(53) #TMMTHVisit

2K 101 0
                                    

LOUISE'S POV

- FIVE MONTHS LATER -

Limang buwan na rin ang nakalipas simula nang maging opisyal na ang panliligaw sa'kin ni Billy.


Kung ano-anong style ng panliligaw ang ginawa ni Billy para sa'kin.


Minsan nakakatuwa.


Minsan nakakakilig din.


Pero minsan ay nakakatawa. Lalo na yung sumayaw siya ng Bboom-bboom at Level Up sa harap ng maraming tao. Hahahaha! Nag-viral pa nga yun at naging dance craze pa. Hindi ko pa rin yun makalimutan hanggang ngayon.


Pero syempre, hindi ko pa siya sinasagot. Pero malapit na.


By the way, kasama ko ngayon sina Kate, Ate Kathleen, Kuya Tisoy, Fredison, James at si Billy sa presinto para bisitahin si Princess.


"Kumusta ka na Princess?" tanong ni Billy kay Princess.


"Ayos lang kahit nami-miss ko nang lumabas." malungkot na sagot ni Princess kay Billy. Pinatawad na rin ni Billy si Princess nang makalabas na siya sa hospital.


"Wag ka nang malungkot dahil isang buwan na lang ay makakalaya ka na." - Billy to Princess


"At isa pa, pinagluto ka namin ng pagkain. Kakain na rin kami dito para samahan ka." sabi ko naman kay Princess.


"Thanks Louise, isa ka talagang mabuting kaibigan." sabi sa'kin ni Princess. Medyo nagiging close na rin kami ni Princess at nakikita ko na ang friendly side niya.


"Kumain na tayo. Gutom na ako." narinig naming sabi ni James na ikinatawa namin.


"Magdasal muna tayo bago kumain." sabi sa'min ni Princess.


"Sige." pagsang-ayon ko.


"Ikaw na mag-lead Princess." sabi ni Billy sa kanya.


"Okay. In the name of the Father, of the Son, and the Holy Spirit. Amen." - Princess


Pagkatapos naming magdasal ay tsibugan na.


Hinanda na namin ni Kuya Tisoy ang pinggan.


"Ito Princess. Subukan mo 'tong niluto ko. Masarap yan." sabi ni Kuya Tisoy sabay lagay ng adobo sa plato ni Princess.


"Salamat." sabi ni Princess kay Kuya Tisoy.


"Teka, parang may naaamoy akong loveteam dito." sabi ni Kate habang nakatingin kina Princess at Kuya Tisoy. Nakita ko namang nag-blush silang dalawa.


"Uyy! Namumula sila sa kilig oh." sabi ko.


The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon