(32) #TMMTHMissDGUP2016Pt2

2.5K 126 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Go Princess Sy."


"Kateleen Keet for the win."


"Louise Perez all the way."


Samu't sari ang mga pambato ng mga tao para sa Miss DGUP 2016. Bago muna yan ay binigyan muna ng tribute ang Miss DGUP 2015 na si Diva Bacarra for her last day as Miss DGUP.


Pagkatapos nun ay nagkaroon ng dance number si Ms. Ella Cruz na sumayaw ng 'Twerk It Like Miley.' 


Then rumampa ulit ang Top 8 wearing their evening gown.


Unang rumampa ay si Princess Sy na suot ang red gown na may ribbon sa kaliwang balikat na gawa ng isang magaling na fashion designer. 


Sumunod naman ay si Kateleen Keet na suot ang isang yellow na gown na may mga makikinang na glitters na galing sa napakagaling niyang Ate slash kakambal na si Kathleen Keet.


Ang huling rumampa ay si Louise Perez na suot ang simple blue gown na akala mo ay kay Pia Wurtzbach. Ito ay regalo ng kanyang Prinsipe na si Fredison.


Pagkatapos ng huling rampa ay nagtipon ang Top 8 sa stage para sa results.


PRINCESS' POV

Kainis kang Louise ka! Porket sinusuportahan ka ng tatlong papa ko, ibig sabihin nun ay mananalo ka na. Tandaan mong mas maganda ako kaysa sa'yo. Isa akong artista kaya dapat ako ang hihiranging Miss DGUP 2016. Let see kung ano ang magiging reaksyon niya kung hindi siya nanalo at ako ang manalo.


KATE'S POV

Kahit na gusto ko manalo si Bes ay may bumabagabag sa isip ko na dapat ako ang manalo.


"Kate, dapat ikaw ang manalo. Malay mo kapag manalo ka ay magustuhan ka ni Billy na mahal na mahal mo talaga. That's a big opportunity for you. Mas isipin mo naman ang sarili mong kaligayahan kaysa sa kaligayahan ng iba. Go Kate."


Ano ba 'tong isip ko. Ano ba talaga? Hahayaan ko na lang ba manalo si Louise? Oo, mahal na mahal ko si Billy. Pero mahal ko rin ang bestfriend ko. Sino ang mas matimbang sa kanila, ang bestfriend ko o ang lalakeng mahal ko?


Tinignan ko naman si Billy sa audience. Kitang-kita kong tinititigan niya si Louise na may ngiti sa labi. Ang swerte naman ni Louise. Yung atensyon ng lalakeng mahal ko ay nasa kanya. Sana, siya na lang ako. Sana ako na lang si Louise para nasa akin ang atensyon ng lalakeng mahal ko.


LOUISE'S POV

"Our 2nd Runner Up of Miss DGUP 2016 is Candidate No..." - Emcee


Grabe, kinakabahan ako. May papikit-pikit pa akong nalalaman.


"Candidate No. 3, Princess Sy." - Emcee


Nakita ko naman si Princess na naglakad sa harap. May nagsuot sa kanya ng sash at binigyan siya ng boquet of flowers. Kumaway-kaway pa siya sa mga audience.


"Lets proceed to 1st Runner Up. Our 1st Runner Up of Miss DGUP 2016 is..." - Emcee


*tarararantantan*


"Candidate No. 6, Kateleen Keet." - Emcee


Ano ba yan! Sa tingin ko ay hindi ako mananalo nito. Pero sobrang saya ko dahil nanalo ang bestfriend ko bilang 1st Runner Up.


"This is it. Sino sa tingin niyo ang hihiranging Miss DGUP 2016?" - Emcee


Halo-halo ang sinasabi ng mga audience pero mas nangingibabaw ang sakin. Grabe, nakakakaba.


"Go Prinsesa ko." narinig ko bigla ang boses ng Prinsipe ko. Hinanap ko siya at nakita ko siyang nag-flying kiss sakin. Dahil sa flying kiss niya ay nawala yung kaba ko.


"Our Miss DGUP 2016 is..." - Emcee


Bahala na kung sino yung manalo. Kung ako man o hindi, basta ginawa ko yung best ko para manalo.


"Candidate No. 7, Louise Perez." - Emcee


Nagsigawan naman yung mga tao sa tuwa. Tama ba yung narinig ko?

**********

Congratulations Louise. Ikaw na, ikaw na ang maganda.

The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon