LOUISE'S POV
Midnight na pero wala pa rin si Billy. Nasaan na kaya yun? Gabi na kasi. Correction, mag-uumaga na pala. Sana walang nangyaring masama sa kanya. Sana hindi siya kinidnap ng mga die hard fans niya.
"O, bakit hindi ka pa natutulog Louise?" tanong sa'kin ni James.
"Hinihintay ko pa kasi si Billy." sagot ko kay James.
"Hindi pa naka-uwi si Billy?" - James
"Hindi pa eh. Tapos kanina hindi siya pumasok. Saan kaya yun pumunta?" tanong ko.
"Baka nambababae yun." narinig kong sagot ni James.
Ano raw? Si Hubby ko? Nambababae?
Kalokohan.
Masasapak ko 'tong si James. Kung ano-ano ang sinasabi niya sa'kin tungkol kay Billy.
Pero paano kung totoo ang sinabi niya? Naisip ko na naman yung calling card na nakita ko kanina sa kwarto ni Billy.
Hindi Louise. Hindi nambababae ang hubby mo.
"Speaking of Billy, nandyan na siya." sabi ni James at may itinuro siya. Napatingin ako sa tinuturo niya at nakita ko si Billy na papalapit sa'min.
"Sorry wifey ko kung ngayon lang ako naka-uwi." sabi sa'kin ni Billy at hinalikan niya ako sa pisngi.
"Saan ka ba nagpunta? At bakit hindi ka pumasok kanina?" tanong ko sa kanya.
"Sige, matutulog na ako. Goodnight." wika ni Billy at umakyat na siya sa kwarto niya. Hindi ko na siya napigilan pa dahil inaantok na rin ako. Sayang hindi niya sinagot ang tanong ko.
- NEXT DAY -
Seven 'o clock na pero wala pa rin si Billy dito sa school. Akala ko kasi nandito na siya. Mas nauna kasi siyang pumasok kaysa sa'min.
"Good morning class." bati sa'min ng bago naming Prof na si Ma'am Nika.
"Good morning Prof Nika."
Nagsimula nang mag-discuss ang bago naming Prof. Nasaan na kaya si Billy? Hindi tuloy ako makapag-concentrate.
"Ayos ka lang ba Ms. Perez?" tanong sa'kin ni Prof Nika kaya bumalik ako sa huwisyo.
"Okay lang po ako Ma'am." sagot ko sa kanya.
📌
Pagkatapos ng morning classes namin ay wala pa rin si Billy.
"Bes, baka may pinuntahan lang yun kaya absent siya." sabi sa'kin ni Kate.
Naalala ko bigla ang sinabi sa'kin ni James kagabi.
"Baka nambababae yun."
Ano ba! Hindi yun magagawa ni Billy sa'kin. Bakit pa kasi sinabi sa'kin yun ni James? Yan tuloy, hindi na maalis sa isip ko kung nambababae ba talaga si Billy o hindi.
MABUTING KONSENSIYA: "Hindi nambababae ang hubby mo. Mahal ka niya kaya hindi niya yun magagawa sa'yo."
AUTHOR DYOSA (MASAMANG KONSENSIYA): "Nambababae ang hubby mo. Nakita ko siya sa isang restaurant na may kasamang ibang babae. May ebidensiya ako dahil ako ang Author ng story na 'to."
Waaaaaa! Ano ba ang susundin ko? Ang mabuting konsensiya o si Author Dyosa na laging epal sa istorya?
"Tinanong mo na ba si Sir Stevie?" tanong sa'kin ni Kate.
"Hindi eh dahil nakita kong nagtatalo sila kanina ni Ma'am Nika." sagot ko kay Kate. Dinaig pa nga nila ang mga estudyante kung mag-away.
"Wag kang mag-alala Louise. I'm sure he's fine." sabi sa'kin ni Kate.
AMBER'S POV
Gosh! Ang gwapo talaga ni Billy my baby sa personal. Ang swerte ko naman dahil masosolo ko siya.
Nandito kami ngayon sa isang mansyon na kung saan gaganapin ang monthsary ni Billy my baby at ng girlfriend niya. Kung sino man ang girlfriend ni Billy my baby ay ang swerte niya dahil meron siyang napaka-hot at napakagwapong boyfriend.
"Amber, ikuha mo nga ako ng juice." utos sa'kin ni Billy my loves. Biglang may pumasok na ideya sa isip ko.
*ting*
Alam ko na! Magpapakasaya muna ako kasama si Billy my baby. Sorry ka na lang girl dahil akin muna ngayon ang boyfriend mo.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng isang bote ng juice para kay Billy my baby. Bago ako bumalik sa sala ay nilagyan ko muna ito ng pampatulog.
"Ito na po ang juice niyo Sir Billy." sabi ko kay Billy my loves sabay abot sa kanya ang juice. Kinuha naman niya ang juice mula sa akin. Binuksan ni Billy my loves ang juice. Napatigil naman siya.
"Bukas na 'tong juice Amber." sabi sa'kin ni Billy my baby. Patay! Baka mahalata niya na may nilagay ako diyan sa juice.
Gumawa ako ng palusot.
"Binuksan ko po yan Sir Billy para hindi na po kayo mahirapan." pagdadahilan ko kay Billy my baby. Hindi niya pinansin ang palusot ko at ininom niya ang juice hanggang sa maubos.
I smiled in victory.
**********
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]
Teen FictionSerenader 18: BILLY WILLIAMS