LOUISE'S POV
"I'm sorry?" - Billy to Reporter No. 7
"Are you courting a girl named Louise Perez?" tanong ulit ng Reporter No. 7. Waaaaaaaa! Ako nga.
Tinignan ko si Billy.
O___O
*dug dug dug*
Waaaaaa! Nakatingin siya sakin. Nagtama ang mga mata namin. At ito namang puso ko, tumitibok. What is happening to me?
Nakita ko namang huminga ng malalim si Billy.
"No, she's just my friend." sagot ni Billy. Parang nalungkot ako sa sagot niya. Hindi ko nga alam kung bakit.
(Nag-aasume ka na oo ang isasagot ni Billy sa press.)
Hoy hindi noh.
(Eh bakit malungkot ka sa sagot ni Billy?)
Eh yun ang nandun sa script na binigay mo sakin eh. Sinusunod ko lang yung nasa script.
(Anong script ang pinagsasabi mo diyan? Wala naman akong binigay na script sayo hah.)
Si Author talaga. Akala ko ba magkakampi tayo? Back to story na nga.
Nagpro-promote na ngayon ang tatlong hunks with Ugly Duckling—este Princess sa upcoming movie nila.
Pagkatapos ng press conference ay nagkaroon sila ng konting picture taking.
"Louise, come here. Sumama ka na sa picture taking." sabi sakin ng manager ng tatlong hunks. Tatanggi sana ako kaso hinila naman ako ng manager ng tatlong hunks kaya napasali ako sa picture taking.
Pagkatapos ng picture taking ay napagdesisyunan naming pumunta sa Dyosa's Foodspot upang mag celebrate para sa upcoming movie ng tatlong hunks at ni *ehem* Princess. Syempre, naka-disguise yung tatlong hunks at si Princess para hindi sila ma-recognize ng mga tao rito.
"Congrations sa inyong tatlo. Cheers!" sabi ng manager ng tatlong hunks sabay taas ng isang baso na may iced tea. Tinaas din namin ang baso ng iced tea namin.
Pagkatapos naming kumain sa Dyosa's Foodspot ay umuwi na rin kami. Magpapahatid nga sana si Princess kay Billy pero hindi siya pinansin ni Billy at sinungitan lang siya nito.
"Hay thank God." sabi ko sabay upo sa sofa.
"Napagod ka ba Louise?" nag-aalalang tanong sakin ni James.
"Medyo." sagot ko na lang kay James kahit na pagod na pagod na ako.
"HOY! MAGLUTO KA NA NG HAPUNAN NAMIN." sigaw sakin ni Billy. Ang sakit sa tenga nun hah.
"Katatapos lang nating kumain sa Dyosa's Foodspot tapos magpapaluto ka sakin?" pagrereklamo ko sa kanya. Nagugutom pa rin siya?
"Marunong ka na pa lang magreklamo. Hoy! Wag kang feeling prinsesa rito. Tandaan mong maid ka rito at kailangan mong sundin ang mga utos namin." galit na sabi sakin ni Billy. Ano ba ang pinagsasabi nito? Alam ko namang maid nila ako pero bakit niya pinagmumukha sakin yun?
"Whoa brad. Chill ka lang." sabi ni Fredison sabay hawak sa balikat ni Billy at minasahe niya ito.
"Tsk." ang nasabi na lang ni Billy. Nakakainis talaga siya. Bakit ganun siya sakin? Wala naman akong ginawang hindi maganda sa kanya hah.
"Pagpasensyahan mo na si Billy hah. Sawi yan sa pag-ibig kaya masungit." bulong sakin ni James. Ha? Si Billy? Sawi sa pag-ibig?
"May naging girlfriend na si Billy?" bulong na tanong ko kay James.
"HOY! ANO ANG PINAG-UUSAPAN NIYO DIYAN? AT PWEDE BA, MAGLUTO KA NA! GUTOM NA AKO." sigaw sakin ni Billy. Haaay! Makapagluto na nga.
Pumunta ako sa kusina para magluto. Since busog na kami nina Fredison at James ay konti lang ang sinaing kong bigas. Nagluto rin ako ng paboritong adobong baboy ni Billy.
Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko si Monster—este si Billy.
"HOY! NAKAHAIN NA ANG PAGKAIN MO." sigaw ko kay Billy. Syempre joke lang. Hindi ko yun sinabi noh. May respeto pa rin ako sa kanya kahit na monster siya.
"Nakahain na po ang pagkain niyo Sir Billy." sabi ko kahit labag 'to sa kalooban ko.
"Don't call me Sir Billy." sabi niya sakin. Che! Nasusuka nga akong tawagin kang Sir Billy eh.
"Call me master." dugtong niya. Anoooooo? I will call him master? Mas nakakasuka pa yun.
"Sige po monster—este master." sarcastic kong sabi sa kanya. Nakakainis talaga siya.
"Anong monster ka diyan. Sa gwapo kong 'to." sabi niya sabay kindat sakin. Yabang.
**********
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]
Teen FictionSerenader 18: BILLY WILLIAMS