwapo pa rin. Kinawayan siya nito nang makita siya. Gumanti din siya ng kaway. Kita niya ang pag-ismid at pagtaas ng kilay ng mga girls na naroon, lalong-lalo na ng cheering squad. At lalong-lalo na ng cheerleader. Humugot siya ng malalim na hininga at kunwa'y hindi niya napansin ang mga ito at hinanap ng mga mata sina Betchy at Dinah.

"Mushroom!"

Nakita niya ang dalawang kumakaway sa kanang bahagi ng gym, may dalang pompoms pa ang dalawa. Mabilis na tinungo niya ang mga kaibigan.

"Sa'yo na 'tong isa," ani Betchy nang makalapit siya.

"O di ba, todo support kami sa bagong crush namin," hyper na sabi ni Dinah. Napasigaw ito nang maagaw ni Michael ang bola mula sa kalaban. Napatayo siya bigla at napapalakpak sabay sigaw, "Go Michael!"

Nang mapalingon siya sa nga kaibiga'y mataman siyang pinagmamasdan ng mga ito. "Ano?"

"Hindi ka masyadong halata, Mush."

Umingos siya. "Lahat ng tao ngachi-cheer kay Michael."
Kumabog ang puso niya nang lapitan sila ng binata.

"Thanks for being here, Mushroom," anito. "It means a lot to me." Pagkuwa'y napatingin din ito kina Dinah at Betchy. "Thanks for coming girls." Saka muling bumalik sa laro.
Pakiramdam niya'y namumula siya. Lalo pa't halos lahat ng mata ay nakatuon sa kanya.

"Oh my... All the girls look at us with envy!" bulong ni Betchy.

Kinurot siya ni Dinah. "You look sick. Pulang-pula ka."

"Baka allergic siya kay Michael." anaman ni Betchy saka sabay na nagkatawanan ang dalawa.

"Ano'ng mabisa nating antihistamine niyan?"

"Tigilan n'yo nga ako," aniya at itinuon ang pansin sa laro.

Bigla'y umingay ang paligid. Isang grupo ang papasok sa gym at malayo pa lang dinig na ang halakhakan ng mga ito. Napakunot ang noo ni Mushroom. Some people just suck. Nagulat siya nang mapagsino ang grupong iyon, it's Gino and the rest of the boys in the council including their president. Napatingin ang ilang girls sa mga ito. Ayaw man niyang aminin, they are campus personalities, kasali si Gino. At maraming humahanga sa mga ito pati na sa college department.

Pumuwesto ang mga ito sa kabilang bahagi ng gym, nakaharap sa kanila.

"Ang guwapooo naman-"

Tumikhim siya nang marinig ang boses ni Dinah. For sure, she's checking out Gino.

"-ni Michael," anito pero nakatingin kay Gino. Umiling lang siya. Pilit niyang itinuon ang atensyon sa laro at hiniling na sana'y hindi siya makita ng kababata. Pero hindi siya maka-concentrate dahil sa ingay ng grupong bagong dating. They have drawn a lot of attention and all the girls laugh out everytime Gino says something. Bumangon ang inis sa dibdib niya lalo na nang biglang madulas si Michael at ginaya iyon ni Gino. Bigla'y parang uminit ang ulo ng lahat ng tao sa paligid. Napansin niyang seryoso ang mukha ni Michael habang naglalaro.

As Long As ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon