CHAPTER 20: As Long As Forever

629 32 0
                                    

MUSHROOM woke up with a smile. She did her usual early morning routine. But something's strange in what she was used to do. She's humming a tune. Bagay na hindi niya ginagawa. But she felt good. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. And she found herself uttering a prayer of thanksgiving. Because for the first time in a long long time, her morning is filled with happiness her heart could almost burst with it. And the reason was clear. Gino... Kumislot ang puso niya nang maisip ang kababata. Hindi niya mapigilan ang sariling reaksyon sa tuwing kaharap niya ito. She felt like a school girl unsure of what to do. Gino could make her melt with just a stare. And he takes her breath away whenever he looks at her intently in the eyes. He could turn all her Nos into Yeses. He just invaded her what used to be cold and gray world and filled it with sunshine which made her see all the colors she wasn't able to see for a long long time. In a short period of time, after she gave him the chance, she felt like Gino occupied a great space in her life that she doesn't want to be emptied again.

Though there were times when fear crept over her. Natatakot siyang masaktan ulit... Dahil alam niyang kapag nangyari iyon, hindi niya alam kung papaano kakayanin ang sakit. She loves Gino. She loves him now more than ever. And she keeps falling in love with him every single moment of everyday. But she can't fully trust him. Dahil maraming agam-agam ang nasa dibdib niya. She has to know what happened in those ten years. Maging ano man iyon, pipilitin niyang maunawaan. At kahit gaano pa kasakit, pipilitin niyang magpatawad. Pero kailangan niya munang malaman ang lahat, para makapagsimula sila ulit. Kailangan niyang malaman ang lahat para alam niya kung saan siya lulugar... at sa kung paanong paraan maipagkakatiwala niya ang puso niya rito.

"GOOD MORNING, HIJA!" masayang bati ng Mommy't Daddy niya nang mabungaran niya ang mga itong nag-aalmusal.

"Good morning!" aniyang nilapitan ang mga ito at kinintalan ng halik sa pisngi.

"Good morning, Mush," anaman ni Gino na abala sa paghahanda ng mesa. Bahagya itong nag-angat ng tingin at nginitian siya. He looked so neat and fresh. And so so handsome... She felt butterflies roaming in her stomach again. Nakasuot ito ng apron. Kinikiliti ang puso niyang di niya mawari. He is so at home. Na para bang kasing natural ng pagkakaroon ng sandok sa kusina nila ang presensiya nito sa bahay nila. At gaya ng dati, tila mas kabisado nito ang bahay nila kesa sa kanya.

"Kiss ko?" ungot nito. Napatingin siya sa mga magulang na nagkunwang walang naririnig. Patuloy lang na nagbabasa ng newspaper ang Daddy niya't patuloy namang kumakain ang mommy niya. Pero parehong nakangiti. Pinandilatan niya ang kababata dahil nagsisimula siyang mamula.

"Maya na lang," anitong ngumiti. "Kain ka na."

"I don't eat breakfast," aniya.

Nailagay nito ang daliri sa baba, tila matamang nag-iisip pakuwa'y napapitik. "Why don't you eat for a change?" anitong tila napakagandang ideya ang naisip. Hindi pa man siya nakakasagot ay sinimulan na nitong lagyan ng toasted bread, bacon, at itlog ang plato niya.

"Oo nga naman, hija. Hinanda iyan ni Gino para sa'yo." Anaman ng Mommy niya.

"Please?" ani Gino.

She really doesn't eat during breakfast. But for the first time, she wanted to. Kaya naupo na siya. Kita ng sulok ng mga mata niya nang magtinginan ang mga magulang niya't lihim na nagngitian.

"Mom, Dad..." ungol niya. "Stop that."

"What?" patay-malisyang tanong ng mga ito.

"Wala," aniya at nagsimulang kumain. Noong una'y asiwa siya dahil inaasikaso siya masyado ni Gino. Kulang na lang subuan siya. But he's doing it like he had always done it. Natural na natural ang kilos nito. Ni hindi nahihiya sa mga magulang niya na magpakita ng sweetness sa kanya. Kaya unti-unting nawala ang pagka-asiwa niya. Pinilit niyang magconcentrate sa pagkain pero panay tahimik na hagikgikan ng mga magulang. At hindi nakaligtas sa tainga nila ang pinag-uusapan nito-kung ano ang magiging unang apo nila, babae kaya o lalaki, kung kanino magiging kamukha kung kay Gino o sa kanya.

As Long As ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon