MABILIS siyang nagmartsa palayo roon. Biglang umusbong ang matinding emosyon na ngayon lang niya naramdaman buong buhay niya.
Nasalubong niya ulit si Michael. Pakiramdam niya'y nakahanap siya ng kakampi."Hey, are you okay?"
"No," halos hindi iyon kumawala sa bibig. Naramdaman niya ang mainit na likidong nagbabantang pumatak sa mga mata niya.
"I want to get out of here," desperado niyang sabi.
"Calm down, Mush." anitong bumadha ang pagtataka sa mukha.
"I wanna go home." aniyang hindi na napigilan ang pagpatak ng luha
Tinitigan siya ni Michael saka hinila siya sa bisig nito. "Tell me what happened."
"I want to g-go home," ulit niya. Saka lang niya namalayang humihikbi na pala siya nang aluin siya ni Michael. Dagli niyang pinahid ang luha. Bakit ba siya umiiyak? Pero tila sasabog ang dibdib niya. Pinilit niyang kalmahin ang sarili bago pa man makatawag sila ng pansin.
"Very nice," sarkastiko ang boses na iyon sa likuran niya. Pakiramdam niya'y nanlamig ang buong katawan niya. Lumingon siya't inaasahang makita ang madilim na mukha ni Gino. But he looked wounded. Like he's going to cry. And suddenly she felt guilty being with Michael when she souldn't be!
"I've seen nicer," she snapped back when she remembered him kissing with Melody. Pumikit siya ng mariin para mawala ang gunitang iyon. "I want to go home," aniyang bahagyang pumiyok ang boses. Alam niyang may partner si Michael kaya hindi siya nito maihahatid. Poor Michael, he never knew his date was kissing her date. "I have to leave," aniya rito.
"Are you sure, you're okay?" anitong hinawakan ang kamay niya. Tumango siya. Saka nagmartsa patungo sa parking lot. Kinailangan niyang itaas ang gown para hindi iyon masira. Wala siyang pakialam kung nakasunod si Gino o hindi. Gusto na niyang umuwi!
Naramdaman niyang nakasunod ang kababata. She could hear him cursing under his breath. But the hell she cared!
"What was that?" galit na sabi nito at hinawakan ang braso niya. Pumiksi siya.
"What did you think?"
"Huwag mo akong sasagutin ng tanong." mariing sabi nito.
"Then don't ask me!" asik niya. "I want to go home!" aniyang nagpapadyak.
"At least tell me what's going on," tila desperadong sabi nito. Nasabunot nito ang sariling buhok. "We had a good night, Mush. Let's not end it this way."
"It should have never started, Gino." aniyang pigil-pigil ang sariling maiyak. Gusto niyang sumabog sa sakit na nararamdaman ng dibdib. Gusto niyang magwala dahil hindi niya maintindihan kung bakit siya nasasaktan. "You should have never asked me to be your partner! I didn't want to be in this prom!" sigaw niya.
Natigilan ito. "Because of that Michael? Huh?"
Gusto niyang tumawa. How could Gino be so damn clueless? Hindi niya ito tiningnan. Itinaas niya ang kamay sa pagmumukha nito to say - SHUT UP.
"I said I want to go home" aniya, bakas pa rin ang galit sa tinig nang hindi man lang tuminag si Gino para buksan ang sasakyan.
Tinitigan siya nito. "Tell me what has gone wrong."
"You're smart Gino, figure it out. Pero ihatid mo na muna ako, pwede?" ngawit na ang mga kamay niya sa kakahawak ng gown.
Nahilamos nito ang dalawang kamay. "I just went to the bathroom. Pagbalik ko, nagyayakapan na kayo ng Amboy mo. At sinisigawan mo ako. What exactly has gone wrong?" Napabuntong-hininga ito. "If you wanted to dance with your Amboy, it's fine with me."
BINABASA MO ANG
As Long As Forever
RomanceNothing can make Mushroom happier than to see Gino out of her life. Simula nang magka-isip siya hindi niya maalalang naging masaya siya sa tuwing nariyan ang kababata. He always makes her day worst of all worsts. Wala siyang ibang nararamdaman para...