(45) #TMMTHCourting

2.4K 112 2
                                    

LOUISE'S POV

"Halika na Louise. Tumabi ka na sakin. Wala naman akong gagawing masama sayo." sabi sakin ni Billy.


"Ayoko nga." tugon ko sabay irap sa kanya.


"Ayaw mo talaga hah." sabi niya at nagulat ako nang bigla niya akong binuhat.


"WAAAAA! BILLY, IBABA MO AKO!" sigaw ko sa kanya. Hiniga niya ako sa kama. Tatayo na sana ako pero niyakap niya ako kaya hindi ako nakatayo.


"Matulog na tayo. Goodnight." sabi niya sakin. Naku! Mukhang hindi ako makakatulog nito.


- NEXT DAY -

'Ang lambot naman ng unan na 'to. At ang bango pa.' Sabi ko sa isip ko. 


Nakapikit pa rin ang mga mata ko. Niyakap ko pa lalo yung unan. Natatamad akong imulat ang aking mga mata.


Zzzzzzzzz...


- ONE HOUR LATER -

Nakaramdam ako bigla ng gutom. Yakap-yakap ko pa rin ang napakalambot kong unan. 


Dahil sa gutom ay inimulat ko ang aking mga mata at nagulat ako dahil yakap-yakap ko na pala si Billy. Gising siya at nakangiti.


"Good morning. Nasarapan ka ba sa pagyakap sakin?" nakangiting tanong niya sakin. Napabitaw ako bigla ng yakap at na-realize ko na hindi pala unan ang yakap-yakap ko kanina.


"WAAAAAAAA!" sigaw ko sabay takip sa mukha. Hindi ko na nakayanang tumakbo pa.


"Ano ba ang nangyayari sa'yo Louise? Kagabi ka pa nagkakaganyan." tanong sakin ni Billy. Mag-isip ka ng palusot Louise.


*ting*


"Eh kasi naman hindi ako sanay sa ginagawa natin ngayon. Yung magtatago tayo sa mga tao." sagot ko sa kanya. Hindi 'to palusot. Totoo 'tong sinabi ko.


"I see. You're not comfortable pero hindi naman tayo habangbuhay dito. We just need to wait na lumipas ang issue tungkol satin." sabi sakin ni Billy. Tumango na lang ako.


*mahabang katahimikan*


"Louise?" tawag sakin ni Billy.


"Yes?" tugon ko sa kanya.


"Can I court you?" tanong sakin ni Billy.


"Oo naman Billy. You can court me." wala sa sarili kong sagot.


"Talaga? Payag kang ligawan kita?" - Billy


"Oo."


WHAAAAAT? TINANONG NIYA AKO NA PWEDE SIYANG MANLIGAW SAKIN AT PUMAYAG AKO? HALA!


"Ah! H-hin..."


"Yes! Wala nang bawian hah." masayang sabi sakin ni Billy. Waaa! Ano ba 'tong ginawa ko?

**********

Ano ba yang si Louise? Padalos-dalos sa sinasabi niya. Paano na si Fredison ngayon?

The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon