(58) #TMMTHPlanFailed

1.8K 98 0
                                    

BILLY'S POV

Tatlong araw na lang at monthsary na namin ni Louise. Sobrang excited na ako para sorpresahin siya.


"Ito na po ang juice niyo Sir Billy." sabi ni Amber sabay abot sa'kin ang isang bote ng juice. Kinuha ko naman ito sa kanya at binuksan ko ang bote ng juice. Nagtaka naman ako dahil parang bukas na yung bote ng juice na binigay sa'kin ni Amber.


"Binuksan ko po yan Sir Billy para hindi na po kayo mahirapan." sabi sa'kin ni Amber. Ganun ba? Tama nga ang pagpili ko sa kanya bilang organizer ng monthsary namin ni Louise. Ang bait talaga ni Amber.


Ininom ko ang juice hanggang sa maubos ko ito.


Ilang segundo ang nakalipas ay nakaramdam ako ng antok. Gusto kong pigilan ang antok pero hindi ko kaya.


Napahawak ako sa sentido ko.


AMBER'S POV

Napahawak si Billy my baby sa kanyang sentido. Mukhang effective ang pampatulog na inilagay ko sa juice niya.


"Ayos ka lang ba Sir Billy?" tanong ko sa kanya.


"Yeah. Medyo inaantok lang ako." sagot niya sa'kin.


"Magpahinga muna po kayo. Ako na po ang bahala dito."


Para magawa ko na ang plano ko sa'yo.


"Salamat Amber. Sige, magpapahinga muna ako." sabi sa'kin ni Billy my baby. Nakita ko namang nahihirapan siya sa paglalakad. This is it Amber. It's your move now.


Lumapit ako kay Billy my baby at inalayan ko siya sa paglakad. Hindi naman siya nanlaban at hinayaan niya lang akong tulungan siya.


LOUISE'S POV

Seven 'o clock na ng gabi pero wala pa rin si Billy.


MABUTING KONSENSIYA: "Hindi nambababae ang hubby mo. Mahal ka niya kaya hindi niya yun magagawa sa'yo."


AUTHOR DYOSA (MASAMANG KONSENSIYA): "Nambababae ang hubby mo. Nagtatalik na sila ngayon ng babae niya sa isang kwarto. May ebidensiya ako dahil ako ang Author ng story na 'to."


Punyetang Author ka! Hindi yun magagawa ni Billy sa'kin.

The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon