CHAPTER 22: As Long As Forever

630 30 0
                                    

KANINA pa siya nakahiga sa kama, nakatitig sa kumikinang na singsing sa daliri niya. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya habang inaalala ang mukha ni Gino habang inaalok siya nitong magpakasal. She's just so happy she can't help but smile. She felt like she's going crazy but she is just so happy. She felt so light she could fly. She's engaged! She's getting married soon! Napayakap siya ng mahigpit sa unan pigil ang sariling kiligin. She bet everyone else is asleep while she is feeling so high.

Tonight, her heart is opened to a deeper truth. Gino loves her so much... Maybe more than so much. And until this very moment, her eyes still get misty, lalo na kung naalala niya ang painting na ginawa nito para sa kanya. No other man has ever made her feel this special, only Gino. Hindi niya alam kung sa kung anong paraan niya masusuklian ang pagmamahal nito. She couldn't paint. She couldn't compose a song. She isn't gifted with any talent at all. Mahusay siyang magpalago ng negosyo, iyon lang. She can't think of ways how to show Gino that she loves him so. But she will make sure that the days they will have together will be memorable. She loves Gino so much. And she will love him more.

She found herself thanking God over and over again for the happiness she felt in her heart. The long wait is over. Her painful days have ended. God heard her prayers. She is finally together with the only person she loves and they are getting married! Nakangiting napatitig ulit siya sa daliri. The diamond ring sparkled and the silver ring shone as she took a closer look. She's still wearing the silver ring Gino gave her ten years ago. Both rings are beautiful. Both are special. Both holds something in her heart. Because Gino gave it to her... Because along with the rings, are promises of love which will soon be fulfilled.

KINABUKASAN, nagtataka siya pagising nang hindi makita si Gino. Sabi ng Mommy niya, baka daw pagod kagabi. Naisip niyang sumabay na lang sa Daddy niya para mahaba-haba ang pamamahinga nito. Matapos mag-agahan, hindi pa rin ito nagigising kaya kumatok siya sa silid nito para magpaalam. She can't seem to start her day without seeing him. Nang walang sumasagot binuksan niya iyon.

"Hindi mo ba ako ihahatid?" aniya rito. Nakatalukbong pa rin ito ng kumot, nakatalikod sa kanya. Lumapit siya rito't naupo sa gilid ng kama nito. "Good morning, Mister Driver, male-late na po ako kung hindi kayo babangon ngayon."

Bahagya itong nag-unat saka pumihit paharap sa kanya. Kinusot pa nito ang mga mata at bahagyang inayos ang magulong buhok. Mushroom smiled. Gino still has his boyish habits which makes him look cute.

"Good morning," matamlay na bati nito sa kanya saka inilibot ang braso nito sa bewang niya. "Masama 'ata pakiramdam ko."

Sinalat niya ang noo nito. "Okay ka naman ah."

Pero hindi ito kumibo. Muling napapapikit.

"Sasabay na lang ako kay Daddy. Maaga naman siya ngayon," aniya. Pero hindi niya maiwasan ang panghihinayang sa tinig. "Pero ngayon lang ito ha, hindi porke't sinagot kita eh hindi mo na ako ihahatid."

Napadilat ito sa sinabi niya, saka napangiti. Dahan-dahan itong bumangon saka pinisil ang ilong niya. Saka tinitigan siya nito na para bang may gustong sabihin na hindi alam kung papaano sisimulan. "I'm sorry, Mush," pagkuwa'y seryosong sabi nito.

Tumaas ang kilay niya. Para bang ang laki ng kasalanan nito. "Huwag ka ngang OA. Sinasabi ko lang para hindi ka mamihasa," aniyang gumanti ng pisil sa ilong nito. "Sige na, balik ka ng tulog para masundo mo ako mamaya."

Ipinaloob siya nito sa matipunong braso nito at inihimlay ang baba nito sa balikat niya. Niyakap siya nito. Matagal. Mahigpit. "Mag-iingat ka," usal nito saka pinakawalan siya.

Nagtatakang tinitigan niya si Gino. "May problema ba?" aniya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng lungkot na hindi niya alam kung saan nagmumula.

As Long As ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon