LOUISES' POV
"Teka, asan ako?" tanong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa paligid at nagulat ako sa suot ko.
O_____O
Naka-wedding gown ako?
Dun ko narealize kung nasaan ako. Nasa tapat ako ng simbahan. Teka, paano ako napadpad dito?
Hindi ko namalayan na lumalakad na pala ako papasok sa simbahan.
Pagpasok ko sa simbahan ay nagulat ako sa dami ng tao. Nakita ko si Kate na kumaway sakin. Teka, ano ba ang nangyayari?
Nakita ko naman sina Charisse at ang tita ko na nakangiti. What is happening?
Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang lalakeng nakatalikod.
*dug dug dug dug*
Waaaaaaa! Bakit ang lakas ng tibok ang puso ko?
Malapit na ako sa kanya. Bigla siyang lumingon sakin at nagulat ako nang makita ko ang mukha niya. Si Billy? Siya? Bakit nandito siya at ano ba talaga ang nangyayari? Don't tell me na ikakasal ako sa monster na yan.
Nagulat ako nang hinawakan ako ni Billy sa kamay at may binulong sakin.
"I'm glad you came Wifey ko." bulong niya sakin. Napatingin ako sa kanya at pagtingin ko ay nagulat ako nang magbago ang itsura niya.
📌
"KYAAAAAAAAAAAA!" napabangon ako bigla sa kama.
*booogggggsssssshhh!*
Nagulat ako nang biglang bumukas yung pinto.
"Asan na yung magnanakaw?" nakita ko si Fredison na may hawak na baseball bat.
"Ahm Fredison, walang magnanakaw dito." sabi ko kay Fredison.
"Eh bakit ka sumigaw?" nag-aalalang tanong sakin ni Fredison
"Wala, nagpapractice lang akong sumigaw. Kyaaaaaaa!" palusot ko kay Fredison. Tae! Ano ba yang palusot ko, waley.
Nakita ko naman si Fredison na nakataas ang kilay niya. Waaaaa! Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya yung panaginip ko. Gusto niyo bang malaman kung anong nangyari at bakit ako sumigaw? Kasi naman paglingon ko kay Billy sa panaginip ko ay naging isang monster na siya. Waaaaaa! Nakakatakot yung mukha niya.
"Ang weird mo naman. Bumangon ka na diyan. May pasok pa tayo." sabi sakin ni Fredison at umalis na siya. Bumangon na ako sa kama at pumunta sa kusina para magluto ng agahan.
Sa kusina ay nakita ko naman si Fredison na umiinom ng kape. Mukhang puyat siya dahil may eyebags siya. Dahil yata sa taping nila. Kawawa naman siya.
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]
Teen FictionSerenader 18: BILLY WILLIAMS