CHAPTER 14: As Long As Forever

537 28 0
                                    

NAALIMPUNGATAN ni Mushroom ang tunog ng ringing tone niya. Ibinaon niya ang ulo sa ilalim ng unan. Pero walang tigil ang pag-ring ng cellphone niya. Pikit ang mga matang kinapa niya iyon sa bedside table.

"Hello?" inaantok na sabi niya.

"Omigosh! Mushroom, hindi ka pa ba gising?" gulat na sabi ng kabilang linya.

Ibinaon ni Mushroom ang ulo sa unan. "Maaga pa, Dinah." reklamo niya.

"It's eight-thirty already! Tanghali na, Miss VP! Pagagalitan ka na niyan ng Daddy mo!"

"May lunch meeting ako, Dinah." tinatamad niyang sabi. Mangani-nganing bitiwan niya ang telepono. Madaling-araw na siyang natapos sa paperworks sa opisina. Simula nang umupo siya bilang vice-president ng kumpanya nila'y papaunti nang papaunti ang tulog niya. She wants to impress her dad everyday. And she only felt fulfilled in her work. Kaya pinag-iigihan niyang mabuti. "Importante ba 'to?"

Biglang itong tumili. Muntik na niyang maitapon ang hawak. "I have good news!"

"Dinah, tulog pa ako," ungol niya't akmang ilalapag ang cellphone kahit na nasa kabilang linya pa ang kaibigan.

"Wait! Wait! Huwag na huwag mo akong bababaan," dinig niyang sigaw nito. Wala siyang nagawa kundi ibalik iyon sa tenga niya. "That should be important," banta niya.

"Of course it is! May high school reunion tayo sa resthouse nina Betchy at Louie this weekend. Pupunta tayo!" excited na sabi nito.

Mariing ipinikit ni Mushroom ang mga mata. Ayaw niyang mawala ang antok niya.

"Last week mo pa sinasabi sa akin yan, Dinah." aniyang hindi mapigilan ang inis sa boses. Since last month, palagi nitong ipinapaalala sa kanya ang batch reunion nila every week.

"But you're still undecided."

"I've already decided. Hindi ako pupunta."

"You are coming!" pagpupumilit nito sa desperadang tono. "It's gonna be great, Mush. Fifty percent said yes, and you're included in that."

"No, I'm not coming," pinal na sabi niya at pinindot ang end button. Napapikit siya ulit pero nawala na ang antok niya. Ang galing talaga ni Dinah manggising. Ibinaon niya ang ulo sa unan pero ayaw na talagang bumalik ng antok niya. Nagpasya siyang bumangon na at maligo. Nang maisip niya ang lunch meeting ay nabuhayan siya ng loob. She's going to close that deal with Mr. Co today. She's positive with that.

"YOU'RE GOING, MUSHROOM, AND YOU NEED TO ENJOY," anang Mommy niya. "It isn't good giving up your friends over your work. You should know that." Sa tono ng pananalita nito alam niyang nalaman nito mula kay Dinah ang nalalapit na reunion nila. Talagang makukurot niya ang kaibigan sa singit.

"Mom-" She was about to announce that her meeting with Mr. Co was a success. Hindi biro ang magkaroon ng share sa isa sa pinakamalaking business firm ng bansa, ang Co Incorporated. Pero sinalubong kaagad siya ng sermon ng ina.

"I agree, hija," anaman ng Daddy niya. "I am about to regret giving you the Vice Presidency because it's eating all of you. Go out and socialize."

"Dad-"

Pero hindi siya uli pinagsalita ng Mommy niya. "You've been overdoing it, Mushroom. I can't even remember the last time you went out with your friends. You're not even dating. We did not raise you up to be a hermit."

"I'm happy with my job. I'm enjoying every minute of it. C'mon, Mom, there will be a lot of reunions. Pwede kong ipagpaliban iyan kesa sa trabaho ko."

"No one's going to work on weekends," paalala ng Daddy niya.

Mataman siyang tiningnan ng ina saka napabuntong-hininga ito. "Mushroom, I'm serious, you need to have fun. It will be nice renewing old ties, believe me. You'll be happy once you're there."

As Long As ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon