IT should've been a usual morning. Nasa garden siya, nagtatanggal ng ligaw na damo pero wala doon ang isip niya. Gusto lang niyang may magawa sa labas dahil parang hindi siya makahinga sa loob ng bahay. What made the day unusual is the fact that any moment, the house next door is gonna be emptied once again. Aalis na ang mga Nazareno at tuluyan ng maninirahan sa States. May karatulang FOR SALE sa gate ng mga ito. And it reminds her of the pain she's been feeling since the day she knew they'll be leaving. Halos hindi siya nakatulog kagabi sa dami ng iniisip niya. Nagtatalo ang loob kung kakausapin ba ang kababata sa huling pagkakataon o hayaan na lamang itong umalis nang hindi sila nag-uusap ng matino. Pero wala siyang lakas ng loob na harapin ito. At mas lalong wala siyang lakas ng loob na harapin ang sakit na pilit niyang iniiwasan. She doesn't want them to leave. She doesn't want Gino to leave. Ipinagdasal niya na sana bukas pagising niya'y bumalik sa normal ang lahat. Na hindi mangyayari ang nangyayari ngayon. Pero ganoon pa rin pagising niya. At muli, naramdaman niya ang sakit sa dibdib.
Natigil siya sa ginagawa nang may boses na narinig sa kabilang bakuran. Si Gino iyon, karga-karga ang alaga nitong itim na pusa na si Snowhite. Kaagad siyang nagkubli. Nakita niyang pinasadahan nito ng tingin ang bakuran nila at pabagsak na naupo nang walang mahagilap ang tingin.
"Wala na naman, Snowhite," anitong napabuntong-hininga. "Nagiging tamad na yata ang kapitbahay natin?" anitong kinakausap ang alaga. Gusto niyang tumayo at batuhin ito ng maliit na shovel na hawak. Tinawag siyang tamad? Pero nanatili siyang nakakubli sa likod ng malaking gumamela nila.
"Aalis na ako mamaya." anitong bakas ang lungkot sa tinig. "Sayang at hindi na kita makakasama pa ng matagal. Kung pwede nga lang isasama kita kaso hindi naman pwede."
Lumabo ang mga mata ni Mushroom. Humapdi ang lalamunan niya sabay pananakit ng ilong. Ilang beses siyang napakurap para hindi matuloy ang pag-iyak. Maiiwan pala si Snowhite... She felt so sad. She felt pity for those who will be left behind. Though hindi niya matukoy kung naaawa ba siya sa pusa o sa sarili niya. Dahil alam niya ang pakiramdam ng maiiwan. At kung talagang dadamdamin niya kung gaano kasakit, it surely would kill her.
"I'm gonna miss you and I don't know how to deal with it."
Nang silipin ni Mushroom ang kababata'y marahas nitong pinahid ang pisngi. Something pinched her heart. Bigla'y gusto niyang tumayo para aluin ito.
"Be strong. Be strong. Hindi tayo iiyak, Snowhite." Kinuha nito ang kamay ng alaga at itinapat sa noo nito. "Yes, Sir!" boses pusa na sagot nito. At hinimas ang ulo ni Snowhite. "Good cat." Pagkuwa'y tumawa. Tinakpan ni Mushroom ang sariling bibig. Naluluha siya na natatawa. Pero mas naluha siya kesa natawa dahil isa iyon sa mami-miss niya kay Gino. Ang pagiging baliw nito.
"Hirap pala ng ganito," anitong napabuntong-hininga. Saka pinaharap nito ang alaga at matamang tinitigan. "Mami-miss kita ng sobra-sobra. Mami-miss ko ang boses mo, ang panliliit ng mata mo kapag napipikon, ang pag-angat ng kilay mo kapag nagtataray, ang pamumula ng buong mukha mo kapag nagagalit, at, ano pa ba," Bigla itong natawa. " Ang Omigosh, Omigosh mo! Oo, pati pagiging maarte mo mami-miss ko din."
Hindi niya napigilan ang pag-angat ng kilay. Parang hindi na para kay Snowhite ang sinasabi nito dahil ni minsan hindi niya narinig si Snowhite na nag-o-omigosh! And what did he just say? Tinawag siyang maarte? Gusto niyang barahin ito pero alam niyang pipiyok lang ang boses niya. Was Gino talking about her all the while? "I'm gonna miss you and I don't know how to deal with it." Para rin ba sa kanya iyon?
"Pati din ang pagpipigil mong matawa, one of a kind. Ikaw lang ang may ganyang kapangyarihan sa lahat," dagdag nito na nangiti. Pagkuwa'y tila hindi mapigilan, bumunghalit ito ng tawa at napahawak sa tiyan. Napapahid ito sa gilid ng mata nang matapos ang tawa nito. "Yeah... you're really one of a kind. At ano pa ba," anitong napahawak sa sentido saka nangiti. "Yang pagkalukot-lukot na mukha mo sa tuwing magkasabay tayo sa pag-uwi, seriously, gusto kong ipaplantsa ka kay Yaya. Saka yang sigaw at tili mo na hindi ko alam kung totoo ba talaga o arte lang, mamimiss ko din. Pati ang pangungurot at pangangalmot mo, which made me think several times na pahiramin ka ng nailcutter dahil nakakatuklap ng balat yang kuko mo, ang paghampas mo sa akin, ang pagbato mo ng kung anu-ano, ang pagsampal, sabunot, whatever, pati pagbasa mo sakin ng tubig kahit na ayokong maligo, in short, sa ilang beses na pagtatangka mo sa buhay ko, mamimiss ko yun nga sobra-sobra."
BINABASA MO ANG
As Long As Forever
RomanceNothing can make Mushroom happier than to see Gino out of her life. Simula nang magka-isip siya hindi niya maalalang naging masaya siya sa tuwing nariyan ang kababata. He always makes her day worst of all worsts. Wala siyang ibang nararamdaman para...