(61) #TMMTHHisPast

1.7K 92 0
                                    

LOUISE'S POV

Pagkatapos naming mag-lunch ni Billy ay dumiretso na kami sa next subject namin. Malapit na kasing mag-time.


Nang malapit na kami sa room namin ay nakita namin ang mga classmate namin na nasa labas pa.


"Teka, bakit hindi pa kayo pumapasok?" tanong ko sa mga classmates ko.


"Nag-aaway pa sa loob sina Sir Stevie at Ma'am Nika kaya hindi kami pumasok." sagot sa'kin ni Blossom. Nagkatinginan naman kami ni Billy at nagmadali kaming lumapit sa room.


Nang makalapit na kami ni Billy sa room ay nakita namin sina Sir Stevie at Ma'am Nika na nag-aaway na parang bata.


"Hindi ka lang abnormal! Pervert ka pa!" sigaw ni Ma'am Nika sabay bato ng eraser kay Sir Stevie. Naka-ilag naman si Sir Stevie.


"Tama na! Sorry na Nika." sabi ni Sir Stevie kay Ma'am Nika. Huminga naman nang malalim si Ma'am Nika.


"Pero may itatanong lang ako sa'yo." sabi ni Sir Stevie kay Ma'am Nika.


"Anong tanong mo sa'kin." - Ma'am Nika


"Ano ba ang cup size ng breast mo?" tanong ni Sir Stevie na ikinagulat ni Ma'am Nika. Oops! Hindi maganda 'to.


"PERVERT!" sigaw ni Ma'am Nika sabay kuha ng flower base sa mesa at ibinato niya yun kay Sir Stevie. Naka-ilag naman si Sir Stevie.


"Ngayon ko lang nakitang ganyan si Kuya Stevie." sabi sa'kin ni Billy.


"Ano ka ba hubby ko. Ganyan talaga yan kapag na-i-in love sila sa isa't-isa. Nag-aaway muna sila na parang aso't pusa pero sa bandang huli ay magkakatuluyan sila." sabi ko kay Billy.


"Mukhang may point ka wifey ko." pagsang-ayon sa'kin ni Billy. May bigla akong naalala.


"Pero curious lang ako. Paano mo kinamuhian noon si Sir Stevie? Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya ay mabait siya." tanong ko kay Billy. Natanong ko na 'to dati sa kanya. Pero hindi niya ito sinagot.


Naging seryoso bigla si Billy dahil sa tinanong ko. Parang may nasabi yata akong hindi maganda.


BILLY'S POV

Nagbago bigla ang mood ko dahil sa tanong ni Louise.


"May nasabi ba akong mali?" tanong niya sa'kin.


"You want to know the truth?" seryosong tanong ko sa kanya. Dahan-dahan naman siya tumango.


Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.


"Dahil sa isang babae." sagot ko kay Louise.


The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon