(22) #TMMTHTheManSheLoved

3K 118 1
                                    

LOUISE'S POV

Halos kalahating oras din nag-train si Ate Kathleen sa'kin kung paano maging isang beauty queen. Binigyan rin ako ni Ate Kathleen ng beauty tips para lagi raw akong maganda sa paningin ng mga boys.


"Dapat hindi ka lang every Friday magpapaganda Bes, dapat araw-araw na." sabi sa'kin ni Kate.


"Opo Bes." tugon ko kay Kate. Grabe, parehong-pareho talaga sila ng Ate niya. Kambal na nga sila, pareho pa sila ng hilig.


Hinatid ako ni Kate papuntang boarding house na tinitirahan ko.


"Okay Bes, goodnight." sabi sa'kin ni Kate.


"Goodnight din Bes." sabi ko naman sa kanya. Nagbeso kami ni Kate at umalis na siya. Pumasok na ako sa boarding house. 


Pagpasok ko sa boarding house ay nakita ko ang tatlong hunks na sumasayaw.


"O Louise, nandyan ka na pala. Okay ba ang sayaw namin?" tanong sa'kin ni James. Nag-thumbs up naman ako.


"Para saan yan?" nagtatakang tanong ko.


"Para sa gaganaping Miss DGUP 2016. Sa talent portion mo. Kami ang back-up dancers mo." nakangiting sabi sa'kin ni Fredison. Oo nga pala, wala pa pala akong talent portion.


"Wow!" manghang sabi ko. Nakaka-excite naman 'to. May back-up dancers ako at saktong sayaw pa talaga ang talent na napili nila para sakin. One of my favorite things to do.


"Okay lang ba?" tanong sa'kin ni Fredison.


"Oo naman, thank you Fredison." masayang sabi ko sa kanya. Dahil sa sobrang saya ko ngayon ay nayakap ko bigla si Fredison. Bumitaw naman agad ako.


"Sorry." nahihiyang sabi ko kay Fredison.


"Okay lang yun. Manliligaw mo naman ako kaya okay lang sakin na yumakap ka anytime, anywhere." nakangiting sabi ni Fredison sabay kindat sa'kin.


"Sira." ang nasabi ko na lang sa kanya.


"Grabe, nakakapagod." biglang sabi ni Billy the Monster.


I'm sorry


I'm sorry


I'm sorry


I'm sorry


Waaaaaaaa! Naalala ko na naman yung pag-sorry niya sakin.


"Okay ka lang ba Louise? Ba't namumula ka?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Fredison sakin sabay hawak sa noo ko.


"Wala ka namang sakit hah." - Fredison


"O-okay lang ako. Sige, magluluto na ako ng hapunan." sabi ko sabay takbo papuntang kusina.


I'm sorry


I'm sorry


I'm sorry


Ano ba! Umalis ka na sa isip ko monster ka.


KATE'S POV

"Nahatid mo na ba yung bestfriend mo, Kambal?" nakangiting tanong sa'kin ni Ate.


"Oo Ate." sagot ko sa kanya.


"Don't call me Ate nga. Five minutes lang naman ang gap natin." sabi sa'kin ni Ate.


"Eh sa gusto kitang tawaging Ate eh." sabi ko kay Ate. Hinug naman niya ako.


"Okay lang ba sa'yo na matalo ka sa Miss DGUP, Kate?" tanong sa'kin ni Ate.


"To be honest, napilitan lang naman ako sumali dun." sagot ko kay Ate.


"Sa'yo, okay lang. Paano naman yung mga classmates mo na todo support sa'yo? At malay mo, kung manalo ka. Ligawan ka na ng lalakeng matagal mo nang mahal. Ayieeeeeeee!" sabi sa'kin ni Ate na ikinamula ko.


"Ano ba Ate. Hindi niya ako magugustuhan noh kahit manalo pa ako." sabi ko kay Ate.


"Dahil na naman ba yan kay Princess the evil na yan?" tanong sakin ni Ate Kathleen. Tumango ako. Kaya nga hate na hate ko yang Princess na yan eh dahil inaakit niya ang lalakeng mahal ko.


"Sige na, magpahinga ka na. May pasok ka pa bukas." sabi sakin ni Ate. 


Umakyat na ako papuntang kwarto ko na punong-puno ng pictures ng lalakeng mahal ko. Dalawa ang kwarto ko rito sa bahay. Hindi ako nagpapapasok ng tao sa kwarto ko na puno ng pictures ng lalakeng mahal ko kahit na si Bes. Sa isa ko pang kwarto pwede silang pumasok.


Pagpasok ko ay humiga ako sa kama. 


Paghiga ko sa kama ay picture agad ng lalakeng mahal ko na topless ang nakita ko. Grabe, ang yummy talaga niya at ang gwapo pa. He's so perfect.

**********

Billy Williams: Hi ladies *wink*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Billy Williams: Hi ladies *wink*.

The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon